CHAPTER 2

6 0 0
                                    

Palapit ng palapit na ang intrams kaya paspasan ang practice namin. Approve na tutugtugin namin ang Still into you ng Paramore sa intrams at payag na ako ang kakanta.

Kaya sobra ang kaba ang nararamdaman ko kahit wala pa naman. Second voice ko ay si Riva. Hindi narin masyadong harsh si Atri kay Gabriella.

"hoy, Cali, easy ka lang. Wala pa eh", tinapik ako ni Gabriella dahil kinakabahan ako.

Natawa nalang ako sa sarili. Ewan ko ba, naiimagine ko palang ay kinakabahan na ako.

Naupo ito sa tabi ko sabay agaw ng hawak kong gitara. "hindi ako marunong mag gitara... turuan mo ko", aniya.

Napatingin kaagad ako sakanya dahil sa ikinikilos nya. Ano daw? tuturuan ko sya? gusto ba nyang lalo akong kabahan? "ha?", tanga kong sagot.

Sarap talagang hambalusin ng sarili ko. Cali!? malinaw na malinaw ang sabi nya!

"sabi ko turuan mo ako", ulit nya at tumingin sakin. Piniltik nito ang noo ko. "kabadong kabado yan?", tumawa sya.

Kaya nahulog ako.

That fast? nahulog agad ako? totoo bato? totoo ang love at first sight?

Kalokohan bato?

"hoy, dali na... damot naman nito", nayari na nga at ngumuso pa.

Putek! napaka pafall!

"a-anong kanta gusto mong matutunan?", tanong ko. Nautal pa.

"uhm... Sunday morning alam mo yon?", tanong nito sakin.

Tumango tango ako. Dahil kay Aira ay nalaman ko ang kantang iyan ng Maroon 5 dahil gustong gusto nya yon. Natutunan nga nya kaagad kung paano ito tugtugin sa gitara.

Nanginginig ang kamay ko't iniakbay ang kamay sakanya para alalayan sya. Ang likot pa nya dahil ikinukumpas pa nito ang ulo dahil kinakanta nya iyon kahit walang boses. Hymn lang.

"g-ganto...", sabi ko at itinuro kung saan ba dapat ang daliri nya.

"sunday morning rain is falling... steal some cover share some skin..", may sariling buhay ang mga labi ko't kusa akong napangiti dahil maganda pala ang boses nya.

"t-teka lang", sabi ko dahil ang ligalig nya kaya natawa na naman ako. Ang kulit. Cutie.

"practice na daw ulit", sabay kami ni Gabriella na napatingin sa nagsalita. Si Riva, na seryoso at maarte na naman ang aura ng mukha nya.

Ngumiti ako sakanya para hindi na naman sya nagtataray sakin. Kumawala ako kay Gabriella at kinuha ang gitara ko sakanya saka tumayo.

"okay..", tumayo narin si Gabriella at nilagpasan si Riva. Nanatili naman ang maarte nitong hitsura.

Riva is my bestfriend, i guess? Magkaklase kami magmula noong mga bata palang kami hanggang ngayon. We're close. Palagi pa nga akong binibigyan ng Mama nya ng ulam dahil may karinderya sila sa palengke na malapit lang samin.

Maarte talaga sya noon pa. Hindi mo mabibiro dahil masasavage kalang. Walang umaaway sakanya dahil baka sa unang tingin mo palang ay matakot ka na kaagad dahil yari ka.

Pero mabait naman sya sakin kahit minsan ay pati ako tinatarayan nya. Kilala nya rin ang mga pinsan ko pero ayaw nyang makipagclose. Arte talaga.

"ang arte mo talaga", bulong ko sakanya saka nauna ng magpunta sa kabilang side ng room nato.

At kahit hindi ko makita ang hitsura nya ay malamang umirap na naman sya. Ayaw nyang nasasabihan ng mataray pero yung hitsura nya ay sobrang taray.

"sabay ka na sakin", suhestyon ko kay Gabriella ng makita ko sya. Uwian na kami. Hindi ko kasabay si Josh dahil nilalagnat at hindi pinapasok ni Tita Josha.

Begin, Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon