CHASING ELEVEN
NANG MAKALABAS kami ay di ko pa din makalimutan ang binayaran niya! Ang mahal nun! Mahal na nga nitong suot kong damit at sapatos!
Bakit? Para sayo ba ang mga pinadagdag niya? Tila nasaktan ako sa sarili kong overthink, assuming lang talaga ako siguro minsan.
"Ahm, babayaran na lang kita pag-uwi ko wala kase akong dalang malaking pera ngayon" sabi ko tumigil naman siya sa paglalakad at binitawan ang kamay ko.
Bigla akong natauhan sa sinabi ko. Paano ako kukuha ng ganun kalaking pera? Kung wala pang kalahati ng ipon ko? Hays, 195,245.23?!
Ang tanga mo talaga, uutang na lang muna ako kay Kein? Maybe kay Ash? Hindi may pustahan naman kami kagabi? Ay kukulangin pala yun, hindi pa yun aabot.
"No need, that's your birthday gift" sabi niya bigla namang nagwala ang puso ko. Kalma lang heart pwede? Tumikhim siya na para bang nahiya sa sinabi niya.
"From Ash and also to them" dugtong niya tumango na lang ako may part saken na umasa talaga ako na galing yun sa kanya. "All of this are for you"
Pero ayus lang yun naglakad na ulit siya kaya sinundan ko na lang siya. Napapatingin naman samin yung mga tao kaya nagtaka ako.
Anong meron? Tinuturo nila ako kaya lalo akong nagtaka, may problema ba? Tapos tatawa sila?
Naramdaman ko naman na may humawak sa batok ko at si Evance lang pala yun may tinanggal at doon ko napagtanto na may tag price pa pala.
"You forgot to tear this" sabi niya at pinakita ang price tag hays nakakahiya kaya pala pinagtitinginan kami ng lahat. Naglakad na ulit kami
"Ahm saan ba natin pupuntahan sina Ash?" tanong ko nilingon niya naman ako "Restaurant, dont worry they are complete, they are waiting for us" sabi niya kaya tumango na lang ako.
Nasa tapat na kami ng restaurant at mula sa labas ay kita na namin sina Ash na nasa loob napansin kami ni Mark kaya kumaway siya samen.
Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa kanila, "Happy Birthday Xay!" bungad nila samen ngumiti na lang ako "Thank You" sabi ko at umupo sa may tabi ni Kein.
"I like your dress" sabi ni Finley at tinuro ang dress ko I just smiled at her.
"Ang dami naman ng paper bag?" sabi ni Mark at tinuro ang paper bag na nasa gilid namin ni Evance sali't-sali't ang tingin nila samin at sabay sabay naman tumingin ang mga girls sa cp nila at tumingin samin
"Ah, mga damit yan, regalo daw sakin galing sa inyo girls" sabi ko nagkatinginan naman silang lahat at kay Evance kaya nagtaka ako. "Ah oo yan yung kagabi? Plus for your birthday" sabi ni Chloeh na tinanguan lang nilang lahat na babae.
"Pero hindi na kailangan, ayus lang ang greetings saken pero salamat sa gifts" sabi ko they just smiled at me. Nang dumating ang order nila ay kumain na kami at nagulat ako ng may cake na dumating doon.
"Happy Birthday Xay" bati nilang lahat at kinantahan ako ng birthday song halo-halo ang nararamdaman ko ngayon, tuwa, excitement, at naiiyak din ako dahil minsan lang mangyari ito dahil wala naman ako masyadong kaibigan sa America noon.
"Make a wish Xay" sabi ni Zach kaya pinikit ko ang mata ko. Nag thank you lang ako at nag wish ng —
"Sana hindi na matapos ang araw at oras na ganito na lang lahat, masaya"
Pagkatapos ay bi-nlow ko na iyon at nagpalakpakan naman sila. Grabe dinaig pa namin ang mga batang nag celebrate ng birthday party.
"Ayaw ko ng ganito bukas ah? Common na" parinig ni Kein dahil bukas ay birthday na niya "Wag kang assuming dyan Xayrille di mo na kailangan ng surpresa na yan ayus ka na sa bati" sabi ni Kenchie na kinatawa ng lahat sinimangutan naman siya ni Kein.
YOU ARE READING
Chasing Someone Special (Dare Series One)
Romance🕑 "Chasing a person is not wrong, but, Chasing a wrong person is not right" ____________________ A woman who never believed in Love but found herself Chasing Someone Special, but as years passed by, the table was turned. A man was now Chasing Some...