Marco's POV
We became friend... i guess?
Hindi ko pala alam dahil lagi ako nitong in-ignore dahil naiinis daw sya sakin. Naiinis daw sya sa presensya ko. Kaya inisin pa natin lalo.
Napunta ako minsan sa bahay nila at nagdadala ng pagkain para may makain sila. Atsaka bibisita bisita ako tapos walang dala? mali ata yon.
Kahit naman turing sakin ni Lola ay bisita alam kong para sakanya ay isa akong "bwisita"
Nalaman ko rin ang pangalan nya ng tawagin ito nung kaklase kong kasali sa SSG dahil ayaw nyang malaman ko ang pangalan nya.
Kaya nung nalaman ko ay inis na inis sya sakin. Kahit naman ngayon ay ganoon parin. Pero minsan nagiging seryoso ito. Minsan ay nakikita ko itong umiiyak pero titigil kapag nakita ko.
"Nililigawan mo ba iyan? nako, Marc, bata ka pa", ani Manong Jero dahil wala na naman syang nagawa at sinamahan ako papunta kay na Gab.
"Manong hindi", mabilis ang ginawa kong pag-iling. "kaibigan lang", pag lilinaw ko.
Tumawa sya. "Nako hijo, sa kaibigan nagsisimula ang lahat", natatawa parin nitong sabi sakin.
"Ows, Manong? bakit kayo ba ni Tita Beth doon nagsimula?", i asked.
"Oo", proud nyang sabi. "Nung highschool kami", aniya.
"Sige nga Manong, pano mo sya niligawan?", tanong ko. Curious ako kung paano manligaw si Manong Jero the heartrob ng school nila noon. Ang sabi nya.
"Bakit mo tinatanong? liligawan mo si Gab?", tiningnan ako nito ng mapangasar na tingin na may ngisi pa sa labi.
Napasapo nalang ako sa mukha ko. Nagtatanong lang naman ako! mukha ba akong may liligawan?
"Ewan ko sayo, Manong", isinandal ko ang sarili sa kinauupuan at nakatingin nalang sa labas.
Habang sya ay tuwang tuwa parin na inaasar ako. Gzzz. Ng makarating kami ay sinalubong ako nu Gab ng inis nyang mukha kaya wala akong ginawa kung hindi ang ngitian sya ng malaki.
Alam kong asar na asar na sya sakin dahil napapadalas na ang punta ko rito pero wala syang magagawa dahil kung gusto kong pumunta. Gugustuhin ko!
Baka, isa akong spoil brat kada taon!
"Hi po, Lola!", bati ko kay Lola Esme.
Tuwang tuwa ito ng inabot ko ang dala ko sakanya. "Nag abala ka na naman hijo", aniya.
Ngumiti naman ako at susundan si Gab sa kwarto dahil alam kong inis na sya sakin. Bago ko naman iwan si Lola ay alam kong makikipagchikahan ito kay Manong habang ako ay guguluhin ang buhay ni Gab.
Ganon ata role ko sa buhay nya. Ang bwisitin sya dahil pikon na pikon ito sakin.
Pag pasok ko ay nakita ko ang Ukulele nya sa higaan at may notebook pa ito sa gilid at nililigpit nya.
Kukunin na sana nya yung Ukulele kaso hinawakan ko bigla."Akin na yan", inis nyang sabi sakin kaya ngumiti nalang ako gaya ng lagi kong ginagawa.
Gustong gusto kong makita ang lukot at inis nyang mukha because i find it's cute. Cute mainis.
"Kantahan mo ko", utos ko sakanya. Inabot ko ang Ukulele pero inaagaw nya kaya hinigpitan ko ng kapit.
"Ayoko", sabi nya.
Ngumuso ako sakanya dahil ayaw na naman nyang tumingin sakin ng deretso. Sinilip ko sya kaya itinulak nya ako. Tumawa ako ng malakas.
"Nang iinis ka lang", sabi nya at pilit na inaagaw sakin ang Ukulele habang ako ay napaupo sa higaan nya.
BINABASA MO ANG
Begin, Again [COMPLETED]
RomanceCruzae series #3 REMINDER: THIS STORY HAS A LOT OF TRIGGER WARNING. READ AT YOUR OWN RISK. A two highschool lover that broke up met again in their college journey having their memories, trauma's and pain. Are they going to came back to each others a...