TW: Violence, Sexual harassment
Marco's POV
Madaming pinapagawa dahil huling buwan nalang namin ito. Pero ako wala akong paki sa grade ko dahil ang gusto ko lang ay ang makapasa.
75 is okay. Basta makapasa ako at makagraduate at maka-alis sa school na to ay okay na.
Hinintay ko si Gab sa labas ng room nila dahil uwian na ngunit sabi nila ay nakaalis na raw kaya umalis na ako doon at malamang ay nasa SSG yon dahil trip nyang tumambay doon dahil may aircon doon.
O baka umiiyak na naman sya kaya pupunta nalang ako roon para samahan sya if ever na umiiyak sya at para narin patahanin sya.
At tama nga ako at naroon sya. Pumasok na ako sa loob. May ginagawa sya pero nakaupo sya roon sa tabi at binibigyan ng cat food yung pusa na alaga nya rito sa school na kulay orange na pinangalan nyang garfield.
"Hey, di ka pa uuwi?", tanong ko.
"No, i have to do something", sabi nya habang nakatalikod parin sakin at hinihipo ang likod ng pusa na nakain ng binigay nyang pagkain.
"Then, i'll wait for you", doon na nya ako tiningnan. Bakas parin sa mga mata nya ang labis na pag-iyak.
"No, you don't have to. You've done a lot of things to me. Just go home and rest", sabi nya at tumayo palapit sakin.
"Ayoko, wala naman akong gagawin sa bahay. It's not home anymore", naupo ako sa sofa na nasa tabi lang habang sya ay naiinis na ata sakin.
"Kahit na. Umuwi ka na, para makatulog ka", sabi pa nya at hinihila ako pata tumayo pero nagmatigas ako.
"I'll sleep here, instead", i said and i slowly closed my eyes. Kunwari matutulog na.
"Alam mo kung ako nasa lagay mo matutuwa pa ako at makakatulog ako sa bahay na masarap sa likod yung kama, tapos ikaw ayaw mo?", she reached for my hand to pull me up.
Pero isinuksok ko lang lalo ang sarili sa sofa. Wala akong paki kung malaki ang bahay namin, kunpleto sa gamit, sa pagkain, at malawak ang espasyo ng kwarto ko at kung malambot ang kama ko. Wala akong paki.
Dahil walang kasiyahan sa bahay na iyon na pinapangarap ng iba kapag nadaraanan o nakikita. It's not the home that i wanted to call home.
Sementeryo nalang. Tutal sobrang tahimik naman doon at aakalain mong pinaninirahan ng isang mangkukulam dahil sa sobrang tahimik.
Maganda ang bahay namin, sobra. Nagagawan ko pangang mag slide doon sa hagdan namin noon na ikinatakot ng mga katulong noon at ni Dad. Pinagalitan pa ako noon kaya lalo akong nagalit kay Dad.
If he really knows how much i want their attention and care from them i wouldn't do that. Eh, kaso wala. Mahirap bang ibigay sakin yon?
Hahahaha. Kaya pala.
"Kainis ka naman", she gave up kaya napangiti ako habang nakasuksok ang sarili sa sofa at nakapikit.
Yung kunwari kong tulugtulugan ay naging totoo. Nagulat nalang ako at wala na akong kasama sa loob ng office na ito kaya agad akong napatayo.
Medyo nahilo pa ako kaya nasapo ko ang ulo ko. Shit, baka iniwan nako ni Gab. Pero pag lingon ko ay nakita si garfield na tulog sa ibabaw ng bag ni Gab kaya nakahinga rin ako.
Baka lumabas lang at bumili ng pagkain. Kaya naupo muna ako at tumitig muna dahil medyo nahilo nga ako. Nagulat pa ako ng lapitan ako ni garfield at umunga sa paanan ko.
Yumuko ako para makita sya. Meow lang sya ng meow. It's like, he's begging for something. Baka food? Tumayo ako para hanapin yung kaninang hawak ni Gab na cat food kaso ewan ko kung saan nito inilagay.
BINABASA MO ANG
Begin, Again [COMPLETED]
RomanceCruzae series #3 REMINDER: THIS STORY HAS A LOT OF TRIGGER WARNING. READ AT YOUR OWN RISK. A two highschool lover that broke up met again in their college journey having their memories, trauma's and pain. Are they going to came back to each others a...