Lucas
R 18 (Violence, blood, disturbing description)
"Ampon, ampon!" asar sa akin ng mga bata habang nakatingin lang ako sa semento at kinakagat ang aking mga labi upang hindi ako umiyak.
"Anlalandi ng mga kasama mo!"
"May mga tulo 'yon!"
Hindi parin talaga ako nasasanay sa mga ganito. Kahit ang nag mamayari ng mga magulang ko na umampon sa akin ay isang brothel at ang mga nag tatrabaho doon. Ginagamit nila 'yon sa pag asar sa akin.
Pero ang hindi nila alam mababait ang mga nandon sa brothel. May mga rason sila kung bakita nila ginagawa 'yon, at wala silang Karapatan para husgahan sila!
"It's alright." Tumingala ako at nakita si Azura hawak-hawak ang kwelyo ng isang bata na umaaway sa akin.
"B-bitawan mo ako! Isusumbong kita sa papa ko! Pulis 'yon!" takot na sabing bata.
Bigla niya ito hinagis na parang bola lang, tumakbo naman siya papalayo kay Azura na parang inabuso na aso. Marami din sa mga bata natatakot kay Azura simula lumipat siya dito.
"You should never let someone step on you like that." Azura said at bigla niya ako kinarga sa likod niya.
"H-hoy, ibaba mo ako! Lalaki ako at kaya ko naman-"
"Even if you're a man or a boy... there's nothing wrong to get carried if you're tired." Saad niya sa akin habang nag lakad na kami pabalik sa brothel.
"Mga impakto sila... wala silang Karapatan para sabihan ng mga ganun sila mga ate, si mama, at si papa." Malungkot kong sinabi kay Azura.
"Then... don't give them the rights."
"Napaka mature mo... kahit ang bata-bata mo pa ang mature mo na," mahina kong sinabi sa kaniya habang naka nguso ako.
Tumawa lang si Azura. "It was... a horrible journey."
Horrible?
Bago ko matanong sa kaniya 'yon nakarating na kami sa brothel at nakita ako ni ate Anna napuno ng mga sugat.
"Jusko! Ano ang nangyari sa'yo?" alalang tanong sa akin ni ate Anna bago niya tawagin sila mama at yung iba pa mga nag tatrabaho dito.
"Dapat sinuntok mo sila, nak." Ika ni mama habang nililinis ang aking sugat sa mukha ko.
"Resbakan natin!" sabi ni ate Jossie.
"Sakto! Yung asawa ni Marie at yung tatay nang aaway kay Lucas, lagi napunta dito!" sabi naman ni ate Liza.
"Mga walangya sila, Lucas. Ang kapal ng mga mukha nila para saktan ang napaka pogi mo'ng itsura."
Marami silang umagree habang yung iba sa kanila kumukha ng malilinis na towel, maligamgam na tubig, at mga band aids.
Bakit ganun sila husgahan ng mga tao? Sino sila para mang husga? Tao rin sila... tao na may karapatan din.
Bigla na lang bumuhos ang luha ko at mas lalo sila nag alala lalo na si mama.
"Masakit ba? Saan ba 'yung masakit, Lucas?" niyakap ako ni mama.
"Dalhin na kaya natin siya sa hospital?" Pahiwatig ni ate Anna
"Oo, sige iaambag ko ang kalahati sa sahod ko." Ika ni ate liza habang kinukuha niya ang wallet niya.
"Ako din." Kumuha din sila sa kanilang mga pitaka.
"Hindi, okay lang mga pinag hirapan niyo 'yang mga 'yan." Pagpapatigil ni papa sa kanila. "May pera pa naman dito para sa pang hospital."
"Hindi, ayos lang, kuya Chris." Pagtitiyak ni ate Jossie kay papa.

YOU ARE READING
Wrath Of Azura
Misterio / SuspensoAzura Severio is a fashion department student at Imperial University located in the Philippines. People see her as a normal student, but is she really normal? A woman who is called the first commander of the biggest gang in the Philippines called AO...