CHAPTER 17

9 1 0
                                    

Calil's POV

"Andamot mo na talaga, Aira", si Thirdy na nagmamakaawa kay Aira na ibigay sakanya yung maja nya.

"Ayoko nga, inubos ubos mo yung iyo, eh", parang batang sagot nya.

Wala ako sa mood para mangtrip rin dahil nagugutom lang talaga ako. Pinapunta namin dito sa apartment si Ry tapos kasama pala nya si Aira at Ysa kaya nakikain narin dito samin.

"Dali na, ako bumili nyan", pamimilit lalo ni Thirdy.

"Bili ka ulit", sagot ni Aira.

Natatawa nalang kami sa bangayan ng dalawang ito. Kapag talaga magkakasama kami ay hindi talaga mawawala ang bangayan nilang dalawa. Paminsan minsan ay nakikisali ako dahil accomplice ako ni Thirdy pero minsan nakakaawa rin si Aira.

"Nagbago ka na talaga", Thirdy being so dramatic kaya natawa kami.

Natahimik na silang dalawa kaya tumahimik ang hapag ng ilang minuto dahil mukhang may naisip na kalokohan itong si Aira dahil nakatingin kay Thirdy na alam mong may balak.

"Third, gusto mo?", Aira asked.

Para namang batang naingganyo agad si Thirdy at tumango tango. "Oo, aki--", natigilan sya.

"Sumabog mukha mo?", sabay asik ni Aira at tumawa ng malakas.

Tumawa rin kami lalo na sa naging reaksyon ni Thirdy na alam mong na-disappoint. "Tangina nyo talaga", sabi ni Ry at tawa parin ng tawa.

Minsan talaga mapapamura ka nalang dito kay Amara, eh. Lakas mang trip. "manahimik ka! wala akong kaibigang Amara", sambit ni Thirdy at sumandal nalang sa kinauupuan.

"Edi wala", nagkibit balikat lang si Aira at patuloy parin sila ni Ry sa pagtawa.

Hindi ko nalang ito pinansin kahit pa gusto ko narin tumawa kaso nakain kami. Baka mabulunan pa ako sa ginagawa ng dalawang baliw kong kaibigan. Lalo pa namang lumalakas ang tawanan nila dahil don. May sapak na nga talaga sila, hays.

"Hindi ka maglalaro ngayong college tayo?", tanong ni Jackson. Narito kami ngayon sa court dahil gusto kong sumabay kay Thirdy pauwi. Wala na akong pera dahil hindi naman na ako tinutustusan ni Mama.

She's still mad at me about what happened a year ago. The blame is still on me. I wish i was dead. But i still want to have an update on my Mom that's why i always ask my cousin, Zariah. Sya ang kasama ni Mama sa Quezon. Even i don't want to study here pero ayoko rin mapag-iwanan sa Laguna dahil lahat na kami ay nasa Manila nag-aaral kaya pinapaupahan na ang mga bahay namin.

Naroon pa naman sina Kuya Chong na syang nagbabantay ng compound. Ako ang nakuha ng bayad sa upa ng umuupa sa bahay namin. Kaya lahat ng gamit ko ay naroon sa bahay nila Josh. Iyon ang nagsilbing bodega ng compound. Eh, kaso hindi pa nagbabayad iyong umuupa kaya eto ako ngayon. Makikisabay umuwi.

Mayaman naman tong pinsan ko. Kargo nya ako kahit saan sya magpunta. Unless if may gig ako. Kailangan ko ring kumita. Ayoko na maglaro, injury lang makukuha ko imbes na pera. At this point of my life, i have to live for myself. Hindi porket nariyan sina Thirdy at Josh na kasama ko lagi sa apartment ay aasa nalang ako sakanila.

At the end, i only have myself.

Kaya sinusubukan ko parin kahit gusto ko ng sumuko. Kahit gusto ko nalang ay mamahinga. Alam mo yon? Masyado pang maaga para maranasan ko ang mga bagay na ito kaso wala eh, nararanasan ko na. Nararamdaman ko na. At sobrang hirap mabuhay para sa sarili. Iniisip ko nga ay mabuti nalang hindi ko hinayaang muling makapasok sa buhay ko si Gab.

Kase tingnan mo. Im miserable. Im broken and.... tired. Hindi ko naaalagaan ang sarili paano pa kaya ang iba. Paano pa kaya si Gab?

"Ayaw na raw nyang maglaro eh", Thirdy shook his head after saying goodbye to them. Sumunod nalang ako kay Thirdy matapos mag paalam kina Jackson at iwan doon.

Begin, Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon