Kuzui Suzuki
Lumingon ako kay Chris na umiiyak dahil na-reject nanaman siya ng babae at sa'kin niya isinisi. Hindi ko alam kung bakit, kaya nagkibit-balikat na lang ako and just chose to ignore him.
"Akala ko kapag nakasali ka na sa gang namin lalapitan na ako ng mga chicks, pero potek, ikaw lagi ang hanap nila dito." Iyak ni Chris habang chinicheer up siya ng ibang miyembro ng Maharlika.
Nandito ako ngayon sa Pilipinas dahil dito naman talaga nakadestino ang HQ ng Maharlika. Malaking bodega ito na nakalocate sa Valenzuela. Medyo madumi ang Bodega dahil puro dito ay alak, sigarilyo, at mga condoms... just what the fuck are these morons doing?
Lumingon ako at nakita sila ginagawang balloon ang mga condoms. Inexplain naman sa'kin ni Joseph na halos kalahati daw ng Maharlika ay virgin, kaya naman pala. I also found out na may mayaman silang miyembro na nasa China at may private jet daw ito kaya nakakapunta sila ng ibang bansa.
Pumunta sa tabi ko si Chris habang nakaupo ako sa isa sa kanilang gulong ng truck kung saan-saan na lang nakalagay. Habang may lollipop na nakasalpak sa loob ng bibig ko.
"Bakit nga pala magaling ka mag-tagalog?" tanong niya kaagad sa'kin.
"Pilipino nanay ko at Japanese papa ko." I shortly answered.
"Weh? Hindi halata sa'yo na may dugo kang Pilipino!" hind sapang-ayon niya sa'kin.
"I get that a lot. My dad has stronger genes." I shrugged my shoulders at nang maramdaman ko na ubos na ang lollipop. Nilalaro ko na lang ang bagong piercing sa dila ko.
"pero bakit kulay white ang buhok mo? Mukha ka tuloy matanda." Tanong niya ulit sa'kin.
"It's in my dad's genes." I shrugged my shoulders again. It's my turn to ask him a question. "How did you create Maharlika? I mean you look weak and a fool. How can you have thousands of members?" curious ko'ng tanong sa kaniya.
"Hoy, medyo offending yung isa ha," tawa niya at tumingin sa kaniyang tauhan na may sari-sariling gawain. "Ewan ko... biglaan lang din."
I was not satisfied with an answer so I gave him that look. He just laughs at me and continues. "Hmm, gusto ko gumawa ng bagong landas para sa kanila, yung mga galing sa bilangguan na hindi alam kung saan na sila dadaan pagka-labas sa bilanggo. Mga tao hindi alam kung saan sila lulugar, gusto ko gumawa ng isang grupo o organisasyon kung saan lahat sila ay welcome." Binigyan ako ni Chris ng isang ngiti.
"Kuntento na ako makita sila na may ginagawa para sa bayan at para sa kanila..."
"I know, mukha akong mahina at loko-loko, but trust me... I can lead... I can lead them to a path where there is no dead end." Determinado niya'ng sinabi.
"But why name it Maharlika?" my final question.
"Because we are... free," he gave me a meaningful smile, before standing up to join one of the men who are playing tumbang preso.
He is one of a kind, teenager...
Nakarating na ako sa address na binigay sa'kin ni Chris. Tinaas ko ang tingin ko at napaawang ang bunganga ko nang makita ko ang laki ng gate at ang bahay nito. Mayaman pala itong si Chis, pero...
"Lumayas ka na dito! You ungrateful, son of a bitch!" bigla ako nakarinig na boses. Mukhang may nag-aaway. Umawang ang bibig ko ng makita ko si Chris.
"Oo, lalayas na ako sa impyerno mo! Gurang!" bago ilabas ni Chris ang middle finger niya at tumakas na gamit ang kaniyang scooter. "Sakay bilis!" pagmamadali na pagyaya sa'kin ni Chris bago siya humarorot umalis don.

YOU ARE READING
Wrath Of Azura
Mystery / ThrillerAzura Severio is a fashion department student at Imperial University located in the Philippines. People see her as a normal student, but is she really normal? A woman who is called the first commander of the biggest gang in the Philippines called AO...