CHAPTER 21

6 1 0
                                    

TW: Violence

Sumakay kaagad ako sa sasakyan ni Thirdy at hindi ko na sya inisip na natutulog lang sa backseat. Papa ko yon, eh. Galit ako sakanya dahil sa mga pambubugbog nito kay Kuya at sa brutal na pagkamatay ni Kuya.

But still, his my father! Kakampi ko sya sa lahat ng bagay mula pagkabata ko. Ipinagtatanggoo nya ako sa tuwing inaapi ako. Ang ayoko lang naman sakanya ay ang pagiging bayolente nito pero mahal na mahal ko sya.

Nagsisisi akong hindi ko sya binisita magmula numg nakulong sya. Hindi ko kase sya kayang makita nang hindi maaalala ang ginawa nito kay Kuya. I hate him for hurting people but i love him for always by my side.

Nalinisan na ang katawan nito at nasa tapat ko na sya. Pero hindi na sya humihinga. Buong katawan ko ay nanginginig at hindi ko kayang makita si Papa. At dami kong gustong itanong sakanya pero hindi ko na maitatanong kahit kailan. I lose my brother but losing my father is another level of pain. He's like my super hero.

Bakit nya nagawang mag patiwakal?

Sa huli ay niyakap ko sya kahit hindi na nya ako mayayakap pabalik. "P-papa...", umiyak ako lalo.

Losing my brother is painful but losing my father is another level of pain. Parang pasan ko ang mundo ng makita kong nakapikit si Papa at payapang natutulog habang nakatakip ang puting tela sakanya.

If that's makes you better to die, i hope you're in peace now. I miss you.

Sa kalagitnaan ng pag-iyak ko sa tabi ni Papa ay dumating si Mama kaya tumayo kaagad ako. Lalo akong nadurog ng makita si Mama kung paano manlumo nang makita si Papa na hindi na humihinga. Gaya ko ay mugto ang mga mata nito at nanghihina sya. Kasama nito ang pinsan naming si Zafiah.

Tanging hagulgol lang ni Mama ang naririnig namin sa buong kwarto maliban sa pag hikbi ko. Kaya nagulat ako nang lapitan ako ni Mama at pinaghahampas ako. "Tita!", sigaw ni Zafiah at inawat si Mama ngunit napakalakas ni Mama at naitulak nya ang pinsan ko.

Natumba nalang ako at tanging ang kamay ko ang pinangharang ko sa sarili habang binubugbog ako ni Mama. Memories flash through my mind as i remember my brother punching me all over my body. Hindi ako makapag salita at tanging pag-iyak lang ang nagawa ko.

"Kasalanan mo'to! kasalanan mo'to!", paulit ulit nyang sabi sakin at patuloy akong pinaghahampas ng hindi ko malaman kung ano iyon.

"S-sana ikaw nalang ang namatay!", she shouted with so much anger.

"Tulong po!", Zafiah is also crying not to know what to do.

Tuluyan akong nanghina sa ginagawa ni Mama sakin. Is it really my fault? Kasalanan ko ba talaga kung bakit nangyayari ang lahat ng ito? Kase putek! lahat nalang ng mga nangyayari sakin sinisisi! Kasalanan ko bang isinilang ako sa mundo?!

Sa sobrang panghihina ay hindi ko na alam ang mga sumunod dahil hindi ko yata kakayaning iproseso ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Lahat nalang ay isinisisi nila sa akin. Mula sa pagkabuhay ko sa mundong ito. Hanggang sa wala na si Papa.

Umiiyak sa tabi ko si Thirdy at paulit ulit na humihingi ng sorry dahil tulog daw sya. Tinawanan ko nalang kahit ang hirap tumawa sa lagay ko. Naawat si Mama at nahimatay pagkatapos ng ginawa nito sakin. Hindi na talaga ako kayang patawarin ng mga tao sa paligid ko.

Sobra na ba akong makasalanan nito?

Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat. Ano bang ginawa ko?

"A-ayos lang ako", mahinang saad ko saka ngumiti kay Thirdy. Pero nakita ko pang tumulo ang luha nito ang malungkot ang mukha.

"Bro, kahit iwan ka ng lahag nandito parin kami. H'wag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi mo kasalanan", sabi nya at inayos nito ang buhok ko pero umiling ako.

Begin, Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon