Shit...
Sabi ko sa sarili ko habang naka antay ako sa labas ng room namin at kinukuha ni Big Bo yung report card ko. Tumingin ako ng kaonti sa loob ng room at nakita si Big Bo naseryoso nakatingin sa card ko habang ang prof ko ay nahahanga sa kaniya, rather halos lahat ng babae dito sa school na ito ay crush si Big Bo.
I flinched nang nakita ko si Big Bo tumayo at nagpasalamat sa prof namin at pumunta sa harapan ko. "May second semester pa naman, eh." I nervously said, kasi for sure mababa ang grades ko ngayon dahil sa mga gang war na nagaganap ngayon.
But Big bo just pat my head... "Mataas grades mo ngayon dahil wala kanang line of 6." He said pero may something talaga doon nung sinabi niya na wala na akong line of 6.
Nakita ko si Lucas na minamasahe nanay niya. "Ma, ako na maghuhugas ng pinggan ng buong buwan."
"Aba, ba't hindi mo na gawin ng pang habang buhay!" sabi ni Tita Ella at tinawanan na lng ito ni Lucas, "mataas naman grade mo, mabuti ngang wala kang line of 7!"
"So hindi na ako maghuhugas ng pinggan?" tanong ni Lucas na parang akala nito ay makakatakas siya sa paghugas ng pinggan.
"Aba lintek toh ah!" hahampasin na sana ni Tita Ella si Lucas pero nakita kami ni Big Bo. "O, Kamusta naman card mo, Azura?" tanong niya saakin.
"Naka sabit naman po sa jeep, tita hehe." Kinamot ko ang likod ng ulo ko at tumawa.
"Buti na lang nakasakay ako sa jeep." Sabi ni Lucas, tinutukso ako.
"Look at your grades! Ano it!"
Tumingin kami kung saan nang gagaling ang boses na iyon at nakita namin si Aerum na kasama ang kaniyang dad sa kuhaan ng card, nakasama lang ang dad niya dahil kailangan ito kausapin ng prof namin, dahil isa sa mga creation ni Aeum ay makaksama sa isang competition.
"Ang dali dali na nga lang ng course mo hindi mo pa magawa maabot ito ng 100!" galit nag alit na sinabi ni Mr. Park kay Aerum. "Stop wasting my time like this, Jianna!" at hinampas ang card na iyon kay Aerum at lumakad papalayo papunta sa kaniyang limousine at umalis na.
Tumingin ako kay Aerum na para wala itong sigla at sanay na lagi siya sinisigawan ng dad niya. Pumunta ako kay Aerum at pinulot ang card niya at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang grades niya ay puro 98 at 99. Ano pa ang gusto ng tatay niya?! Napaka perpekto na nga ng Aerum namin eh!
"It's not enough..."
Rinig ko sinabi ni Aerum while wiping her dry tears and smiled at me. "Hindi para kay dad, pero para sayo to'." She said habang seryoso siyang nakatingin sakin. Tumawa ako at tinapik ang ulo niya.
"You did enough already." I smiled, but it surprised me nang makita si Aerum namumula kaya lumayo ang tingin niya saakin.
"Hoy! Halika manlilibre daw si Mama ng pares! Dahil wala daw akong line of 7!" sabi ni Lucas, kaya hinampas ito ni Tita Ella sa ulo.
"Let's go." I looked at Aerum and walked my way towards them kaya tumingin ako kay Big Bo. "Sasama ka?" he shaked his head as a no at sabi pupunta daw ito sa flower shop na pinagtatrabuhan niya dahil walang magbabantay.
Marami nalungkot sa mga babae dahil sapag alis ni Big Bo. Despite in his late 30s many young girls have a crush on him na kahit karamihan sa kanila gusto makipag kaibigan saakin para lang makalandi kay Big Bo. Big Bo is really cool, I gotta admit that na kahit kalian hindi siya nag mukhang 30s, mukha nga siyang nasa late 20s.
Nasa pares na kami nila Lucas at Aerum, dahil si tita ella ay kailangan doon sa brothel. Kumakain lang kami ng tahimik dahil napaka sarap ng pares dito sa tapat lang ng school, kaya ayaw ko mag saying ng laway.

YOU ARE READING
Wrath Of Azura
Mystery / ThrillerAzura Severio is a fashion department student at Imperial University located in the Philippines. People see her as a normal student, but is she really normal? A woman who is called the first commander of the biggest gang in the Philippines called AO...