CHASING ONE
Xaylaine Klein's Point of Veiw
"HI EVERYONE, My name is Xaylaine Klein Brayle Chua. 18 years old. Transferee, I hope we get all along" sabi ko at nginitian sila bago bumalik sa upuan ko sa may dulo nginitian lang ako ng Professor namin.
Tinuloy lang ang discussion, nakinig at take notes lang ako habang nag kaklase. Nang matapos ang klase ay isa-isa kong niligpit ang gamit ko para pumunta na sa isa pang subject ko.
"Hi!" biglang sabi ng nasa likuran ko nilingon ko ito. She was smiling at me so I just smiled at her.
"I'm Ashantie Venice Bautista, Ash for short" sabi nito at naglahad ng kamay kaya tinanggap ko na lang.
"Nice to meet you Ash! Xaylaine, uh you can call me Xay for short" sagot ko bago binawi ang kamay ko.
"Pupunta ka na ba sa next subject mo?" tanong niya tumango na lang ako habang inaayos pa din ang gamit ko.
"Accounting ba ang next subject mo?" tanong nito na kinatango ko lang, ng matapos sa pag aayos binitbit ko na ang bag ko at akmang aalis na ng hawakan niya ang braso ko.
"Wait lang sabay na ako sayo dun din ako. We're classmates on that subject!" sabi niya.
Binitbit na din niya ang bag niya at hinila na ako palabas ng classroom namin. "Nasa kabilang building pa yun, Xay. Pero may short cut naman don't worry, nakakapagod dumaan sa field ang init pa" sabi nito habang hila ako tango-tango lang ang ginawa ko sa kanya dahil di ko alam ang isasagot ko.
Dumaan kami sa may isang corridor at walang masyadong estudyante na dumadaan dito.
Ito na siguro yung sinasabi niyang shortcut daw?
"Tara Xay, malapit na tayo" sabi ni Ash na kinatango ko lang, nasa tapat na kami ng tulay di naman ito gaanong kahaba daan siguro ito na nagdudugtong sa dalawang building.
"If you don't mind, can I hold you?" biglang tanong ni Ash na para bang natatakot tumango ako, kumapit naman siya sa braso ko kaya nagsimula na kaming maglakad at ramdam ko naman ang panginginig niya.
Nang makarating kami sa kabilang building dun lang siya bumitaw sa'kin "Thank you, Xay. I have fear of heights, I'm afraid to walk through this way alone. I overthink that this bridge might collapse"
"It's okay don't mind that okay? Let's go baka malate tayo" sabi ko at nginitian siya tumango lang siya at sinabayan akong maglakad.
When we arrived at the classroom, our Professor isn't here but we already have blockmates inside.
"Hey, Xay doon tayo" sabi ni Ash at hinila ako marami ang bumabati sa kanya na nginingitian niya lang sikat siguro siya?
"D'yan ka na lang umupo Xay dito naman ako, alternate kasi babae at lalaki" sabi ni Ash at tinuro ang uupuan namin nasa likod ako at nasa harap lang siya.
Umupo na ako sa upuan ko at ganun din siya inayos ko ang gamit ko. Naglabas ako ng notebook para pag nag notes at ballpen.
"Hey Xay, If you need or want something just tell me wag kang mahiya" sabi niya.
"Sige, salamat" sabi ko nginitian niya lang ako mga ilang minuto pa dumating na din ang prof namin. "Good morning class I'm sorry, I'm late. May emergency meeting kasi kanina" sabi ni Prof at niready ang mga gagamitin niya napatingin naman siya sa'kin.
"And by the way class may transfer pala tayo, miss introduce yourself" sabi ni prof at tinanguan ako kaya tumayo na lang ako di na ako pupunta sa unahan wala namang sinabi na introduce yourself in front kaya dito na lang ako.
YOU ARE READING
Chasing Someone Special (Dare Series One)
Romance🕑 "Chasing a person is not wrong, but, Chasing a wrong person is not right" ____________________ A woman who never believed in Love but found herself Chasing Someone Special, but as years passed by, the table was turned. A man was now Chasing Some...