[A/N: You can play the music right now before you start reading this chapter, but, it's pretty good if you'll start playing it by the seventh paragraph or the line where he started to ask her a question.]
Chapter 6 : Feelings?
Mark Anthony's Point of View
A week has been passed too fast that we can't even feel about it. Mabilis lang din lumipas ang panahon at malapit na ulit ang pasukan para sa bagong school year, pero heto pa rin ako at isang multong pagala-gala at walang magawa sa buhay.
Lumipas ang isang linggo at nakabalik na sina Josh kasama ng pamilya nya, but, wala pa sya at dito namin napagkasunduan na hintayin sya. In fact, nandito kami ngayon sa bahay nina Mica—like what I've asked her kung pwede 'ko ba syang tawagin sa ganyang name.
Sa lumipas na mga araw ay medyo nagkakasundo na kami ni Mica. She's not like the other girls na kapag nakausap ako ay kung anu-ano nalang ang sasabihin at ikukwento kahit na hindi naman ako interesado. She's like magkukwento lang kapagka tinanong 'ko sya or kapag feel nya magkuwento.
There are still times that we're having an argument, but it's not like how we do it before. Habang tumatagal ay unti-unti 'kong nakikilala ang babaeng ito. Habang tumatagal ay unti-unti 'ko na ring nararamdaman na parang may nagbago, parang may nag-iba.
After my girlfriend's death, naging iwas ako sa mga tao lalo na sa mga babae. After her death, I've been cold and treated everyone—except my friends and family—like they are nothing to me. But, sa nakalipas na mga araw ay unti-unti 'kong napansin na nagbago ako. Unti-unti ay napalapit na ako kay Mica na hindi 'ko inaasahang mangyayari.
It's like I've found a new world, a new place to stay. Hindi nakakasawa, hindi nakakapagod, hindi 'ko makalimutan. I've found my new world, my new.....happiness.
“Mica, if you don't mind?” I uttered while looking at her that is looking below where we are
“Hmm?” She replied, busy looking down to the flowers below us
“Did you—did you ever fall in love?” I asked her that caught her attention dahil saglit syang napalingon sa akin bago pungalumbaba at tumingin sa kawalan
“Nope” She said popping the letter 'p'
“But, what is love for you? In your own words and definitions” I asked her again but she just looked at me with a forehead creased, didn't get what I'm talking 'bout, “I mean, sa sarili mong pananaw kahit na wala ka pang karanasan. What can you say about love?” I explained and let her be silent for a moment, thinking for the answer in my question
By the way before I forgot, we're here at her room, on her balcony. Pinayagan naman kami na pumunta rito ng mga magulang nya dahil kilala naman na nila ako. Days after ng pagpunta 'ko rito noon ay nakilala 'ko naman ang papa ni Mica. At first, I thought istrikto sya at pagbabawalan nya akong dumito sa kanila. But, I'm wrong dahil buong-puso pa nila akong tinanggap ng araw na 'yon.
Para akong nagkaroon ng panibagong pagkakataon para maramdaman o maranasan ang magkaroon muli ng mga magulang. Tuwing nandito ako—na talaga namang lagi mula nang pumunta ako rito—at naaabutan 'ko, namin sila ni Mica ay maganda ang pakikitungo nila sa akin. Hindi 'ko nga alam kung kaninong nagmana itong si Mica sa sobrang kakulitan at lagi akong kinokontra.
“Hindi 'ko talaga alam ang sasabihin ko eh. I think for me lang ha? Love is a feeling that when it comes to you, you can't explain what did you feels. Hindi mo rin malalaman na may gusto ka na pala sa kanya not until mawala sya sa paningin mo, 'yung bang tipong namimiss mo sya, tapos hinahanap hanap mo, 'yun bang 'di mo sya makalimutan pa...” she said while looking at the sky, “Love has many descriptions and meaning based on every people in this world. Ang love? Siguro...to make people learn things by not alone. 'Yung may kasama kang malaman at matutunan ang mga bagay-bagay sa mundo. 'Yung para may makakasama ka na aalagaan ka at mamahalin” Dagdag pa niya at bahagya pang napangiti habang nakatingin pa rin sa langit at ako naman ay mataman na nakatitig sa kanya habang pinapakinggan ang sinasabi niya
“In simple words for me, siguro ang love, ang purpose siguro niya ay para maging aral. Maging aral, maging inspirasyon, maging dahilan o simula ng pagbabago. Love has different meanings, in short, love is mysterious and undefined.” Muntik 'ko nang malimutan na huminga nang biglang magtama ang aming mga mata paglingon niya sa akin
Bakit ganito? Bakit parang unti-unti ay tumitibok ng mabilis ang puso 'ko? Bakit pakiramdam 'ko ay tumigil ang mundong ginagalawan 'ko at tanging kaming dalawa lang ang nandito? Bakit parang bumagal ang oras at nakikita 'ko ngayon sya na nakaharap sa akin habang nakangiti.
Hindi 'ko alam kung anong nagtulak sa akin pero unti-unti ay napangiti ako habang tinititigan sya ng ganito.
“You're beautiful” I uttered unconsciously at huli na para bawiin 'ko pa
“H-huh?” Tila ba nagugulat na tanong nya kaya naman bumalik ako bigla sa wisyo 'ko
“I mean is, talagang 'di ka pa nai-inlove sa lagay na 'yan ah?” Birong sabi 'ko sa kanya na syang ikinatawa naman nya ng mahina
“Seryoso ako dun” Sabi nya habang natatawa at muling tumanaw sa ibaba habang ako naman ay nanatiling nakatitig sa kanya habang nakangiti
“What if, nakabalik na ako? may maaalala ba ako?” Tanong 'ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa ginagawa 'ko
“Uhm, I don't know, but, there's a chance that you can remember what happened when you are a ghost. Teka, eh nasabi na namin sa'yo ni Josh 'yan ah?” Sabi niya kaya't inalala 'ko pero hindi 'ko naman maalala kung nasabi na nga ba nila sa akin 'to
I just starred at her while thinking if they've already told me about that memory thing. She is so damn beautiful. I can't help it! I think I'm falling for her? Pero, bakit sa kanya pa? Bakit ngayon pa?
“Why are you starring at me? Kanina 'ko pa napapansin” Do I really need to decide now? Desidido na ako at gusto 'ko lang naman na malaman nya, it's fair, right?
“Nothing. Pero, 'pag ba bumalik na ako, tapos naaalala 'ko ang lahat. Papayag ka bang paligaw sa akin?” I asked her seriously without avoiding her gaze
She stiffened upon hearing what I've asked her. Nagulat sya, miski rin naman ako nagulat na magagawa 'kong sabihin sa kanya 'yon.
“What? Are you serious? Ikaw? Liligawan ako? Baka naman prank 'to? Tigilan mo ako” She said seriously while starting to be uncomfortable
I just let a deep sigh and avoided her gaze. I'm serious, I'm falling for her slowly everyday and I can't help it. Love? Para sa akin, ito 'yung feeling na pinakamasarap sa lahat. This is the certain feeling that you're not aware of that you have this already. Love is really undefined and mysterious, but, it's also unconditional and unforgettable.
Love is about that certain person that you want to be with anytime. It's about how do you feel about that person that makes you smile and makes your heart beats faster than the normal. It's about making that person be yours, forever loving him or her and making that person your happiness and inspiration. A reason to live and to fight.
“Wait, seryoso ka?” She asked me as she stand straight up
“Yes” I said like a whisper without looking at her
Ngayon lang ako nahiya ng ganito sa harap ng isang babae bukod kay Margaret. Ngayon lang ako naging ganito, higit pa kay Margaret. Mica is really something, a girl that has nothing alike. And, she's the girl I want to have.
“Nah, I don't like your idea on courting me” She said as she avoided my gaze nang humarap ulit ako sa kanya
“Basted na ba agad ako sa lagay na 'to?” Natatawa 'kong bulong habang nakamasid pa rin sa ibaba namin at hindi sya tinitignan
“A-ano...Anthony, kasi—”
“I know, you doesn't have any feelings for me—yet. But, once I've told something, I'll really make it.” Humarap ako sa kanya ng may seryosong mukha at bahagyang ngumiti ng maliit, “So, once I'm back, I'll start courting you even you don't like it, Mica...”
Micaela's Point of View
Seryoso ba yun? Hindi 'ko kasi maisip na siya, si Mark Anthony ay liligawan ang isang tulad 'ko? Yeah, we're not inside of a fictional book na tulad ng mga binabasa 'ko, but, is this really the reality? Mukhang nananaginip pa ata ako.
Unti-unti ay nagiging uncomfortable na ako dahil sa usapan namin. Kanina naman kasi ay ayos lang kami rito pero bakit at paano nga ba kami napunta rito sa usapan na ito?
Pero, bakit habang tinitignan 'ko sya ngayon ay napapaisip ako na seryoso nga sya sa sinabi niya at hindi lang sya basta nagbibiro?
“Wait, seryoso ka?” I asked him as I stand up straight
“Yes...” He answered like a whisper without looking at me
Totoo...ang sinabi niya? Seryoso talaga sya na liligawan nya ako? Habang iniisip 'ko ang bagay na 'yon ay unti-unti akong nakaramdam ng kakaiba. Unti-unti ay naramdaman 'ko ang takot na naramdaman 'ko na rin noon. Takot, natatakot ako sa isang bagay.
“Nah, I don't like the idea of courting me” Sabi 'ko at umiwas ng tingin sa kanya nang muli syang lumingon sa gawi 'ko
Kung nasaktan 'ko man sya sa sinabi 'ko ay ginawa 'ko lang naman 'yon para sa ikabubuti nya. Hindi nya nanaisin na ligawan ako at maging nobya.
“Basted na ba agad ako sa lagay na 'to?” Natatawa niyang bulong sa sarili nya pero narinig 'ko naman
“A-ano...Anthony, kasi—”
“I know, you doesn't have any feelings for me—yet. But, once I've told something, I'll really make it.” Humarap sya sa akin ng may seryosong mukha at bahagyang ngumiti ng maliit, “So, once I'm back, I'll start courting you even you don't like it, Mica...”
Natigalgal ako sa sinabi niya kaya't hindi agad ako nakasagot. Nanatili akong nakatitig sa kanya at hindi kumikibo, ni hindi 'ko nga alam pero nakalimutan 'ko na yatang huminga ng maayos. Miski ang tibok ng puso 'ko ay hindi na normal sa sobrang bilis nito.
Hindi 'ko alam kung anong dapat na maging reaksyon 'ko sa sinabi niya. Hindi 'ko alam kung anong dapat 'kong maramdaman matapos marinig ang mga winika niya. Pero, sa maikling panahon na nakasama at nakilala 'ko sya, may isang bagay akong hindi maitatanggi pa. Sa pagitan naming dalawa, may nagbago at nag-iba.
Naputol lang ang pagtititigan namin nang may kumatok sa pintuan ng kwarto 'ko. Sabay kaming napalingon ni Anthony do'n at pumasok ang taong kanina pa naming inaantay.
“Josh” Pagtawag ni Anthony sa pinsan 'ko kaya't napalingon ito sa aming dalawa na nakatayong nakatingin sa kanya
“Mark, kamusta naman habang wala ako?” Nakangiting tanong ni Josh habang unti-unting lumalapit sa pwesto namin ni Anthony
“Josh, hindi coffee shop ang kwarto 'ko para magkamustahan kayo. Kung gusto nyo'ng magkamustahan dalawa ay doon kayo sa baba hindi dito” Paninita 'ko kay Josh nang akma sanang magsasalita si Anthony na nasa tabi 'ko
“Ouch, my dear cousin na maganda. Hindi ka pa rin nagbabago, may pagkamaldita ka pa rin kapag ako ang kausap mo” Nagkunwari pa syang nasasaktan at may pahawak-hawak pa sa puso, “Tara na nga, Mark. May nagagalit na dito eh” Natatawang sambit ng pinsan 'kong makulit bago yayain si Anthony na lumingon pa muna sa gawi 'ko bago sumunod sa pinsan 'kong nauna nang lumayas sa kwarto 'ko
Nang mapag-isa ako sa kwarto ko ay isinara ko ang pintuan nang makaalis na sila. Agad akong umupo sa may kama 'ko at napahinga ng malalim.
Napahawak ako sa dibdib 'ko at naramdaman 'kong tumitibok ng malakas ang puso 'ko. Napahawak ako dito at pinakiramdaman ang sarili 'ko bago napaisip ng maaring dahilan nito.
“Do I already have feelings for him?” I whispered on myself
BINABASA MO ANG
When We Meet [COMPLETED] [REVISING]
Teen FictionOnce there was a girl who wanted to feel loved. Her parents left her in her Aunt's custody that everyday she feels like it was hell. She first lost her brother in a very young age, then she lost her grandfather when she finally get free from that pl...