It's been a week since Casimir and I had that conversation in the cafe.Halos hindi ko na malunok ang kapeng in-order ni Hymier para sa akin dahil sa titig ni Casimir at sa tuwing bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi niya.
What is he talking about? Hindi ako pwedeng magpaligaw at siya lang ang pwedeng manligaw sa akin? Nahihibang na ba siya?
Alam ko naman na kasal pa kami dahil sa ilang beses akong nagpadala ng annulment papers sa kanya ay ni kahit isa wala siyang binuksan man lang doon at binabalik kaagad sa akin.
But in our case right now,wala sa plano ko ang balikan siya. I am being casual with him because we have Cashania.
I stil love him but it is not enough for me.
Should I accept him again in my life if ever he wants me back?Is it worth it? Should I take a risk again?
If he's just doing this because of Cashania. Huwag na lang,ayaw kong naiisip na makikipag balikan siya dahil lang sa may anak kami.
My week become busier with work. Nag-opening na kami sa open bar at naging abala sa mga business meetings na pinasa sa akin ng pinsan ko.
Hindi ko alam kung anong problema ni Hymier but these past few days he's not the Hymier I know. Palaging tulala at hindi makausap ng maayos.
I was talking to a businessman in the lobby when I saw Casimir approaching our way. Nasanggi niya ang braso ng kausap ko at humingi ng tawad na labas sa ilong. Tinaasan ko siya ng kilay but he just rolled his eyes.
Nilagpasan na niya kami at nagtungo sa elevator. Siguro ay pupunta siya sa opisina ni Hymier. Marami siyang dala,may box at bouquets. Hindi ko alam kung para kanino ang mga iyon at nakuha niya pa talagang dumaan dito?
"Like what I've said,miss Montero...Can I ask you some other time for a lunch or dinner?"bigla tuloy nagbago ang timpla ko.
I am not into this kind of conversation. I want them to take this as professional pero everytime na may makakausap akong businessman ay laging nagyaya ng kain sa labas.
I don't wanna be rude to them dahil business partners sila pero minsan naiinis din ako. I am not interested in dating with anyone. Kung hindi dahil sa negosyo ang pag-uusapan ay salamat nalang sa imbetasyon.
"Sure po if it's all about business pero kung hindi naman pasensya na po but my daughter and husband will not allow me to."
Nakita ko ang gulat sa kanya kaya ngumiti ako.
"You're married?" I nodded. "Oh,I thought..."
"It's okay mr.Sanchez no one knows aside from my family kaya..." paliwanag ko.
"I'm really sorry Ashanti..." ngumiti lang ako para pagaanin ang loob niya.
"If you don't mind,sir...can I excuse myself now?" He awkwardly smiled and nodded.
Hindi ako nagdalawang isip kaagad na umalis doon. I immediately went to the elevator and push the button of Hymier's office floor.
Nang makarating sa harap ng opisina ni Hymier ay dahan-dahan kong binuksan ito. Sanay na akong hindi kumakatok dahil kaming pamilya niya lang naman ang pumapasok rito.
I slowly open the door and witness the unexpected happening. I saw Casimir and Cashania hugging each other. Nakatalikod si Casimir sa akin at si Cashania naman ay nakabaon ang ulo sa balikat ng ama kaya walang sino man sa kanila ang nakakita sa akin.
Buhat ni Hymier si Hyacinth na ngayon ay nakamasid sa mag-ama. Maluha-luha pa ang bata dahil siguro sa iyak ng pinsan niya.
Napatakip ako ng aking bibig. This scene made my heart beat fast and wrench at the same time. I never expected this to happen this early.
BINABASA MO ANG
Warriors Constant Enemy (Montero Series 2)
RomanceGrowing up by herself and hated by her own family, Ashanti Bernice Montero survived life with no one. Matapang na hinarap ang kahit anong hamon upang mabuhay. She is the definition of a strong and independent woman. She struggled in life but never g...