CHASING SEVEN
"BE YOURSELF, okay?" sabi ni Kenchie pagka hatid niya sa'kin sa klase ko hindi na ako naka-pasok sa una kong klase kanina at in-excuse niya ako at ang dahilan niya ay hindi maganda ang pakiramdam ko.
Which is totoo naman. Tumango ako bilang sagot dahil wala na akong lakas para magsalita pa. Umalis na siya kaya pumasok na ako ng classroom namin lahat ng mga mata ay naka tuon sa'kin pero wala ako sa mood para pansinin yun.
"Where did you go?" bungad ni Evance sa'kin pagka-upo ko sa upuan ko nakalimutan ko kaklase ko nga pala siya ngayon "D'yan lang nagpahangin" sagot ko ng walang emosyon, feeling ko ang dami kong ginawa kaya sobrang pagod ako kahit umiyak lang naman ako kanina.
"You didn't attend your class earlier and your sister is so worried about you" sabi niya at parang inis pa ito sa'kin.
"I'll explain to her later" sabi ko parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi na siya nagsalita pa at ayaw ko din siya maka-usap. Kailan kong idistansya ang sarili ko sa kanya. Sa pamamagitan nun ay lalayo ang loob ko sa kanya at hindi tuluyang mahulog sa kanya ang puso ko.
Nung dumating ang Prof. namin ay nag start na siyang mag discuss pero wala ako sa wisyo para makinig sa kanya. Nang matapos ang klase ay lutang akong inayos ang gamit ko at lumabas ng classroom.
Get yourself together Xaylaine, this is not you, go wake up. Hays, bakit ba kase? Wala akong pakealam dati sa ganyan.
Kung magmamahal ka edi go, kung masaktan ka, kasalanan mo yan, di ko yan kasalanan.
Lutang pa din akong naglalakad sa corridor at hindi alam kung saan pupunta. Tinatamad akong pumasok sa next class ko, bawal naman mag ditch, siguradong dean ang bagsak ko.
Kailangan kong maging dean's lister dito para makabalik na ako sa America at ng matapos na lahat ng paghihirap ko.
"Shit!" nagulat ako ng biglang may humatak sa'kin at kinulong ako sa bisig niya, tinakpan niya pa ang ulo ko at may biglang bumagsak na kahoy. Muntik na ako doon ah! Nilingon ko ang humatak sa'kin at halos manlaki ang mata ko ng makita kung sino yun?
"Evance?" gulat na tanong ko bigla naman siyang tumingin sa'kin. At parang may kuryente na dumaloy sa buo kong katawan. Weird, This feeling is strange. Humiwalay naman siya sa'kin.
"That was close" sabi nito at tinignan ang kahoy na bumagsak. "What are you doing here?" tanong ko at takang-taka dahil nandito siya sa harap ko at siya ang nagligtas sa'kin.
"Seriously? I'm the one who need to ask you that question, What are you doing here? Don't you have class?" tanong nito nilibot ko ang paningin ko at nasa likod na pala ako ng building namin.
"Ah, I'm sorry. I just, I lost my sense. I can't think properly" sabi ko at iniling-iling ang ulo ko dahil siguro sa sobrang lutang ko ay di ko na namalayan na nandito na pala ako. "You okay? Is something bothering you?" tanong niya at ng tumingin ako sa kanya ay parang nag-aalala siya.
"Ah o-okay l-lang a-ako" utal kong sabi sa kanya, lalakad na sana ako ng hinawakan niya ang braso ko "You look pale" sabi nito at sinuri pa ang buong mukha ko pero nginitian ko lang siya "Ayus lang talaga ako" sabi ko at hahawiin ko na sana ulit ang braso ko ng hilain niya ako.
"No, you need to rest" he said and pulled me away from that place, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. "Where are we going?" tanong ko dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.
"You need to rest" he said, hindi ko naman siya maintindihan, nagulat ako ng pumunta kami sa may infirmary room. "She need an check up, she's not feeling well" sabi ni Evance sa Nurse na nandun.
YOU ARE READING
Chasing Someone Special (Dare Series One)
Romance🕑 "Chasing a person is not wrong, but, Chasing a wrong person is not right" ____________________ A woman who never believed in Love but found herself Chasing Someone Special, but as years passed by, the table was turned. A man was now Chasing Some...