Chasing Twenty-Three

61 42 0
                                    

CHASING TWENTY THREE

"READY NAMAN na diba?" tanong ni Mark at chineck ang gamit namin sa compartment ng van. Time Check 4:48 in the morning.

Madaling araw namin naisipan umalis para maaga kaming makarating sa Davao. And it's been two weeks since nangyari kay Kein yun and finally the news is not that fresh.

Hindi na nakasama sina Chelsey dahil may mga pupuntahan din sila this vacation.

"Yung iba nasa kotse ni Zach" sabi ko tumango naman sila "Uuna na kami sa airport kikitain niyo pa ang van nila Macky sa labas ng village nila Kenchie since yun ang huli" sabi ni Zach.

"Sige, susunod na lang kami" sabi ni Evance, nagpaalalam naman na sila Kein na aalis na sila kaya tumango na lang ako.

Nang maka-alis na ang kotse ni Zach ay kaming tatlo na lang nila Mark at Evance ang naiwan dito.

"Wala na bang naiwan?" tanong ni Mark umiling na lang ako "Ready naman na lahat, si Ash na lang ang susunduin natin" sabi ko tumango naman sila.

Sumakay na ako sa Van, si Evance ang mag-drive habang nasa passenger seat naman si Mark at ako sa likod.

Sinara ko na ang pinto ng van at pinaandar naman na yun ni Evance. Habang nasa byahe ay nag-cellphone na lang ako.

Ilang minuto din ng makarating kami sa bahay nila Ash, sina Evance at Mark na lang ang bumaba para sunduin si Ash dahil for sure madami din yung dala.

Ilang oras pa akong nag hintay ng bumukas ang pinto ng Van at si Ash yun "Hi Xay" bati niya tumango na lang ako, sumakay naman na siya at tumabi sakin.

Nilagay naman na nila Evance at Mark ang mga gamit ni Ash sa compartment ng van. Ng matapos ay sumakay na ulit sila.

"Sina Xayrille? Nauuna na?" tanong ni Ash tumango naman ako "Yeah, aantayin na lang daw tayo" sabi ko tango-tango naman ang naging sagot niya.

Pinaandar na ni Evance ang van at si Chloeh na lang ang susunduin namin at hihintayin na namin sina Ashton sa tapat ng village nila Kenchie.

Ilang oras lang ang lumipas ng makita namin si Chloeh sa tapat ng village nila. Binuksan naman ni Ash ang pinto.

"Dito ko na kayo hinintay ganun din naman" sabi ni Chloeh si Mark na lang ang bumaba para ilagay ang gamit ni Chloeh sa van.

Nang mailagay lahat ay sumakay na ulit sila. Nasa may tabi ako ng bintana at nasa tabi ko si Ash, si Chloeh naman ay sa likod pumwesto para solo niya daw.

Pinaandar na ulit ni Evance ang sasakyan at medyo malayo ang village nila Chloeh sa village nila Kenchie at ng makarating kami doon ay nandoon na ang van nila dahil nasa labas si Kenchie.

Si Mark at Evance ulit ang bumaba at binuksan ko lang ang bintana ng van. "Sa inyo na sasabay si Charm, since unti pa naman kayo and pati gamit ni Charm" sabi ni Macky at nilabas ang gamit ni Charm

"Nasa airport na siguro sina Zach at Xayrille umuna na yung dalawa" sabi ni Mark at tinanggap ang gamit ni Charm

"Sige kita na lang tayo lahat sa airport" sabi ni Kenchie na tinanguan lang nila. Sinara ko na ulit ang bintana, bumukas naman ang pinto at pumasok si Charm.

"Hey everyone" bati niya samin sa tabi siya ni Chloeh umupo "Good morning" bati ni Ash sumakay na din sila Mark at pinaandar ang van.

"Diretso tulog tayo nito" sabi ni Chloeh na sinang ayunan ni Charm "Tulog na lang tayo sa airplane" sabi ko dahil wala din ako maayos na tulog dala na rin ng excitement.

"Excited kasi" sagot naman ni Mark, ilang oras din ang naging byahe namin papunta sa airport at halos sabay lang namin ang van nila Ashton.

Bumaba na kami at sinalubong naman kami nila Kein at Zach. "Naka ready na ang plane" sabi ni Zach kaya nilabas ko ang passport ko.

Chasing Someone Special (Dare Series One)Where stories live. Discover now