25

31 4 1
                                    

"I want to break this marriage." saad ko na parang simpleng magnobyo at nobya lang kami isang umaga ng makasabay ko siyang kumain.

Natigil siya sa pagsubo ng pagkain at nag-angat ng tingin sa akin. Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha,nagkasalubong ang makakapal na kilay.

"Okay. . ." nagulat ako sa tugon niya.

"Ganoon lang iyon kadali para sa'yo?" nanginginig kong tanong.

"Iyon ang gusto mo,hindi ba?"

"Oo,pero hindi ko inaasahan na ganoon mo rin kagustong hiwalayan ako. Naghihintay ka lang ba na ako mismo ang gagawa? B-bakit dahil pagod ka na?"

"I am tired of everything but not with you,Bernice."he coldly said. "B-but I think we both needed it... I need space for myself,I need time to move on..."

Move on.

Big word.

"But don't you think that I never choose you,that I never think of you first before anyone..."nabasag ang boses niya.

"But you did. You always did when it comes to Syneca...You always choose her over me. Palagi,Cas."

"You think so? Sa tingin mo ba hindi kita iniisip sa bawat ginagawa ko? Sa tingin mo ba hindi kita pinapahalagaan?"

He look at me intently. Masakit man para sa akin pero tumango ako.

"Noon,oo... I was always your priority,I always comes first for you but everything had change when Syneca is in danger."

"Because she is,Bernice! I'm always with her because she needs me!"

"At ako hindi?"

"I need to protect her,God!" he frustratedly said.

"At ako hindi ko kailangan ang proteksyon mo?" matapang kong sagot.

He didn't answer immediately.

"Bakit? Alam mo ba na muntik na akong maholdap sa palengke noong umuwi akong mag-isa?Alam mo bang ilang beses akong gabing-gabi nang nakakauwi dahil walang sumusundo sa akin?Alam mo bang umiiyak ako sa tuwing gabi kapag hindi ka nakakauwi? Hindi,'di ba? Dahil siya ang laging nauuna,pakiramdam ko nga hindi mo na ako asawa,e."

Nag-iwas siya ng tingin sa akin habang patuloy na umiiyak.

"Kaya huwag mong sabihin na ako ang palagi mong pinipili,kasi hindi! Inaasahan ko na rin na hindi mo parin ako pipiliin kahit wala na siya. Kahit hindi na siya babalik alam kong hindi mo parin siya makakalimutan."

"B-bernice,please..."

Umiling ako.

"Ayos lang,Casimir. Huwag ka mag-alala naintindihan naman kita. Mahal kita,e,kaya ang sakit lang isipin na dahil hindi ako nagrereklamo ay hindi ko dinibdib iyon. Tama nga,huwag ka nalang bumalik kung nasasaktan ka pa. Ayaw kong andito ka lang dahil wala ka ng pagpipilian. Ayaw kong maging option dahil alam kong una pa lang,hindi na ako kasali sa priorities mo. Ayaw kong kaawaan mo ako dahil nagmakaawa ako sa'yo. I don't deserve pity because I am not in the first place."

I didn't hear anything from him. Nakayuko lang ang kanyang ulo at humihikbi.

"Ikaw yung pumasok sa buhay ko,e. Ikaw iyong nagpumilit na papasukin ko kahit una pa lang ayaw ko na. Hindi ako nanunumbat dahil ginusto ko rin naman lahat ng ito. Naging masaya naman ako. Kahit alam ko na darating talaga tayo sa punto na ganito, hinayaan ko pa rin na tanggapin ka,kasi akala ko mapapanindigan mo ako. Na akala ko ako pa rin iyong uunahin mo kahit maraming nangangailangan sa'yo. Asawa mo ako,e, pero bakit parang ako palagi 'yung nanlilimos ng atensyon at pagmamahal na dapat sa akin mo unang binibigay. Mahirap ba akong unahin,Casimir?

Warriors Constant Enemy (Montero Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon