Chapter 2 : Meet up

20 4 10
                                    

Chapter 2 : Meet-up
              
                 
                   
                  
                      
              
                 
                   
                  
                      
              Micaela's Point of View
              
                 
                   
                  
                      
Hindi 'ko alam kung bakit 'ko siya kinausap kahapon. Hindi 'ko alam kung anong pumasok sa isip 'ko at biruin mong ni hindi 'ko man lang tinignan ang paligid 'ko no'n if ever na baka may nakakita sa akin na nakikipag-usap sa isang multo? Pakipaalala nga sa akin kung bakit ako naglalakad ngayon papuntang park kung saan ako galing kahapon at nakilala at nakita 'yung multong 'yon?
        
               
Hindi 'ko sigurado kung dadating nga ba sya ngayon pero heto ako at sinubukan pa rin na pumunta at tumupad sa usapan namin kahapon. Kesa naman kasi tumambay ako sa bahay mag-isa ay susubukan 'ko nalang na tumulong sa isang kaluluwa para tumawid na sa kabila tulad nang ginagawa nina Tita—mama ng pinsan 'kong malapit sa akin.
        
               
Nandito na ako sa gilid ng kalye papunta sa park kung saan ako galing kahapon. Wala na naman kasi sina mama at papa sa bahay dahil nasa trabaho daw sila. Kung hindi nga lang sila pareho nang pinagtatrabahuhan ay iisipin 'kong nagtataksil na sila sa isa't isa dahil madalas silang wala sa bahay at late na dumating.
        
               
Habang naglalakad ako papalapit sa park, naalala 'ko ang isang bagay. Kilala 'ko ang multong sa akin ay nakipag-usap kahapon. Mark Anthony Delos Santos, isa syang sikat na estudyante sa paaralang pinapasukan 'ko hindi dahil sa sila ang may-ari ng paaralan na 'yon kundi dahil sa maraming humahanga sa kanya. Maraming nagsasabi na gwapo, matangkad, at matalino daw sya. Isa lang ang masasabi 'ko, malapit na sya sa perfect—pero wag kayong ano ha?! 'Di 'ko sya type okay? There is something about him na nakakapagpa-ayaw sa akin na magustuhan siya.
        
               
Nilibot 'ko ang tingin 'ko sa buong park pero hindi 'ko siya mahagilap. May mga mangilan-ngilang tao ang nandito at naggagala, may mga buong pamilya, may mga mag-boyfriend at girlfriend,  at meron din namang magkakaibigan at solo. But, among of all people in the area of the park, wala pa rin ang multong hinahanap 'ko.
        
               
"Hey!" Sabi ng kung sino mula sa likod 'ko kaya naman napaharap ako dito
        
               
Saktong pagkalingon 'ko ay nakita 'ko siyang naglalakad papalapit sa akin na suot pa rin ang kaparehong damit niya kahapon. Napaisip ako, hindi ba nagpapalit ng damit ang mga multo? Bakit kung anong suot nila nang mamatay sila ay 'yun din ang suot nila kapagka naging multo na sila?
        
               
"Akala 'ko hindi ka na dadating eh" Sabi 'ko saka nagpalinga-linga sa paligid 'ko
        
               
"Anong problema mo?" Nagtatakang tanong niya sa akin kaya bumalik ang tingin 'ko sa kanya
        
               
"Naninigurado lang na hindi ako magmumukhang baliw dito na kumakausap ng isang nilalang na hindi nakikita ng ibang tao" Nakapilit na ngiting sabi 'ko sa kanya
        
               
Masyado siyang moody at masungit. Sana lang talaga at makausap 'ko siya ng maayos para masabi ang dapat 'kong sabihin.
        
               
"Now what should we do?" Tanong niya sa akin habang malamig na nakatingin sa akin
        
               
Why so cold? Sabagay, ganyan na 'yan kaya mahirap malapitan. Buti nalang nakakatagal pa sa kanya 'yung mga kaibigan niya sa kanya.
        
               
"Uhm, ano...Ako nga pala si Micaela, and I—"
        
               
I hate those people na hahayaan kang magsalita pero puputulin ka rin naman.
        
               
"If you would say that you wanted to be friends with me, then let's just stop this shit at aalis nalang ako—"
        
               
"Wait! Sandali lang!" Mahina 'kong pagsigaw nang mapansin na ilan sa mga tao ay nakatingin na sa akin
        
               
Humarap naman ulit sya sa akin at pinagkrus ang mga braso sa dibdib niya.
        
               
"Tsk, then what?" Iritang sambit niya
        
               
"Hayst, I just want to say na hindi mo na kailangan pang magpakilala dahil kilala na kita" Paliwanag 'ko pero tinitigan lang niya ako na para bang walang kwenta ang sinabi 'ko sa kanya
        
               
Mukhang bagot na talaga siya kaya sasabihin 'ko na kung ano nga bang pinunta 'ko dito. Sa tingin 'ko naman kasi ay hindi rin kami magkakasundo kaya naman mas mabuti pang sa taong malapit nalang sa kanya siya makipagtulungan.
        
               
"So? Baka nga ka-schoolmate kita kaya kilala mo ako" Bagot niyang sambit kaya napabuntong-hininga nalang ako sa kanya
        
               
"Okay, ba't hindi mo nalang pinuntahan si Josh? 'Yung friend mo. May espesyal na kakayahan rin syang ganito tulad ng sa akin" Sabi 'ko na mukhang nakakuha ng atensyon niya
        
               
"What? Do you know him?" Tanong niya sa akin na tinanguan 'ko naman
        
               
"Yes, alam 'ko at kilala 'ko siya dahil pinsan 'ko siya" I said as I watched what could be his reaction, but he just nodded his head
        
               
"Oh, I got it" Sabi nya, "Then, why wouldn't he told us, his friends?" Dagdag pa niya
        
               
Ba't ako tinatanong niya?
        
               
"I don't know, bakit hindi nalang siya ang tanungin mo?" Balik na tanong 'ko sa kanya without thinking how will he thought of my words
        
               
"Tatanungin ba kita kung alam ko?! Mag-isip ka nga!" Inis na balik niyang sagot sa akin kaya naman napangiwi nalang ako
        
               
Mapapamura ka habang kausap 'tong lalaking 'to eh, buti nalang hindi ako palamura.
        
               
"Do you wanna talk to him instead?" Tanong 'ko sa kanya dahil unti-unti nang sumasakit ang ulo 'ko sa kanya
        
               
Hindi naman kase ako friendly 'no. Tsaka alam nyo kaya hindi 'ko magustuhan ang isang 'to ay sobrang moody, hindi mo malaman kung anong emosyon meron siya kapag kausap mo, mahangin din minsan, masungit, hindi 'ko nga alam kung bakit at paano pa nagkaroon ng mga kaibigan 'to eh.
        
               
"Call him 'cause I don't wanna talk to you cause I know that you are just one of those girls na may gusto sa akin" He ordered me to do na may kasama pang pagbubuhat ng sariling bangko
        
               
"Excuse me! For your information,  hindi kita type! 'Wag kang masyadong feelingero nakamamatay 'yan!" Inis 'kong sambit na hindi na pinansin pa kung may nakarinig at nakatingin na sa akin
        
               
Nakakasira siya ng araw! Magsama sila ni Josh! Kahit na si Josh 'yung tinutukoy 'ko kanina na pinsan 'ko at anak ni Tita 'ko na tumutulong sa mga multo ay bahala na sila sa buhay nila! Nakakagigil!
        
               
Tinalikuran 'ko nalang sya at tinawagan na si Josh nang makaalis na ako dito. Nakakagigil talaga! Hayst!
              
                 
                   
                  
                      
              
                 
                   
                  
                      
----------
       Mark Anthony's Point of View
              
                 
                   
                  
                      
Bakit ba hindi 'ko naisipan na puntahan ang mga kaibigan 'ko para malaman kung makikita at makakausap nila ako? Edi sana hindi ako nandito at kasama ang babaeng 'to. I have this feeling na hindi 'ko siya gustong kasama. Nakakasira ng araw.
        
               
Minutes passed at sa wakas dumating na ang kanina pa naming hinihintay na dumating. Saan naman kayang lumalop ng mundo nanggaling ang lalaking 'to at halos abutin na kami ng hapon dito ng pinsan niya?
        
               
Sinalubong si Josh ng pinsan niya na si—what again her name? Tsk, nevermind...it's not really that important to remember.
        
               
"Hey, 'cousin 'kong maganda!" Saan naman banda 'yan maganda?, "Sino nga pala 'yung lalaking sinabi mo na gusto akong makausap?"  Josh asked her, but instead of saying my name, she looked back at me
        
               
"Sya! 'Yang lalaki na 'yan!" Josh's cousin said while pointing her finger towards me that causes Josh to look at my direction
        
               
"Mark?" Tanong ni josh habang dahan-dahang lumapit sa akin na may nagtatakang mukha
        
               
"You didn't even told me that you can talk and see ghosts?" I said while crossing my arms in front of me
        
               
"You can't be serious, Mark, hindi ka pa multo, tama?" Sabi ni Josh habang nakangiti sa akin ng alanganin at nakaturo pa sa akin gamit ang isang daliri
        
               
Bakla ba siya? I don't know that there is a gay in my friends? Hindi naman kasi halata sa kanya, mukha rin siyang babaero kahit hindi naman. Then, today? I will knew that he's gay?
        
               
"Tell me, Josh, are you gay?" I asked him looking directly at him
        
               
His smile faded away after hearing my question. So, totoo nga? Bakla nga ba talaga si Josh? Alam ba 'to ng iba pa naming mga kaibigan?
        
               
"What the...Pa'no mo naiisip ang ganyang bagay, Mark? Antagal na nating magkaibigan!" Gulat niyang sambit kaya naman biglang napalingon sa amin ang mga taong malapit sa pwesto namin kaya't napapahiyang bumaling si Josh sa cellphone niya na itinapat pa agad sa tenga nya na kunwari ay ito ang kinakausap niya, talking with someone over the phone rather
        
               
I just laughed at him not minding the people around us since they can't hear neither see me. Nagmumukha na kasing tanga si Josh kakakausap sa akin.
        
               
"Ehem!" Napalingon kaming dalawa ni Josh sa pinsan niya nang tumikhim ito para kuhanin ang atensyon namin
        
               
Nandyan pa pala sya? Hindi 'ko napansin kasi anliit niya.
        
               
"Micaela, insan, nandyan ka pa pala?" Kunwari'y gulat na tanong ni Josh sa pinsan niya kaya't napangisi ako ng palihim
        
               
Mukhang nang-aasar na si Josh sa pinsan niya, like my friend Josh that always teases us. So, Micaela pala ang name niya, should I call her Mica then?
        
               
"No, Ela. You will stay here with the both of us and go with us together" Josh said with finality in his voice
        
               
Wait, did I missed something about their conversation?
        
               
"What?! Seriously, Josh?! No! Ayoko! Kayo nalang dalawa dahil hindi 'ko matatagalan ang pagka-mayabang niyang kaibigan mo!" Histerikal na sabi ni Mica pero mahina lang, mukhang takot nalang niya na marinig siya ng nga taong malapit sa amin at pagkamalan siyang baliw
        
               
But, wait, did I heard it right? Ako daw, mayabang? Seriously? Hindi ba pwedeng nagsasabi lang ako ng totoo at napapansin 'ko?
        
               
"Alam mo insan, bakit nga ba hindi mo magustuhan si Mark?" Halos sabay kami ni Mica na napalingon sa pinsan niya na si Josh nang sabihin niya 'yon, "I mean makasundo? Para ka kasing stress na stress kanina habang kausap mo ako. You could be good friends, Ela" Muling sabi ni Josh na nilinaw o mas tamang sabihin na binawi ang una niyang binanggit
        
               
"Nah, no thanks. Ayoko ng kaibigan na tulad niya na saksakan ng hangin antaas ng confidence sa sarili" Sabi ni Mica at umirap pa ng palihim sa akin
        
               
"Woah, umiirap ka na ah" Wari mo'y gulat na sambit ni Josh sa pinsan niya
        
               
"Dahil naiinis ako sa kaibigan mo! Pagsabihan mo 'yan na 'wag masyadong bilib sa sarili na akala niya ay lahat ng babae eh may gusto sa kanya!" Inis na sambit naman ni Mica sa pinsan niyang tila natutuwa pa sa nakikita sa pinsan
        
               
Bumaling naman bigla si Josh sa akin, "Mark, iba si Ela sa mga babaeng may gusto sa'yo. Tomboy 'to—I mean pihikan 'to hehehe" Bawi ni Josh sa sinabi niya sa pinsan nang hampasin siya nito sa braso
        
               
"Wait, bakit mo nga ba siya isasama sa atin?" I asked him confusingly
        
               
Bakit nga ba kailangan pa niyang isama sa amin ang pinsan niya? Pwede naman niya itong pauwiin kesa naman magdamag at miya't miya kaming mag-aaway dito habang magkasama kaming dalawa.
        
               
"Common sense, Mark, edi nagmukha akong tanga na kumakausap ng hangin?!" Iritang sambit ni Josh sa aming dalawa ng pinsan niya
        
               
Napabuntong-hininga nalang ako—kami ni Mica ng sabay dahil sa kawalan ng dahilan para hindi magkasama. Tama naman kasi si Josh, malamang sa malamang ay pagkamalan siyang baliw ng mga taong makakakita sa amin mamaya kung magkasama kami mamaya at kinakausap ang isa't isa.
        
               
Pero, bakit ba sa lahat ng tao na pwede niyang isama ay ang pinsan pa niya na 'to?
        
               
"Wala akong pake kung magkaroon ng World War III sa pagitan nyong dalawa kahit umabot pa 'yan ng World War IV and so on, basta ba 'wag lang akong magmukhang baliw mamaya na kumakausap ng multo na hindi naman nakikita ng mga normal na tao" Nakangiti pa si Josh habang sinasabi 'yan kahit na heto kami ng pinsan niya na pilit na ngumingiti sa kanya dahil sa inis sa kanya
        
               
If I could just hit him in his head, maybe I'll do it several times for maybe he could be back into his senses. Gusto nya talaga ng gyera sa pagitan namin ng pinsan niya 'no?
        
               
"Fine! Panalo ka na! Tutal wala rin naman akong gagawin ngayon" Halos lumundag naman sa tuwa si Josh sa sinabi ng pinsan niya, "Wala rin naman akong magagawa dahil alam 'kong may gagawin kang kalokohan kapag hindi kita sinunod" Dagdag pa niya ng may bagot na bagot na boses
        
               
"Alam mo naman pala eh, tara na!" Pagyaya ni Josh sa amin saka niya hinila ang pinsan niya paalis
        
               
Habang hila niya si Mica ay nakasunod lang ako sa kanila habang napapailing. Muli akong napabuntong-hininga, kahit pala multo ka nalang ay nakakasakit pa din pala ng ulo at nakaka-stress ang mga ganitong bagay. Hayst...

When We Meet     [COMPLETED]     [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon