Sinundo niya nga ako ng sumapit ang gabi,medyo maaga siya at naghintay talaga na magsarado kami ng beerhouse.
"Alam mo na ba ang kukunin mong kurso sa kolehiyo?" tanong niya habang nagmamaneho.
Ilang beses ko nang inisip 'yan. Kinukumbinse rin ako ni Alaric na kumuha ng related sa negosyo ngunit nagda-dalawang isip parin ako.
Tumango ako sa kanya.
"So,nakumbinse ka ng kapatid mo?"
Siyempre alam niya. Hindi na ako magtataka kung nagkwento nga si Alaric sa kanya. Isang iling pa ang ginawa ko na siyang nagpahagalpak sa kanya ng tawa. Tila nanalo na naman sa lotto ang gago at sigurado akong aasarin na naman nito ang kapatid ko.
"I want to pursue tourism,gusto ko ring sumampa ng barko kagaya ni ahia." nakangiti kong sabi.
Dati,pangarap kong maging flight attendant or magtatayo ng sarili kong travel agency. Ngayon,gusto kong maging sea stewardees,hindi lang naman dahil 'yon sa kapatid ko. Gusto ko rin 'yon noon pa man,nadagdagan lang talaga ni Ahia ang determinasyon ko.
"Kawawa naman si Al,kamukha mo na nga nanay niya tapos kay Ashton ka rin susunod ng yapak." malakas siyang natawa dahil sa sinabi niya.
"Tss!" ang ingay talaga ng isang 'to kaya ayaw ko talaga sa tuwing nasa paligid siya,e.
Tumawa siya. Minsan din baliw talaga,wala namang nakakatawa.
"Dati talaga iniisip ko bakit ka iniwan ng bestfriend mo." sinimaan ko siya ng tingin. "Pero ngayon,walang duda,dahil suplada ka kaya ka pinagpalit sa iba."
I was stunned by his remarks.
Mas lalong lumakas ang tawa niya na nakakainsulto sa parte ko. Mas nadagdagan ang kung anong bigat sa pakiramdam ko.
Maybe he's right? Kaya siguro mas pinili ni Marco ang babaeng 'yon dahil sa ugali ko?
Hindi ako kumibo,hinayaan ko siyang pagtawanan ako kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na siyang sigawan. Gusto kong sabihin sa kanya na kahit pa hinahayaan ko siyang lumapit sa akin at sunduin ako ay wala siyang karapatan na ipamukha sa akin 'yon.
Hindi niya ba alam na kahit pabiro pa ang pagkasabi niya ay nakakasakit siya ng ego? Hindi niya ba naisip na hindi naman kami ganoon ka close at wala siyang karapatan na insultuhin ako?
His laughter die down as he cleared his throat before focusing in the road. It brings silent for the both of us. Hindi ako nag-aksaya ng kahit isang minuto upang balingan siya ng tingin. Ayaw kong tingnan siya dahil mas lalo lang maghihimutok ang utak ko. Mas lalo lang akong maiinsulto dahil sigurado ako na ang tingin sa akin ng lalaking 'to ay kawawa.
Hanggang sa makarating na kami sa apartment ko ay tahimik kaming pareho. Bumaba ako ng walang paalam at kahit siya ay hindi ko narinig na bumusina ng kanyang sasakyan bago umalis.
Better.
At kung maaari sana ay huwag na rin siyang magpakita sa akin sa susunod na mga araw,linggo,buwan,taon o kahit habambuhay ay wala akong pakialam.
I should not be affected by this. At kahit ilang ulit ko pang itatak sa isipan ko na dapat nakamove-on na ako sa ganoong issue ay hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari.
Galit ako,galit ako dahil kahit hindi man sabihin ni Casimir 'yon ng direkta ay alam kong totoo. Maybe that's the reason why Marco chose another girl over me because I was not good enough for him. I am hard to handle,I have so many issues and baggages in life.
Hindi ako nakatulog nang gabing 'yon kakaisip sa mga nangyari. Kaya kinabukasan ay tamad akong bumangon at walang gana kong kinuha ang nakasabit na tuwalya sa likod ng pinto.
BINABASA MO ANG
Warriors Constant Enemy (Montero Series 2)
RomanceGrowing up by herself and hated by her own family, Ashanti Bernice Montero survived life with no one. Matapang na hinarap ang kahit anong hamon upang mabuhay. She is the definition of a strong and independent woman. She struggled in life but never g...