Marco's POV
Akala ko tuluyan ng tinanggalan ni Gab ang kung ano mang konesyon n'ya kay Cali. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay s'ya parin ang bukang bibig nito kahit na ako naman ang narito para sakanya. Ako 'yong narito at handang gawin ang lahat maipanalo lang s'ya.
Pero ano pa nga ba? First love never dies daw eh.
"Bakit ang hirap-hirap mong kalimutan? Letche ka Calil James!", saad nito habang umiiyak. Nagka-ayaan kasi nang inuman. Ayoko sana s'yang uminom dahil ayaw kong malasing s'ya pero ayaw magpa-awat.
Pero hindi ko naman s'ya masisisi. Kaibigan lang naman kasi nang kaibigan n'ya si Cali na lagi n'yang nakikita. Kahit saan. Resto, Club, School at kung minsan ay sa mismong laro ko tuwing ang kalaban namin at sina Thirdy.
Nung una hindi ko kilala kung sino 'yong Cali. 'Yon pala kaclose ko nang kaunti. Naalala ko nung nakita ko sila Cali at Thirdy tapos kasama ko si Gab. Nag tago lang s'ya sa likod ko at kinukurot kurot ako dahil ipapakilala ko sana kaso ayaw humarap. Hindi magets nung una pero kalaunan ay nakuha ko rin.
Calil James. Ang hirap n'ya sigurong palitan si Cali at hindi n'ya ako kayang mahalin kahit ilang taon pa akong manatili sa tabi n'ya. Para akong tanga na umaasa sa wala at malabong mangyari.
Nakita ko sila sa sementeryo at nag-iiyakan. Hindi kasi s'ya nag paalam sa 'kin na aalis s'ya at pupunta s'ya rito kaya nag alala ako. Noon kasi ay muntikan na raw maaksidente ang sinasakyan nitong bus kaya simula no'n ay gusto kong kasama n'ya ako sa tuwing dadalawin n'ya ang pamilya n'ya.
Nauna s'yang umalis pero nakita kong nasa iisang bus lang sila at posibleng mag tabi kung wala nang space kaya nalungkot ako. Sana huli na 'tong pagkikita nila. Yes, i know. Selfish ang tawag do'n but i don't want to see Gab crying because she can't get over about how Calil left her that night when she begged for him to stay. Sabi n'ya sa 'kin.
Nag punta ako sa puntod ni nang pamilya n'ya. Gusto ko sanang makausap si Lola kahit hindi naman ito sasagot. At kung sasagot man at handa na akong mahimatay sa takot. Nag sindi ako nang kandila kahit alam kong isang ihip lang ng hangin ay mamamatay 'yon dahil mahangin. At hindi nga ako nagkamali at namatay ang kandila. Inulit ko ulit pero napagod lang ako kakasindi kaya hindi na lang.
"Magandang araw po, Lola Esme!", pinilit kong maging masagana ang pag bati ko sakanya. Minsan lang ako makapunta rito. "Nakausap n'yo po kanina si Gab, hindi ba? Tumakas po 'yon sa 'kin", tumawa ako.
"Pero Lola, may pag-asa po ba ako kay Gab? Gayong hindi n'ya malimut-limutan si Cali at nagkita pa sila rito", pinilit kong tumawa kahit wala namang nakakatawa. "Hahaha, Lola, siguro tinatawanan mo ako rito ano? Dahil kinakausap kita pero hindi ka naman sumasagot. I wonder kung sino ang gusto mo sa 'min ni Cali? Sino nga ba Lola?", yung kaninang pekeng tawa ay naging totoo na nang marealize kong mukha nga akong tanga rito na kumakausap ng patay na. Pero 'di ba ang sabi nila ay naririnig ka nila? Siguro naman ay naririnig ako ni Lola.
Mas lalo pa akong tumawa. Hays, sana pala ay hindi na nga talaga ako sumunod pa rito gayong 'yon ang madadatnan ko rito. Kaya naisip ko na lang na umuwi. Para pa akong tanga na lumuluha habang sinasabayan ang kanta ni Yayoi ata 'yon. Hindi ko kilala eh, na Kung sana lang ang title.
"Kung ako na lang sana ang nauna... nauna mong nakilala 'di na sana lumuha ang mata mo dahil sakanya lungkot ng kahapon mo sana'y kalimutan na", kanta ko habang hinahayaan ko ang luha kong bumubuhos lang sa sakit ng nararamdaman ko.
Alam ko naman na wala akong pag-asa kahit pa no'ng sabihin nitong susubukan n'ya akong mahalin. Ang sakit kasi gusto n'ya lang ako. Gusto n'ya kung sino ako pero hindi n'ya gusto na bilang katuwang n'ya. Partner sa buhay. Ni hindi man lang humantong sa pumayag na ligawan ko s'ya kasi pati s'ya ay nahihirapan.
BINABASA MO ANG
Begin, Again [COMPLETED]
RomanceCruzae series #3 REMINDER: THIS STORY HAS A LOT OF TRIGGER WARNING. READ AT YOUR OWN RISK. A two highschool lover that broke up met again in their college journey having their memories, trauma's and pain. Are they going to came back to each others a...