Chapter 4 : The Flashback
Mark Anthony's Point of View
After the whole day being with the Lim cousins, nothing's unusual happened. May pagkakataon na nag-aaway pa rin kami nung pinsan ni Josh, but more on na silang dalawa ng pinsan niya ang nag-aasaran.
Muli akong napaisip sa sinabi sa akin ni Josh kanina, the thing about his cousin, Micaela. Napalingon ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sa kalangitan. Am I really lucky to see this side of hers?
"Micmic ano? Makakauwi ka pa ba nyan? Gabi na oh, dun ka nalang kaya sa bahay namin?" Josh asked Mica that standing beside him, "The clouds is also telling that it will rain later" He added as he take a glance in the turning dark sky
I don't usually gives nicknames to other people, pero para sa akin ay masyadong mahaba ang Micaela, so from now on ay Mica na ang itatawag 'ko sa kanya. There's no big deal about it right?
"Uhm..fine" I look back to Mica as she answered Josh tiredly
Did she really get tired all day? Bakit parang hindi naman ako nakaramdam ng pagod gayong ako 'yung kanina pa nakatayo at si Josh samantalang nakaupo lang naman sya sa mga bangko na madaanan namin kada titigil kami to talk about something about my situation? Is is part of being a ghost not to be tired?
"Then it's settled" Bumaling naman sa akin si Josh, "Ikaw ba, Mark? Saan ka na ngayon pupunta?" He asked me not minding his cousin staring at us with a tired eyes
Didn't he remember about what I've told him earlier? Makakalimutin na ata si Josh. Nung una akala 'ko bading sya, now I'm sure that he's an old guy pretending to be a teenager like us.
But, where am I supposed to be? Isa lang naman ang lugar na mapupuntahan 'ko sa oras na 'to.
"Hospital" I answered him then look away
I don't know why but I suddenly sighed for unknown reason. But, maybe because I remembered something regarding of my situation right now.
"Okay, maybe tomorrow we can visit to the hospital" Josh said as he gently smiled at me, making me feel I'm not alone now
******
It's been a moment since I arrived here at the hospital where I am confined. Who would have thought na dadating ang araw na ito sa akin? Being a ghost and looking at my body lying in the hospital bed that has too many tubes on.
I stand in front of my bed as I suddenly felt sad. Napaisip ako, bakit kaya nangyayari sa akin ang bagay na 'to? Bakit 'ko ba nararanasan ang lahat ng ito?
Napabuntong-hininga ako at napatingala sa kisame bago bumaling ulit sa katawan 'ko na nakahiga lang sa kama at walang iniindang problema. Natural na walang iniindang problema 'yan kasi tulog 'yan eh, add too that my body doesn't have a ghost right now.
Napapatawa nalang ako sa mga bagay na pumapasok sa isip 'ko ngayon. Para akong sira dito na kung anu-ano ang iniisip at kinakausap pa ang isipan. Pero, habang nakatingin ako sa kama 'ko at pinagtatawanan ang sarili 'ko dahil sa mga iniisip 'ko, I remember something.
Lumakad ako at umupo sa may sofa na katapat ng kama 'ko. A smile suddenly crept into my lips as I remember everything that happened in this whole day of having the accompany of the Lim cousins. Pero, agad din naman akong napailing.
Nababaliw na siguro ako dahil sa sitwasyon 'ko ngayon. I'm thinking too much.
Napabuntong-hininga ako sabay baling ng tingin sa kinahihigaan ng katawan 'ko. Hindi 'ko alam kung nakailang buntong-hininga na nga ba ako ngayong araw.
"How I wish that I was still alive, talking and doing whatever I want, but now? I'm just here looking at my body with many tubes on" I sadly said while looking at my body on the hospital bed
It feels like the day was too long for me. Ilang linggo na rin akong multo at pagala-gala lang. No one's to talk to, to be with. Pero, mukhang unti-unti na 'yong magbabago dahil nandyan na si Josh. It's hard for me to say pero mukhang tuwing kasama 'ko si Josh ay mukhang lagi rin kaming magkikita nung pinsan niyang may pagka-maldita.
Tsh, that Mica is really something. There's something on her that makes me curious about her. Nagsimula lang naman 'to kanina nang sabihin ni Josh na swerte 'ko raw na makita ang side na 'yon ni Mica, childish and carefree.
Napayuko ako at tumitig sa mga paa 'ko, thinking how did I ended up here being a ghost. Unti-unti ay muli 'kong naramdaman ang maging mag-isa.
Sana, sana hindi nalang nangyari 'yung aksidente. I really hope it didn't happen, but, what can i do if it is already been done? And here I am suffering because of my own fault...
—*—
"Oh bro let's celebrate for this day!" Jake said, he's one of my friends that's here today with me
Bakit nga ba kami nandito? It's for a celebration.
"Yeah, let's celebrate! I-celebrate natin na walang bumagsak sa atin sa Grade 9! Lahat tayo nakapasa kahit minsan gala! Idagdag pa that today is Joseph's birthday!" Natatawang sabi ni Jones kaya maging kami ay natawa na rin sa mga pinagsasasabi niya
We are here at a club, a legal club rather na pumapayag na magpapasok ng mga under age—in short, mga estudyante. Nandito kami sa VIP room nila dahil bawal sa labas uminom ang mga estudyante ng mga hard drinks na syang iniinom namin ngayon.
Is it considered illegal? Bahala na, kaibigan naman ng family namin ang may-ari nitong bar eh. Also, we are here celebrating for Joseph's birthday and for our moving up to grade 10 haha. Hindi 'ko nga rin alam kung bakit namin ginagawa ito. The truth is, may handaan naman sa mga bahay namin pero heto kami at tumakas pa.
Well, I'm not here only for the double celebrations. I'm here for a personal reason, reason that I won't let them know...
"Cheers!"
*****
"Bye guys!" Sabay-sabay kaming nagpaalam sa isa't isa habang kumakaway pa
Nagkanya-kanya na rin kaming sakay sa mga kotse namin na dala. Si Josh nga ay isasabay nalang daw ni Jones tutal knocked out na ang loko. Mahina pala ang mokong na 'yun eh. Napailing nalang ako sa naiisip 'ko, lasing na ata ako.
Pagkasakay 'ko sa kotse 'ko ay agad akong napahawak sa may sintido 'ko.
"Damn! Bakit parang umiikot ang paningin 'ko?!" Irita 'kong tanong sa sarili 'ko at umiling para mawala ang pagkahilo 'ko. Siguradong sermon ang aabutin 'ko kina Tita nito pag-uwi 'ko sa amin.
I started the engine of my car and drive it carefully. Habang nasa daan na ako ay narinig 'kong tumunog ang cellphone 'ko kaya naman agad 'ko itong kinapa sa may bulsa 'ko pero wala. I tried searching it by my other hand habang nakahawak sa manibela ang isa.
May naapa ako sa may bandang baba ng upuan 'ko at siguradong cellphone 'ko na 'yon kaso ay hindi 'ko makuha at maabot. Saglit 'kong tinignan ang kinalalagyan ng cellphone 'ko at dali-dali itong kinuha bago ibalik ang paningin sa daan. Pero huli na ang lahat nang mamalayan 'ko nalang na malakas akong tumama sa manibela ng sasakyan 'ko at unti-unting pumikit ang mga mata 'ko...
—*—
And that's what happened, I got into a car accident and woke up into this room. Bumangon ako ng araw na magising ako dito, pero laking gulat 'ko nalang nang makatayo ako at makita ang katawan 'ko na nakahiga pa rin sa hospital bed. That time, I already knew what's happening to me.
I was in this situation because of my self and now I am suffering on it....
BINABASA MO ANG
When We Meet [COMPLETED] [REVISING]
Teen FictionOnce there was a girl who wanted to feel loved. Her parents left her in her Aunt's custody that everyday she feels like it was hell. She first lost her brother in a very young age, then she lost her grandfather when she finally get free from that pl...