Chapter 4

41 7 9
                                    

Vui's Pov

Nakauwi na ako pagdating ko sa bahay ay napasalampak nalang ako sa higaan ko at nagpahinga muna ako dahil sa pagod na naramdaman ko ngayon. Tinambakan ba naman kami ng aming teacher ng gawain.

Pagkatapos ko magpahinga ay nagpalit na ako at bumaba para tumulong kay mama. Bumalik na ako sa kwarto para mag aral. Maya maya lang ay tumunog yung cellphone ko.

Tinignan ko kung sino ito at nakita kong si Cole ang nag chat sakin.

Cole: Vuii! Grabe ka iba ka na talaga!

Me: Huh? Bakit? Di kita maintindihan

Cole: May nagkakagusto sayo na love at first sight yata sayo. Sa ganda, talino at talented mong yan impossible namang walang magkagusto sayo.

Me: Sabihin mo nalang sa kanya wala akong oras sa ganyan kilala mo naman sina mama at papa.

Cole: Ay grabe basted agad gusto ka lng makilala eh get to know each other lang :).

Isinantabi ko nalang muna yung cellphone ko dahil kukulitin lng naman ako ni Cole tungkol sa lalakeng iyon. Mas mabuti pang mag aral kesa makipagkilala sa lalake na sinasabi niya.

Magiging mayaman ba ako kung makikilala ko siya? Magiging sucessful ba ako? Makakatulong ba siya sa pamilya ko? Nag aaral ako ng mabuti para maabot yung pangarap ko, para makatulong sa pamilya ko at siyempre para maging mayaman na rin.

Hindi naman talaga ako puro aral lng nagkakacrush din ako pero hanggang doon lang dahil ayaw kong madistract at mapabayaan ang pag aaral ko.

Tunog ng tunog yung phone ko kaya binuksan ko nalang para tignan yung message ni Cole pero ibang tao yung nakita ko na nagchat sakin. Nakailang pikit na ko at tingin sa phone ko dahil hindi ako makapaniwala at nagulat ako.

Binuksan ko yung message sakin ni Cole at dinedescribe niya dun kung sino yung lalakeng gusto makipagkilala sakin. Smart, handsome, talented, may respeto sa babae at wala pang ex puro fling lang daw.

At nanglaki ang mata ko dahil ang tinutukoy niya ay ang isang Hyux Quervo. Hindi ko inaasahan na gusto niya pala makipagkilala pero pwedeng more than get to know each other pa charot lng aral nalang pala ako. Walang hiya talaga yung kaibigan ko hindi manlang agad sinabi kasi mapag uusapan naman yan eh enebe.

/Author: Ang harot mo :)/

Tinignan ko naman ang chat ni Hyux.

Hyux: Hi, uhm I personally chat you na ha kasi your bestfriend told me that you don't want to get to know me:<.

Me: Hala hindi ah okay lng sakin fake news talaga kaibigan ko.

Hyux: What are you doing pala? Baka kasi nakakaistorbo na ako sayo.

Me: Uhm i'm studying lang kasi gawain ko na toh parati and hindi ka istorbo bibigyan kita ng oras ehe.

Pero siyempre hindi ko sinama yung dulo ang landi ko naman tignan nun kakachat pa nga lang eh.

Me: Bakit pala gusto mong makipagkilala sakin?

Hyux: Because the first time I saw you, you caught my attention :).

Namula ang pisngi ko at hindi mapigilang maoverwhelmed. Hindi naman ito first time na may nagsabi sakin ng ganito pero hindi ganito yung impact sakin at yung iba na may lakas ng loob para lapitan ako sinasabihan ko agad na "sorry busy ako sa pag aaral".

Pero nung siya yung nagsabi iba talaga yung dating eh.

Puro aral ako oo pero siyempre hindi ko naman nakalimutan kung paano magmahal.

Hindi ko na siya nareplyan dahil kinailangan ko na ulit mag aral at marami pa akong gagawin.

Matutulog na sana ako kaso naalala kong may nakalimutan akong replyan kaya rineplyan ko muna siya.

Me: Aww that's sweet pero baka hindi lang kita palagi makausap dahil busy ako.

Hindi ko na hinintay yung reply niya at natulog na ako ng may ngiti sa labi.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at masayang pumunta ng school.

"Hi Cole!" masiglang bati ko sa bestfriend ko. "Helloo" she said and she smiled. "Ang saya natin ngayon ah parang good mood tayo" sabi niya, ngumiti lng ako sa kanya at napatango.

Pumunta na kami sa classroom kasi mag uumpisa na ang klase. Pagdating namin ay umupo agad ako at inaayos ang mga gamit ko. Habang nagbabasa ako ng libro ay dumating na ang aming teacher.

Binigyan kami ng quiz tungkol lang naman sa aming lesson ngayon. Sa ibang subjects ay bagong lesson lang din naman ang tinalakay namin.

Natapos na ang aming klase at ngayon ay nasa cafeteria na kami. Binuksan ko ang phone ko para magcheck ng kung ano dahil wala naman akong gagawin.

Bigla nalang may nag pop up na message.

Hyux: Don't forget to eat ur lunch, eatwell!

"Uy Vui may nagpapabigay sayo kainin mo daw wag ka daw magpagutom" naririnding sabi ng bestfriend ko. 

Tinanggap ko naman iyon pero nagtataka kung kanino galing. Nung tignan ko ang paper bag ay may lamang pagkain, tubig, juice and chocolates pero meron pa akong nakita.

Yung nakita ko pala ay ang isang letter.

Letter: Don't skip meals. Kainin mo lahat yan ha? I don't want you to be hungry :).

- H.Q.

      :>

Deal With The Pain Of YesterdayWhere stories live. Discover now