Nanatili lang akong nakamasid sa labas ng sasakyan nang nagpasya siyang ihatid ako pauwi sa apartment. Ilang ulit pa niya akong pinilit na manatili sa tinitirahan nila pero tinanggihan ko iyon.
I am used to live alone, kaya ayaw kong magpadalos-dalos sa mga desisyon ko ngayong natagpuan na niya ako.
Every words that the cashier said earlier still linger on my mind. Hindi ko maiwaksi 'yon dahil bawat husga ay mas tumatatak sa isipan ko. I should be used to it, dahil noon pa man ay naririnig ko na ang mga ganoong salita mula sa iba. Hindi ko lang lubos maisip na pati pala sa bayan ay kilala ako bilang ganoon.
I don't understand why they easily judged someone they don't even know personally.
Paano nila nagagawang manghusga na base lamang sa mga naririnig sa iba?
Some of my classmates back then even hurt me physically because of their unreasonable accussations. Wala silang patunay na naglalandi ako at may nilalandi. Kung may lumalapit mang mga lalaki sa akin noon ay pinapansin ko dahil nagtatanong lang naman. Ayaw kong maging bastos, but other people see it as flirting.
Hindi ko alam na bawal na pala akong kumausap ng lalaki na nasa paligid ko.
"You can stay with us,you know. And leave your work for good." Ashton said.
Napasinghap ako, pakiramdam ko tuloy ay ganoon din ang tingin niya sa trabaho ko. Pero pa man lumawak ang negatibo kong iniisip ay naunahan na niya akong magsalita.
"I-I didn't mean anything, I just want you to be comfortable when you start studying. College is hard." Bawi niya.
"Nabuhay ako sa hirap at sanay na akong nahihirapan. At sa tingin mo ba kapag umalis ako sa beerhouse ni nanay Ester,magbabago ang tingin nila?" I shook my head. "Hindi na mababago ang pananaw nila sa akin. Hindi na maaalis sa madumi nilang isipan ang kung ano man ang tingin nila sa pagkatao ko."
"But atleast—" I cut him off.
"Sanay na ako sa kanila, and their opinion doesn't really matter to me." Pagsisinungaling ko.
Dahil kanina habang sinasabi 'yon ng babae ay tila nilulukumos ang dibdib ko. Sobrang bigat sa pakiramdam na kahit ipagtanggol ko pa ang sarili ko ay walang silbi rin dahil 'yon naman ang tingin nila.
Ganoon lang sila kadaling maniwala sa mga naririnig nila sa iba. Ganoon lang nila ako kadaling husgahan kahit wala namang patunay ang mga sinasabi nila.
"Fine," he said lowly. "But I'll stay here with you all the damn time. I will protect you this time from them." His jaw clenched.
"We already talked about it,Ashton! I don't want to be involve with your family again. Tahimik na ako rito,e. Ayos na ako, bakit mo pa ako hinanap?" Naluluha kong saad, ngayon lang ulit bumalik ang bugso ng damdamin ko. Dala na rin siguro ng mga masasakit na salitang narinig ko kanina.
"Because you are my family too, you belong to us. You are a Montero, and no one can stop that!" He frustratedly said. "Alam mo naman na ilang taon ka naming hinanap, at sa tingin mo ngayon na nakita na kita, kaya ko pang hayaan ka? No,Ashanti. . .I can't do that anymore, even mommy can't stop me now."
Gusto kong maiyak sa mga naririnig ko sa kanya, sa loob ng ilang taon na pag-iisa ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, ngayon lang pinaramdam sa akin na kailangan din pala ako sa buhay nila.
Itinabi niya ang kanyang sasakyan at humarap sa akin. He hold both of my hands and squeeze it, mapupungay ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.
"Gusto kong bumawi sa ilang taon na hindi ka namin nakasama. Alam kong hindi ka pa handang makita muli si daddy at hindi kita pipilitin doon. But please, let me be with you..."I wipe my tears using both of my hands.
BINABASA MO ANG
Warriors Constant Enemy (Montero Series 2)
RomanceGrowing up by herself and hated by her own family, Ashanti Bernice Montero survived life with no one. Matapang na hinarap ang kahit anong hamon upang mabuhay. She is the definition of a strong and independent woman. She struggled in life but never g...