07

39 7 0
                                    


Ganoon nga ang nangyari sa mga sumunod na araw. Palagi kong nakikita ang presensya ni Casimir sa paligid ko,kung hindi bumibili sa tindahan ng kung anu-ano ay nasa beerhouse naman kada gabi kasama 'yong mga lalaki na kasama niya palagi.

I don't mind though.

Hindi niya naman ako kinukulit sa oras ng trabaho ko, iyon nga lang ay hindi siya umaalis kapag hindi ako sumasabay sa kanya pauwi. Naging routine na namin 'yon ng isang buong linggo, at sa totoo lang ay nasanay na rin ako sa presensya niya. Ayaw ko man na umaaligid siya ay wala akong nagawa dahil baka utos parin ng mga kapatid ko gayong nasa manila na ulit sila dahil sa negosyo.

"Hindi ka ba napapagod kakahintay sa akin? Gabi-gabi kang umiinom." saad ko isang gabi ng hinatid niya ulit ako sa apartment ko.

Hindi ko man sinasadya but it sounded concern kaya ngumisi siya.

"Concern ka?" nakangisi niyang tanong.

"Hindi sa'yo,sa atay mo." I rolled my eyes that made him chuckled.

"You can tell me if you are, I'll gladly want to hear that." nakangiting sabi nito habang abala sa pagmamaneho.

"Bakit naman ako mag-aalala hindi naman kita kaanu-ano."

Napasinghap siya at humawak sa kanyang dibdib at umaktong nasasaktan.  Arte!

"Ba't ka nagtatanong kung ganoon? Alam kong nag-aalala ka,hindi mo lang pinapahalata..."

"Asa!" singhal ko.

"Talaga." nakangiti parin siya.

I rolled my eyes and look away. Para kaming mga bata na nag-aasaran sa walang kwentang bagay.

Lagi akong napipikon sa kanya,kahit wala naman siyang sinasabi o ginagawa. Ewan ko ba, itsura pa lang kasi niya,nakakairita na.

Natahimik kami sa loob ng sasakyan niya hanggang sa makarating na kami sa apartment ko. Hindi na ako nag-abalang magpasalamat sa kanya,ganoon naman palagi ang nangyayari sa tuwing hinahatid niya ako. Siguradong sanay na siya sa pakikitungo ko sa kanya.

Bahala siya.

Diretso ang labas ko sa kotse niya at naglakad na papasok ng compound. Ibinaba niya ang bintana at rinig ko pa ang pagbulong-bulong niya pero hindi ko maintindihan.

"Salamat,ha?" he mocked me.

I just raise my right hand and wave,continue walking inside our compound. Hindi ko na siya nilingon pa,narinig ko nalang ang isang beses niyang pag busina bago umalis ang kanyang sasakyan.

I took my half bath and skin care routine, hindi naman skin care talaga. I usually use moisturizer and apply night cream at okay na ako. Minsan nga ay hindi ko pa nagagawa 'yon dahil tinatamad na at antok na.

I check my phone to check my brother's messages at hindi nga ako nagkakamali na puno na naman ng mensahe nilang dalawa. Ganoon naman ang nangyayari araw-araw at kahit alam kong in-update sila ni Casimir ay nagrereply parin ako sa kanila.

Nilagay ko na ang phone ko sa maliit na mesa sa gilid ng kama at handa na sanang matulog ngunit tumunog ito. Nagpapahiwatig na may mensahe, inabot ko 'yon at tinignan.

It was from unknown number.

Unknown number:
I'll pick you up and send you to school tommorrow.
Goodnight, Bernice 😊

-CAC

Kaya kahit pa initial lang ang nilagay niya ay alam ko na kung sino ito. Hindi na ako nag-abalang magreply sa kanya at inayos nalang ang higa ko at nagdesisyong matulog dahil maaga akong lalakad sa school bukas para ilakad ang school papers ko.

Warriors Constant Enemy (Montero Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon