Chasing Twenty-Nine

63 41 0
                                    

CHASING TWENTY NINE

"YOUR SISTER is worrying about you"

Tulala akong nakatingin sa labas at hindi pinansin ang sinabi ni Kenchie.

Lalo lang namaga ang mga mata ko, iyak lang ang ginawa ko kahapon, pati ngayon. Sobrang sakit pa din ng mga nangyari para sakin.

"Xay, you want me to call your sister? Para naman may kausap ka? O di kaya sina Charm? Si Sapp? Balita ko si Ash naka-uwi na ngayon? Ano? Gusto mo bang tawagan ko sila?" tanong niya.

Hindi ko pa din siya inimik, actually wala akong gustong maka-usap ngayon, drain pa din ang sarili ko sa mga nangyari.

Tinawagan ko lang kagabi ang kapatid ko at sinabing ligtas naman ako ngayon. Nasa bahay pa din ako nila Kenchie ngayon.

Ayaw kong umuwi sa bahay. Baka mas mahirapan lang ako pag nakita ko ang bahay nila Evance doon.

"Your so pale, you didn't eat right, your sister will punch me for not taking care of you, Xay, eat right" kausap pa din sakin ni Kenchie habang pinipilit akong kumain.

Bumili ako ng bagong cellphone at bumili din ako ng bago kong sim. Tinawagan ko si Dad at sinabing disidido na akong umalis.

"I will call your friends, who? Xay, talk to me please..." binalingan ko siya at kita sa mga mata niya na gustong-gusto niya akong maka-usap

"Kenchie..." tawag ko sa kanya, agad naman niya akong pinagtuunan ng atensyon "Thank you, for staying at my side..." sabi ko he just smiled at me.

"No worries Xay, I insist, so eat now" sabi niya pero umiling lang ako "I'm leaving now" sabi ko at tumayo nagtataka naman niya akong tinignan.

"Why? Your not okay yet" sabi niya pero umiling lang ako "I'm not, but I can be okay, thank you" sabi ko, kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa side table ng kama niya.

"Hatid na kita sa inyo" sabi niya pero inilingan ko ulit siya "Hindi na, gusto ko din kasing maglakad at mag-isip... kaya ko naman, kakayanin" sabi ko halata namang ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.

Hinatid niya lang ako sa may labas ng subdivision nila. At nagpumilit pa siyang ihatid ako pero umayaw ako.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon, tulala akong naglakad. Nagising lang ako sa reyalidad ng mag vibrate ang phone ko.

Sinagot ko yun ng makita ang caller ID si Kenchie.

[Hello? May naiwan ba ako?]

[Gusto ko lang itanong kung, ibibigay ko ba kay Ash ang number mo ngayon? Gusto ka kasi niyang maka-usap, is it okay?]

[Ahm, sige binabalak ko din naman kasi siyang tawagan, kaso di ko kabisado number niya]

[Sige, ibibigay ko na ang number mo, okay ka lang ba? Nasan ka na? Nakauwi ka na ba?]

[Ahm, nasa malapit sa may n-national b-book s-store]

[Okay ka lang ba? Gusto mo puntahan kita dyan?]

[Hindi na, bigay mo na lang bago kong number kay Ash, salamat]

[Sige mag-ingat ka, tawagan mo na lang ako pag may kailangan ka]

Tumango ako na akala mo ay nakikita niya ako, pinatay ko na ang tawag. Napatitig ako sa national book store, I feel my tear fell.

That is not a big deal, but everytime I look nor I see every place we've been together go, it reminds me of him. My memories with him.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at nagvibrate naman ang phone ko. Unknown number yun. Sinagot ko naman dahil baka si Ash na yun.

Chasing Someone Special (Dare Series One)Where stories live. Discover now