CHASING SIX
"NO PROBLEM anything just for someone who is special to me, I mean your special to Ash and Ash is special to me so your also valid" sa sinabing niyang yun ay di ko alam kung paano ako mag rereact kaya ang ginawa ko ay pilit na lang akong ngumiti at tinanguan siya.
Agad akong pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto ko at doon nag tatalon-talon sa sobrang kilig.
"Ang bipolar din ng puso ko kanina kung masaktan wagas ngayon naman sayang-saya" sabi ko sa sarili ko ng matapos ako sa ginagawa ko ay nagpalit na ako ng damit.
Simpleng dress lang dahil d'yan lang naman sa kapit-bahay di na ako nag jeans. Inayos ko muna ang sarili ko at kinuha ang shoulder bag ko at phone ko.
Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng kwarto nadatnan ko si Mom sa sala na nagbabasa ng magazine napansin niya siguro ang presensya ko kaya napalingon siya sa pwesto ko.
"Oh? Pupunta ka na ba kanila Evance darling?" tanong nito pero binaligan ko lang ito ng walang emosyon at tumango, she just smiled at me.
Hanggang ngayon ay ayaw ko pa din sa kanya di ko alam pero may galit pa din sa puso ko. Lumabas na ako at naglakad papunta kanila Evance at habang papunta sa kanila ay lutang ang utak ko.
What if she choose me? what if hindi niya ako hinayaang sumama kay Dad? what if she tell me the reason why they separate?
Hanggang ngayon ay clueless pa din ako sa lahat ng nangyayari five years ago? ang tanging alam ko lang ay kaya sila naghiwalay ay dahil sa cheating ang tanong ko sino sa kanila? limang taon na pero wala pa din akong alam sa lahat.
"Hey you're out of your mind?" nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses ni Evance kaya napalingon ako sa kanya "Ah? Sorry may iniisip lang" sabi ko di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay nila.
He guide me na pumasok sa bahay nila kaya pumasok na ako ng makapasok sa main door kumaliwa kami tapos doon ko nakita sa living room sina Ash, Kein, Chloeh, Mark at Zach na nakaupo sa L-shape nilang sofa.
"Xay" tawag sa'kin ni Ash at nilapitan ako, hinila naman niya ako at pina-upo sa upuan "Talagang bihis ka" bulong sa'kin ni Kein at nang-aasar pa akong siniko umiling na lang ako "Practice ang punta natin hindi date sa mall" singit ni Chloeh at nginitian ako ng nakakaloko.
"Ewan ko sa inyo, alangan namang mag jeans ako? Dito lang naman sa kapitbahay? O di kaya mag short? Ano yun?" sabi ko pero inasar lang nila ako bahala nga sila dyan.
"So? Ano ng pa-practice natin?" tanong ni Mark at tumingin kay Evance sabay saken tumayo naman si Kein
"Talent portion na muna nila, madali lang yung rampa at iba pa" sabi nito sobrang fashionista ng kapatid ko unlike me? Walang alam sa mga ganyan. "Then tara na practice na tayo ng kanta" sabi ni Ash at tumayo hinila niya naman ako paakyat.
"Ash ang braso naman ni Xay baka mahila muna" sabi ni Chloeh pero tinawanan lang siya ni Ash
"It's okay I always think about her safety" sabi nito ng makarating kami sa second floor ay may mga pinto doon na sa tingin ko ay kwarto.
"Dito kwarto ito ni Evance" sabi ni Ash at tinuro ang kulay itim na pinto sa kanan unang pinto "Ito namang kaharap is stock room lang" sabi ni Ash at tinuro ang pinto na kaharap ng tinuro niyang kwarto ni Evance.
"Dinaig mo pa ang may ari ng bahay kung makapag house tour ka" sabi naman ni Mark kaya natawa kaming lahat "Okay lang yun alam kong di kayo i-tour ni Evance eh hayaan niyo mamaya room tour naman" sabi ni Ash at tumuloy sa paglalakad huminto kami sa may puting pinto at ang kaharap ay itim na pinto.
YOU ARE READING
Chasing Someone Special (Dare Series One)
Romance🕑 "Chasing a person is not wrong, but, Chasing a wrong person is not right" ____________________ A woman who never believed in Love but found herself Chasing Someone Special, but as years passed by, the table was turned. A man was now Chasing Some...