Chapter 1

93 11 3
                                    

Vui's Pov

"Vui! Sabay na tayong pumunta sa room" sigaw ni Cole sakin. Si Cole o Colette ay bestfriend ko simula pa noong elementary kami. Siya ang palagi kong kasama kapag wala sa bahay ang aking pamilya at alam niya ang kwento ng buhay ko tungkol sa aking pamilya.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa aming room at salita siya ng salita ng kung ano ano. Nasa grade 10 na kami ngayon at next year ay hindi ko pa rin alam kung ano ang kukunin ko.

Pagkadating namin ay naupo agad kami at naghanda na para sa darating na teacher namin. "Good Morning class I have a announcement we will have our Provincial Meet in the 2nd week of November." Lahat kami ay napatigil sa sinabi ng aming teacher. Pagkatapos niyang sabihin lahat ng announcement ay nagpatuloy na siya sa aming lesson.

Noong natapos na ang aming klase ay linigpit ko na agad ang aking gamit at inaya si Cole na pumunta na sa cafeteria para mag tanghalian. Tapos na kami umorder ni Cole at naghahanap na kami ngayon ng mauupuan.

"Malapit na pala yung Provincial Meet na yon ah, anong plano mo?", aniya ni Cole sakin. Inisip ko din ang sinabi niya dahil balak ko sana tumulong kay Mama para extra income at mag focus sa pag aaral. "Ewan ko di ko pa alam pag iisipan ko muna pero mukhang wala din akong choice."

Natapos ang aming klase buong hapon na puro tungkol sa mga bagong lesson na pag aaralan. Pagkadating ko sa bahay ay nagbihis agad ako at hinanap si Mama para tumulong sa pag ayos at pagpost sa social media ng mga vitamins,soap at kung ano ano pa.

"Huwag ka na dito Vui mag aral ka nalang doon" aniya ni Mama sakin "Okay lang ma para makatulong ako at sayang din ang income na makukuha ko" at natawa nalang kaming dalawa.

Naghahanda na ako ngayon para sa aming hapunan. Tinawag ko na din ang mga kapatid ko at si papa. Habang nasa hapagkainan kami ay naisipan kong sabihin kay Mama ang tungkol sa announcement kanina.

"Ma may announcement pala kanina sabi po ng teacher namin ay magkakaroon ng provincial meet sa 2nd week ng Nobiyembre", aniya ko.

"Huwag na Vui gastos lang yan mas mabuti pang mag focus ka nalang sa pag aaral mo at isipin kung ano ang kukunin mong strand sa susunod na taon di ba't hayan naman ang gusto mo?", sabi ni papa at napayuko nalang ako.

"Sige anak manonood kami ng mga kapatid mo sayo nun sabihin mo lang kung ano kailangan mo" masayang sabi niya.

Si Mama ay nag oonline selling pero malaki ang kita niya. Hindi siya madamot sa mga bagay kadalasan siya pa nga ang pumipilit sakin na bumili ng kailangan ko. Palagi niya akong sinusupportahan sa mga contest ko katulad nalang ng quiz bee, declamation at lalo na sa sport na tennis.

Ang pinakabawal sa pamilya ko ay ang magkaroon ako ng jowa.
/hays kawawa ka naman buti pa ako wala rin/

Si Papa ay engineer sa isang company. Strikto siya pag dating sa mga bagay bagay na hindi naman kailangan. Ang dalawa kong kapatid ay nag aaral na rin, isang kinder at isang elementary.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko. Nagbasa ng libro at gumawa ng assignment.

Kinabukasan ay parehas lang ang nangyari ngunit pagkatapos ng aming klase ay kinausap ako ng aming coach. "Vui ikaw ang kukunin namin para maglaro ng tennis sa provincial meet", aniya ng aming coach. "Sige po sabihan niyo nalang po ako coach tungkol sa practice", sabi ko at simpleng ngiti nalang ang ginawad.

Nung dumating na ako sa bahay ay napahiga na agad ako. Inisip ang mga mangyayari sa susunod na araw. Napapikit na lamang ako at hinihiling na sana.

Sana sa susunod na araw magiging masaya at maayos pa ang lahat.

:>

Deal With The Pain Of YesterdayWhere stories live. Discover now