25

7 0 0
                                    

Lucas

Trigger warning: (Disturbing description for young viewers ahead)

"Ma, sino siya?" tanong ko kay mama habang hinihila ang palda niya at tumingin sa batang babae, mukhang mag kasing edad lang kami.

She was hiding behind a man. She had the most beautiful features na nakita ko baka kasi foreigner siya kaya maganda. Rosy cheeks, rosy lips, beautiful jet-black hair, and lastly her eyes... it's very beautiful.

"Ako si Lucas." Sabi ko habang nilabas ko ang kamay ko para mag shake hands. Nilabas din niya ang kamay niya and we both shaked our hands.

"Sta dicendo il suo nome, dì il tuo." Sabi ng isang matangkad na lalaki na maraming puti na buhok pero napaka bata pa ng itsura niya at pogi pa.

"Azura... Azura Severio." She said in a soft tone while smiling.

May naramdaman ako kaagad sa dibdib ko na malakas na thud.

"Dito muna sila maninirahan sa atin, Lucas," mahinahon na sabi ni mama. "Turuan mo na din siya mag tagalog, ha."

Tumango lang ako at tumingin sa kaniya. Kinakausap naman niya ang isang lalaki at ibang lenggwahe pa nga ata ang ginagamit nila.

"Umm, this is how you ano umm sabi-sabi kamusta ka." I said habang naka upo kami sa labas ng brothel.

"Kamusta ka?" tinagilid niya ang ulo niya at tumingin sa akin na ano ang meaning non.

"It means. How are you? Ganon."

"Ahh." Tumango siya ibig sabihin alam na niya na 'yon.

"Next naman ay... putangina." I bit my lips para hindi ako makatawa.

"You're lying. Big Bo said that's a bad word in the Philippines." She said at masama ang pag tingin sa akin. Tumawa ako because she just looked so adorable.

"Okay, okay! Next!" I said while laughing habang masama ang tingin niya sa akin.

"O, alagaan mo si Azura doon, ha?" habang binibigay ni mama ang lunch box ko pati narin kay Azura.

Azura starts looking around. "Where's Big Bo?" tanong niya kay mama at mukhang naiiyak na ito.

"He's at work, Azura. Huwag ka mag-alala aalagaan ka naman ni Lucas 'e." Sabi ni mama habang tinatapik ang ulo ni Azura.

"Yiee binata na si Lucas! May inaalagaan na babae!" sabi ni ate Anna isa siya sa mga babae na nag tatrabaho dito sa brothel.

"Mag patuli ka muna hoy!" lakas naman ng tawa ni ate Jossie

"Tuli na ako! At h-hindi ko siya girlfriend!" depensa ko sa kanila at nararamdaman ko ang pag init ng aking mga pisnge.

"Uyy! Namumula siya, ate Ella!"

"Umuwi kaya muna kayo! Mamayang gabi busy ulit tayo." Sabi ni mama sa kanila.

"Ate Ella! Reto mo naman kami doon sa putting buhok na lalaki!" angal na sinabi ni Ate Anna kay mama.

"Umuwi muna kayo, aba at pumasok na kayo sa school." Tingin ni mama sa akin.

"Opo!" agad na kami umalis ni Azura at pumunta sa school.

"Let's bring an umbrella. It's going to rain soon." ika ni Azura habang tumitingin sa ulap.

"Huh? kakasabi lang kanina sa balita na ma-araw ngayon." depensa naman ni mama.

"Trust me." and she just walked away.

Pinadala na sa'kin ni mama ang payong baka nga bigla umulan, e dapat lagi daw handa. at 'yun na nga bigla na lang bumuhos ang ulan napaka lakas pa.

Wrath Of AzuraWhere stories live. Discover now