19

30 5 0
                                    


"Bakit ka nakaharap sa akin? Tumalikod ka!" inis na saad ko sabay tulak sa kanya.

It is our first time sleeping next to each other.  Walang mangyayari,siyempre dahil hindi pa ako handa at hindi niya naman ako niyayaya.

Malaki ang respeto ni Casimir sa akin at ipinagpapasalamat ko iyon. It has been a week since my brothers are not around. Ngayon araw lang din siya nakauwi dahil sa trabaho.

Mas lalo yatang naging abala dahil sa pinapatayo nilang bagong head quarters kung saan nagtuturo si Syneca.

"Talikod na,Cervantes!" utos ko sa kanya.

Aaminin kong kabado ako sa mga oras na ito. Hindi naman sa may inaasahan akong mangyari pero kasi. . .ang awkward na magkaharap.

Sabay pa talaga kaming napaharap sa isa't isa. Naiilang tuloy ako sa hubad niyang katawan.

Hindi ba magdadamit ang isang 'to? Tapos na kami,ah. Ano? Umaasa pa siya na makakaisa ulit? God! Ang sakit pa kaya!

"You know I can't sleep facing my left side." sagot niya.

"And you know I can't sleep with my right side too!"

"That's the reason why we need to spend all of our relationship looking at each other."

Hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya. Why is this guy and his mouth were good at this,'no? Mga linyahan niya talaga palagi ang nagpapatahimik sa akin.

Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Naglalaban sa titigan at walang nagpapatalo.

I cleared my throat.

"Turn off the light,please..." utos ko sa kaniya.

May namuong ngiti kaagad sa mga labi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Oh,I change my mind. Leave the light beside you,I don't trust you."

Bahaw siyang natawa sa sinabi ko.

"What? You think something might happen when  the lights are off,Bernice?"

"W-what?" kabado tuloy ako sa iniisip. "A-ano,I'm fine with a little light's on. B-baka hindi ka makatulog."

"You know that if I do it on purpose something might really happen between us even when the light is on or off,right?"

"Casimir!" protesta ko sa bulgar niyang sinabi.

Tumawa lang siya ng tumawa. Kainis talaga ang isang ito!

"Kung hindi lang talaga ako nagpipigil,ewan ko nalang kung makakalakad ka pa kinabukasan."

Hinampas ko siya. I still feel sore and tired. Tapos ito siya kung ano-ano ang iniisip.

"Matulog ka na! May trabaho ka pa bukas."

"Pero puwede kitang trabahuin muna ngayon,langga."

Ugh!

Kaagad nag-init ang mukha ko at siguradong nangangamatis na ito sa pula.

"Fuck you!"

"I love to but you look tired,bukas na lang." he even winked.

Kaagad akong tumalikod sa pwesto niya. Bahaw naman siyang tumawa. Kainis!

Ilang segundo ay naramdaman ko nalang ang nga braso niya sa beywang ko. He pulled me closer to him and I let him. Niyakap niya ako ng mahigpit,nanatili parin akong nakatalikod sa kanya. Pinipilit kong matulog pero baka hindi na akong makakatulog nito kakaisip sa mga nangyari sa amin at sa mga pinagsasabi niya.

Warriors Constant Enemy (Montero Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon