Micaela’s Point of View
Break time na namin ngayon, at nandito ako sa main garden, sa likod ‘to ng building ng mga college. Sa likod yata ‘to ng Engineering Department. Hindi ko na kasi maalala kung saan nga ba ‘tong part since hindi rin naman ako magaling sa mga direksyon.Hilig ko lang talaga na paulit-ulit pumunta dito kapag lahat ng kasama ko ay may kanya-kanyang ginagawa o kapag hindi naman nila ako kailangan o hinahanap. Pwedeng nagtatago ako sa kanila, o sadyang gusto ko lang mapag-isa. Hindi rin naman nila ako hahanapin panigurado. Hindi naman ako gano’n kaimportante para hanap-hanapin nila.
Nandito ako para basahin yung mga letters ko, yung letters na tinutukoy kanina sa usapan ng ilang estudyante na nadaan ko. Since ang locker naman namin ay may butas, kagaya ng sabi ko kanina, na kasya ang mga sulat tulad ng sa mga mailing, doon panigurado nila inilulusot ang mga sulat na ginawa nila.
Tuwing pumapasok ako ay dumidiretso agad ako do’n para ilagay yung mga libro or notebooks ko, sadyang isinasabay ko na lang na kunin ang mga sulat na nilalagay nila para basahin kapag mag-isa na lang ako, ‘di kaya ay kapag may oras ako ay inuuwi ko yung mga sulat sa bahay para basahin, o minsan kapag nararamdaman ko lang na susumpungin na naman ako ng kalungkutan. Their letters is just so cute. Napapangiti kasi ako ng mga ‘to kahit na papuri, confession, or something bad about me ang nakalagay.
Just think of it, may galit ka na nga sa’kin tapos sinulatan mo pa ako. Nagpakahirap ka pa kung pwede mo namang i-post. Anonymously pa kung magsabi sa’kin, akala mo naman hahanapin ko sya or sila.
Pero sa lahat ng sulat ja mga natanggap ko, may isang sulat na pumukaw ng atensyon ko. Sadyang nakakapagtaka lang ngayon dahil naiiba ‘to sa lahat ng natanggap ko. I saw a rose with a note with it inside my locker na paano mangyayari kung mga written letter lang naman ang kakasya sa locker ko. Unless, someone opened it. Kaso wala namang bakas na pinilit buksan ang locker ko.
I also only have the key for it, and no one has the duplicate bukod sa mga teachers dahil nasa office mismo nakatago ang mga susi ng lockers namin. Basically, no one can open the lockers not unless he or she is the owner of that certain locker.
Out of curiosity, I open it first and I saw the note, a poem.
“ Roses are red
Violets are blue
I didn’t thought
I will fall for you
”Nakadikit sya sa rose and I automatically smell the rose itself. Hindi ko alam pero sa ‘di malamang dahilan ay napangiti ako nito. It smells kinda sweet, tipong pinabanguhan yata dahil hindi naman ganito kabango ang mga rosas dito sa atin.
Napatawa naman ako ng mahina sa isipin na ‘yon. This person must have put a lot of effort making and placing this in my locker, huh? But I wonder who’s this one, dahil lahat ng admirers ko may pangalan or sometimes initials except dito. It has none, bukod syempre sa poem na ginawa nya.
----------
Anthony’s Point of ViewThinking of her and imagining her reaction right now, pretty sure that she had read already my letter for her. Wala man sya dito sa nakikita ko sya, but I clearly know that she’s in her locker area, probably reading her letters that she always got everyday from people anonymously.
BINABASA MO ANG
When We Meet [COMPLETED] [REVISING]
Teen FictionOnce there was a girl who wanted to feel loved. Her parents left her in her Aunt's custody that everyday she feels like it was hell. She first lost her brother in a very young age, then she lost her grandfather when she finally get free from that pl...