Proloque

183 9 4
                                    

Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni Dr. Benveniste ay may nahagip na matipuno at matangkad na lalake ang aking mga mata. Hindi ko ito nakilala dahil nakayuko at dumiretso nalang ako sa clinic ni Dr. Benveniste. Pagkadating ko ay kumatok agad ako at pumasok. "Good morning Ms. Gastrell", aniya niya tsaka ngumiti. "Good morning din po Doc, bakit mo po pala ako pinatawag?" tanong ko at sinabing maupo daw muna ako.

"Sa susunod na linggo ay iaassign ang iba't ibang nurses at doctors sa iba't ibang hospital para tumulong ng libre sa mga may sakit na nangangailangan ng tulong" tsaka ipinaliwanag ang mangyayari. Tumayo na ako at nagpaalam pero bago pa ako makaalis ay may kumatok at pumasok na gwapong lalake na siyang nagpatulala sakin pero nagmamadaling umaalis ako doon.

Pagdating ko sa nurse station ay ginawa ko na ang aking ginagawa sa araw araw. Tapos na ang aking gawain at oras na para sa lunch time namin tinawag ko ang aking bestfriend na kakarating lang sa nurse station. "Cole kain na tayo sa cafeteria" aya ko sa kanya dahil nagugutom na ako, mabilis siyang tumango at ngumiti. Umoorder agad kami pagkadating namin at naghanap ng mauupuan.

Habang kumakain kami ay nagkwekwento si Cole tungkol sa nangyari sa kanya ngayong araw at kwinento niya din ang nakita niyang doctor na pogi at kakatransfer lng daw dito. Napailing na lang ako sa kwinekwento niya. "Vui! Vui! Siya yun, siya yung kwinekwento ko sayo!", pasigaw na sabi niya at agad tinignan ang tinitignan niyang daanan at muntik na ko masamid nung nakita ko kung sino. "Vui okay ka lng ba?" tanong niya "Oo okay lng ako may naalala lang"sabay tipid na ngiti sa kanya. Inaya ko na siyang umaalis doon dahil tapos na din kami kumain.

Tapos na ang aming shift at naghahanda na ko para umuwi pero tinawag ako ng isang nurse at sinabi kung pwede ko daw dalhin yung pinapahingi ng isa sa mga doctor at simpleng tango nalang ako iginawad ko. Pinuntahan ko na yung sinabi niyang floor at room kung saan yung doctor na humingi ng mga documents. Walang pangalang nakasulat sa labas ng kwarto niya kaya kumatok na ako at pumasok.

"Good morning Doc. Ito na po yung hinihingi niyong-" napahinto ako sa pagsasalita nung namataan ko kung sino yung doctor "ito na po yung documents" kaswal na sabi ko at agad na pagpasok ng babae sa pintuan kaya umaalis na ko. Umuwi na agad ako sa bahay at dumiretso sa kwarto.

Hinding hindi ko na babalikan ang masasakit na alala. Hinding hindi ko na uulitin ang sakit ng kahapon.

:>

Deal With The Pain Of YesterdayWhere stories live. Discover now