Chapter 3 : The Twins
Micaela's Point of View
Hayst, hindi 'ko alam kung nakailang buntong-hininga na nga ba ako mula nang makarating kami rito sa mall. Wala naman akong magawa kundi magtingin-tingin lang sa mga paninda dito dahil kulang ang dala 'kong pera, sakto lang kasi 'to sa pamasahe 'ko at pang-miryenda 'ko ngayong araw habang nasa labas ako. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na isasama pa ako ng pinsan 'ko sa kanila ng kaibigan niya?
Buset na pinsan kasi 'to eh. Alam nyo kase, sa tuwing 'di 'ko sya sinusunod ay may gagawin sya na anything mapapayag nya lang akong sundin sya. Gagawin niya ang lahat basta masunod 'ko ang gusto niyang kalokohan. Hindi 'ko nga alam kung paano 'ko siyang naging pinsan eh hindi naman kami magkahawig o magka-ugali man lang. Sabagay, pinaglihi ata sya ni Tita sa cartoons na palabas kaya ayan, ang kinalabasan ay lalaking mahilig sa cartoons at mautak.
Naroon 'yung minsan na nasa public place kami at bigla nalang siyang umarte na Boyfriend 'ko daw tapos ay nakikipaghiwalay ako sa kanya. Grabe ang hiya 'ko no'n dahil nasa amin ang lahat ng atensyon ng mga tao na pinaka-ayaw 'ko. I hate too much attentions at 'yun ang ginagamit niya laban sa akin.
Nandon din 'yung bigla nalang niyang tatawagan sina mama at papa para sabihin na may ginawa akong kalokohan sa kanya even though wala naman. Tapos ang magagaling 'kong mga magulang ay mapapaniwala ng makalokohan 'kong pinsan at uutusan ako na bumawi sa pinsan 'kong mautak.
"So, naaksidente ka pala? Bakit hindi nakarating sa amin ang balita na 'yon?" Rinig 'kong tanong ni Josh na katabi 'ko lang
"I don't know either, baka naman alam ng iba pero ikaw hindi?" Sagot naman ni...ano nga ulit name niya? Ayun, Mark Anthony
Out of place na nga ako dito sa dalawang 'to. Ako pa yata 'yung multo tapos hindi nila nakikita. Para kasing silang dalawa lang ang nandito kung makapag-usap. Hindi nga kami nagbabangayan ni Anthony—masyadong mahaba ang Mark Anthony—pero heto at parang hangin lang ako sa kanila. Bakit pa nila ako sinama dito? Ay oo nga pala, para hindi magmukhang baliw ang pinsan 'kong si Josh.
Habang tumitingin ako sa paligid ay may nahagip ang mga mata 'kong dalawang tao 'di kalayuan sa amin. Wait, parang kilala 'ko yun ah? Akala 'ko ba may family outing 'to sila ngayong linggo?
"Hannah! Janna!" Sigaw 'ko kaya naman napalingon ang ibang tao sa direksyon 'ko tulad nina Anthony at Josh, lumingon din kasi sila at maging sina Hannah at Janna
Tama nga ako na sila nga ang nakita 'ko. Pero, bakit wala sila sa family outing nila? Pinaglololoko lang ba nila ako?
"Ela!" Sabay nilang sabi sabay lapit sa akin pero napatigil din sa harap 'ko
"Oh my gosh!!" Tili bigla ni Janna na nakatulala sa direksyon 'ko
By the way, kambal sina Janna at Hannah okay. Matagal 'ko na rin silang kakilala at mga bestfriends 'ko sila. Nagkakilala kami dahil sa kakayahan 'ko at hanggang ngayon ay matatalik na magkakaibigan pa rin kami.
"Bakit?" Takang tanong 'ko sa kanila pero hindi naman nila sinagot
"Bakit kasama mo siya?! Bakit kasama mo si Josh?! O M G!" Sabi naman ni Hannah na may kasama pang hampas sa may balikat 'ko
"Masakit 'yun, Hannah, ha!" Inis 'kong sambit sa kanya na hindi man lang niya pinansin pa
"Are you guys dating?!" Sabay na sabi nung kambal na nakapagpalingon sa mga tao sa direksyon namin
Porke ba magkasama nagde-date na? Hindi ba pwedeng takot lang akong sumuway sa pinsan 'ko? Sabagay, hindi naman nila alam na pinsan 'ko si Josh eh. Pero, kailangan ba talaga nilang isigaw ang mga 'yon?! Grabeng kahihiyan na 'to! Lupa...kainin mo na ako...
----------
Josh's Point of View
Hayst, ang ingay naman nitong dalawang kaibigan ni Micaela or should I say Mic-Mic. 'Yan ang tawag 'ko sa kanya noon, pero kalaunan ay nalimutan 'ko na ring itawag sa kanya. By the way, ako nga pala ang gwapong pinsan ni Micaela Lim. Josh Lim is my name!
"So, tell us guys, are you both dating?" Tanong ni ano nga pangalan nito? Ah! Hannah pala
Pero, why would they think na nagde-date kami ni Ela? Don't they know that we're cousins?
"No! We're not, okay" Sabi ni Ela sa kanila pero may naisip akong kalokohan
"Yeah, we are dating" Biglang singit 'ko naman sa usapan
Kanina pa akong nakikinig lang sa kanila at mukhang hangin lang dito kaya pagtripan na muna natin ang pinsan 'ko haha.
Nilingon 'ko naman si Micaela at gaya ng inaasahan 'ko na reaksyon niya sa sinabi 'ko ay heto at mukha na siyang tigre na handang manlapa, pero in our case, handa na niya akong sabunutan sa inis. Ganyan kasi kami mag-asaran nuon dalawa 'pag magkasama. Minsan nga ay napagkamalan na kaming mag-jowa ni Micaela. Well, pinapabayaan nalang namin sila dahil ano ba ang pake nila sa amin, 'di ba?
"Naguguluhan na ako, ano ba talaga?" Oo, halata nga na naguguluhan ka na Janna
Handa na sana akong magsalita pero naunahan na ako ng pinsan 'kong inis na.
"'Wag kayong maniwala dyan sa baklang yan!" Inis na sambit ni Micaela habang nakaturo pa sa akin ang daliri niya
Pero, what the hell? Ako bakla? Sa lagay 'kong 'to bakla ako?!
"What the hell are you talking about? Mic-Mic, ako bakla?! Nahihibang ka na ba?! Sa gwapo 'kong toh bakla?! Walang bakla sa pamilya natin!" Sabi 'ko sa kanya na may kasamang batok na
Aba, sabihan ba naman akong bakla eh wala namang bakla sa pamilya namin? Aba, hindi makatarungan 'yon kaya kinailangan 'kong bumawi. Kaso, ayan, masama na naman ang tingin sa akin ng pinsan 'kong makulit din.
Oo nga pala, bago 'ko makalimutan dahil sa asaran namin ng pinsan 'ko na baka magkapikunan na, nandito kami sa Food Court. Sa sobrang kakulitan namin nalimutan 'ko na, na sabihin na nandito kami sa puro pagkain kung saan gusto ni Ela. Food lover ang isang 'yan eh, baka bigyan 'ko lang ng burger 'yan ngayon ay bati na kami.
Asaran kasi ang kahahantungan kung may mauuna sa amin. Minsan nga hindi natatapos 'yon sa isang araw lang. Kaya ayun! Minsan napapagalitan kami dahil sa pag-aasaran namin dahil nadadamay ang mga magulang namin haha. Kaso imbes na pigilan kami ay sumasali pa sila, ansaya ng pamilya namin ano?
I remember one time na nag-aasaran kami ay naabutan kami nina Mom at pati sila nasali sa asaran namin ni Micaela haha. Nabuhusan kasi namin sila Mom ng tubig na hawak namin. Wala naman silang naging reklamo at sumali pa sa amin, kaso pagdating ng huli, natalo namin sila at basang-basa na sila kesa sa amin. Sermon ang inabot namin sa kanila no'n 'no.
"Biro lang, nagba-bonding lang kami ni Mic-Mic. We are not really dating, baka mamaya mabugahan na ako ng apoy neto" Natatawang bawi 'ko sa mga sinabi 'ko kanina dahil baka nga bugahan na ako ng apoy ng pinsan 'kong ito
"Ehem, nandito pa ako, Josh. Ano na?" Iritang sabi nitong katabi 'ko na walang iba kundi si Mark
Ayaw nya kasing tawagin namin syang Anthony eh dahil sa past niya kaya Mark nalang. Ewan ba namin dyan kay Mark eh pangalan lang naman 'yon.
Ewan 'ko rin ba at sa lahat ng mga kaibigan 'ko ay si Mark na yata ang pinakamaarte. Naalala 'ko pa dati na lumapit lang si Micaela sa amin dati pero hindi nya naman sinasadya ah? Nagalit agad si Mark kay Ela that time. Oo, nagkita na sila noon pero mukhang hindi na nila natatandaan pa.
"Uhm, excuse me" Napalingon naman silang tatlong babae sa akin, "Mic-Mic, tara na" Sabi 'ko habang kinukuhit sya sa balikat niya
"Uyyy, Mic-Mic raw oh!" Sabay na sabi nung kambal habang may mapang-asar na ngiti sa labi
Yup, kambal raw sila at talagang madaldal. Buti nalang at hindi nila nahahawa ng kadaldalan ang pinsan 'ko.
"Tsk, mauna nalang kayong dalawa at susunod nalang ako" Sabi ni Ela sa akin sabay palihim na umirap
"Huh? Sino pa bang kasama nyo? Don't tell us, Ela, na m-may k-kasama k-kayong multo?" pfft katawa ng istura nung kambal hahaha
----------
Mark Anthony's Point of View
Hayst I'm bored here. Kainis naman kasi hindi ba napapansin nitong dalawa na ayaw 'ko na dito? Kung makikipag-usap lang naman sila dyan sa kaibigan ng Mica na 'yan at mag-aasaran, edi mas mabuti pang umalis nalang ako 'di ba?
"Yes, girls, meron nga kaming kasama" Mica said boredly to her friends
"Where? Girl or Boy?" The twins asked them curiously
Hindi ba sila natatakot na malaman na may kasamang multo sina Josh at Mica? Pero kanina naman ay kanda utal-utal na sila.
"Lalaki, pero, by the way, we need to go already" Josh said as he stand up so as I and Mica too
Umalis na kami do'n at iniwan ang kambal na nagtataka. Habang papalayo kami doon ay nagsalita ako para magtanong.
"Aren't they afraid of ghosts?" I asked curiously na nakapagpatigil sa kanilang dalawa sa paglalakad
"Oo nga, Ela. Hindi ba sila takot? Nung nagtanong kasi sila ay nauutal pa, pero nung sumunod na tanong naman nila ay hindi na" Napansin din pala ni Josh 'yon
"Natatakot din naman sila, pero nalampasan na nila ang takot na 'yon" Paliwanag ni Mica
"Wait, paano nga ba kayo nagkakilalang tatlo? Hindi mo kasi nakukwento sa akin eh, it's also the first time that I've saw and meet them" Muling tanong at sabi ni Josh
Nakikinig nalang ako sa kanila ngayon dahil ayokong magsimula ng away ngayon sa Mica na 'yan. Cease fire muna dahil nakakatamad makipag-usap.
"Secret, bawal sabihin!" Now she's smiling teasingly while starting to run slowly away from her cousin, Josh
"Ela!" Inis na tawag ni Josh sa pinsan niya pero kapagkuwan ay napailing din at napatawa ng mahina
Tinanaw 'ko naman si Mica na nakatalikod na sa amin at naglalakad ng dahan-dahan palabas ng mall. Why does she looks so cute now in my eyes? May sira na ba ang mga mata 'ko?
"She's really that jolly kapagka ka-close nya ang kasama niya. Para siyang batang nakawala sa loob ng bahay nila, a childish girl" Biglang nagsalita si Josh at bumaling din sa akin, "Swerte mo nakita mo siyang ganyan, she don't usually shows it to others she's not close with" Nakangiti pa niyang dagdag bago sumunod kay Mica
Hindi 'ko alam pero unti-unting gumuhit ang maliit na ngiti sa aking mga labi. Pero agad 'ko rin itong pinalis at iniiling nalang.
Aaminin 'ko, she's really cute though.
Sumunod na ako sa kanila habang nakapamulsa. Hindi naman siguro masamang sumama sa kanila at makasama si Micaela...
BINABASA MO ANG
When We Meet [COMPLETED] [REVISING]
Teen FictionOnce there was a girl who wanted to feel loved. Her parents left her in her Aunt's custody that everyday she feels like it was hell. She first lost her brother in a very young age, then she lost her grandfather when she finally get free from that pl...