TW: Violence, Suicide
Pag-uwi ko palang sa bahay ay bumungad kaagad sakin ang malakas na suntok ni Kuya kaya napalagpak ako sa sahig.
Naramdaman ko kaagad ang pamamaga ng gilid ng labi ko dahil don. Sunod sunod. Walang tigil na naman ang mga luha kong naguunahan sa pagbagsak.
Pagharap ko pa sakanya ay muli nya ulit akong sinuntok kaya hindi ako nakalaban. Nabitawan ko rin ang gitara ko kaya nakatanga narin ito sa sahig.
"K-kuya... b-bakit po?", takot na takot kong tanong sakanya habang hawak nito ang kwelyo ng suot kong damit.
"Napaka papansin mo talagang putangina ka! ano na naman ang sinabi mo kay Papa?!", nandidilim ang paningin nito sakin habang sinisigawan ako.
"W-wala po...", umiling iling ako dahil nawawalan na ako ng boses dahil sa ginawa nya sakin.
Hawak ang kwelyo ng damit ko ay itinayo nya ako. Nawalan ako ng lakas.
Malakas ako nito inihagis sa pader kaya lalo akong umiyak. "K-kuya... tama na po", pagmamakaawa ko ng mapaupo nako sa sahig at namilipit sa sakit ng likod ko. "t-tulong...", hindi ako makasigaw dahil nawawalan na ako ng boses.
Umibabaw sya sakin dahil napahiga na ako. Hinawakan ang kwelyo ko at inimpit sa leeg ko kaya hindi ako masyadong nalahinga dahil don.
"Subukan mong magsabi ulit kay Papa, hindi lang ito ang aabutin mo sakin. Sana namatay ka nalang!", tinadyakan nya pa ako ng makatayo sya.
Agad kong hinawakan ang likod kong sobrang sakin ng salubungin nya ako ng sunod sunod na suntok.
At sa huling pagkakataon ay napaso pa ako ng itapon nya sakin ang sigarilyo nyang mainit pa.
Niyakap ko ang sarili at umiyak ng umiyak. Mama... binugbog ukit ako ni Kuya.
Bakit ang tahimik ng compound? Nasaan ang mga pinsan ko? Tulungan nyo naman ako.
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko't umalis ako ng bahay. Malapit ng dumilim ang paligid. Pinagtitinginan ako ng mangilanngilan kong nakakasalubong pero wala silang paki sakin.
Tuloy-tuloy lang akong naglalakad papuntang ilog. Gusto ko nalang magpaanod doon at mamatay dahil baka gumaan ang loob ni Kuya kung hindi na nya ako mamataan.
Baka maging masaya sya kung wala na ako. Dahil gaya ng lagi nitong sinasabi sakin ay sana mamatay na ako.
Kaya sige. Pagbibigyan kita, Kuya. Para hindi ko narin maranasan ang lupit mo.
Ngunit natigilan ako ng makita ang isang babaeng nakatayo sa gitna ng railings ng tulay at may balak rin atang tumalon sa ilog.
Sumigaw ito. "Lord! kunin mo na ako parang awa mo na! Gusto kong makasama si Mama, Papa at si Shawn! Gusto kong humingi ng tawad sakanila ng harapan! kaya kunin mo na ako! hirap na hirap na ako sa buhay ko! let me die!", sigaw nito at halata sa boses ang pag-iyak nito.
Doon na ako natauhan. Ng tatalon na ito ay napatakbo ako sakanya at hinawakan ang bewang nya para hindi nya ituloy ang pagpapakamatay.
Natumba kami pareho kaya muling kumirot ang likod ko. Nagpagpag kami pareho at doon ko napagtanto kung sino ang babaeng iniligtas ko.
And that was... Gabriella. Why?
Gaya ko ay nagulat din ito sa biglaang presensya ko sa harap nya. Lumikot ang mata nito. Natuyo ang mga luha nito.
"b-bakit?", iyon lang ang nasabi ko.
Bakit sya magpapakamatay? Bakit sya nagsinungaling sakin na nag abroad ang mga magulang nito't one way lang. Kaya ba sabi nito ay malabong bumalik sila dito ay dahil patay na ang mga ito?
BINABASA MO ANG
Begin, Again [COMPLETED]
RomanceCruzae series #3 REMINDER: THIS STORY HAS A LOT OF TRIGGER WARNING. READ AT YOUR OWN RISK. A two highschool lover that broke up met again in their college journey having their memories, trauma's and pain. Are they going to came back to each others a...