Sa loob ng halos tatlong taong hindi namin pagkikita ni Gab ay mas lumalim ang aming pag mamahalan sa isa't isa. Sobra... sobra pa sa sobra ko s'yang namiss! Halos maluha pa ako nung makita ko s'ya sa labas ng pinto nang condo na tinutuluyan ko.
Hindi agad na process ng utak ko na nasa harapan ko na nga si Gab at malawak ang ngiting ibinaling nito sa 'kin. Natameme lang ako... sobrang ganda n'ya. Mahigpit ang yakap ko sakanya at patuloy lang sa pag luha ang mga mata ko. I missed her so damn much! Hindi lang ako makapaniwala na nasa harapan ko na s'ya.
"I missed you so much", bulong ko sa tenga nito habang humihikbi.
"I missed you too, Calil James. I miss you", saad nito sa 'kin.
"Damn, bakit hindi ko sinabi na ngayon ka uuwi?", tanong ko nang makalas ang mahigpit naming yakapan.
"Because... i want to surprised you and i guess it's a success!", muli n'ya akong niyakap kaya tinugon ko iyon.
Damn! She's back!
Hindi ko kayang ipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Ang alam ko lang ay masaya ang puso ko. Sobrang saya. Bumalik s'ya... sa 'kin.
Through out the years na magkalayo kami ay kahit kailan hindi kami nawalan ng komunikasyon sa isa't isa. Kahit minsan ay hindi nagtutugma ang oras kung saan pwede naming makausap ang isa't isa ay hindi naman 'yon naging hadlang sa 'min.
Understanding and trust. That's the key to keep a relationship healthy.
Inunawa ko s'ya sa schedule na meron s'ya at ganoon rin s'ya sa 'kin. Nag tiwala ako sakanya, gano'n rin sa 'kin. Tagilid man ang communication namin pero alam namin na hindi 'yon pwedeng maging dahilan upang tapusin ang lahat. Sa huli, sa isa't isa lang din ang bagsak naming dalawa.
Wala nang iba. S'ya lang. Sakanya lang ako uuwi.
Mahirap ang mapunta sa isang relasyon na distance ang batayan. But you have to trust each other to keep and save your relationship. Dahil sa huli ay magiging worth it ang lahat. My Gab is finally a one of the famous fashion designer in the world!
I am so proud of her!
Nakamit n'ya ang pangarap n'ya. Sobra-sobra pa! She just want to work on a company here in the philippines but she got an opportunity to work abroad. Tapos ito kaagad ang naabot n'ya sa tatlong taon nitong paninirahan sa UK?
Lola Esme is so proud!
"Saan tayo pupunta?", tanong n'ya sa 'kin.
"I'll take on a date", kumindat ako sakanya nang buksan ko ang pinto nang sasakyan ko.
Isa na akong guro. At dahil wala naman akong pinag gagastusang iba ay nakabili kaagad ako nang kotse at condo ko. Limang taon akong nag aral. Natigil pa nang isang taon dahil sa mga nangyari sa 'kin na hindi ko kinaya pero nalampasan ko ang lahat ng iyon. Mag-isa. I'm so proud of myself.
Alam kong simple lang si Gab. Ayaw n'ya sa mga expensive dahil ang mahal daw tapos napakaliit lang pala. Haha. Funny but accurate. Dinala ko s'ya sa Tagaytay. Malamig doon at sa haba nang panahon at haba nang mga sakripisyo namin para sa sarili ay alam kong deserve namin ng pahinga mula sa nakakasakal na realidad.
"Cali, thank you for bringing me here", nakangiti lang ito habang nakatingin sa ganda nang tanawin at taal lake. "I-it's... actually my first time", nahihiya nitong sambit kaya napangiti ako.
"First time... with me", hindi ko binitawan ang kapit ko sa kamay n'ya at mas hinigpitan pa 'yon. I love holding her hands.
Tatlong taon ko itong hindi nahawakan eh! Hindi n'yo ako masisisi. Namiss ko ang kamay n'ya na bagay na bagay sa kamay ko. Parang ginawa ang kamay n'ya para hawakan ko habang buhay.
BINABASA MO ANG
Begin, Again [COMPLETED]
RomanceCruzae series #3 REMINDER: THIS STORY HAS A LOT OF TRIGGER WARNING. READ AT YOUR OWN RISK. A two highschool lover that broke up met again in their college journey having their memories, trauma's and pain. Are they going to came back to each others a...