Chapter 3

46 10 6
                                    

Vui's Pov

Natapos na ang aming laro at ngayon ay hinihintay nalang namin ang result at awarding para sa mga nanalo.

"Congrats Vui, ang galing mo talaga. Wala dapat score yung kalaban eh nainjured ka lng kasi kaya may score", pabirong sabi ni coach. "Thank you Coach baka ito na rin kasi yung huling laro ko" natatawang saad ko sa kanya.

"Hyux hintayin mo ko!" pasigaw na sabi ng kasama namin. Tinignan ko kung sino ang tinatawag niya at laking gulat ko na makita ang isang matangkad, has a sharp nose, he has cute eyes, perfect eyebrows and siyempre umiigting yung panga and omg his body looks like those who model in magazines. At naalala ko na siya, siya yung lalakeng nakatama sakin.

Ngayon ko lng nakita ang features ng mukha at katawan niya ang hot niya. /Author: Ang landi mo na kala ko ba aral muna./ Ay sorry naman ngayon lang ako nakakita ng ganyan kagwapo eh papanget kasi ng classmate ko.

Yes, oo, opo madali po akong maattract lalo na sa mga mga taong gwapo at hindi ko naman akalaing sa ganito naming edad eh may ganyan na ka perfect na lalake pero wala akong balak mag jowa kasi ayaw ko madistract sa pag aaral ko. Hindi ko na namalayan na kanina pa pala ako nakatulala sa kanya kaya iniwas ko na agad yung tingin ko sa ibang bagay pero nakita kong tumawa siya.

Nakauwi na ako at pagdating ko sa bahay ay may nakahain na mga handa. "Anak andyan ka na pala, alam mo ang galing mo nanalo ka i'm so proud of you" sabi ni mama habang yakap yakap ako. "Thankyou ma baka kasi last na laro ko na rin ito eh gusto ko din po kasi makatulong sa inyo at mag focus sa pag aaral" I said to her while smiling.

"Congrats Vui buti nanalo ka kasi kung natalo ka sayang yung pag practice mo at dapat nag aral ka nalang" sabi ni papa sa akin at simpleng tango at tipid na ngiti nalang ang naipakita ko.

Sanay na kasi ako sa kanya at iyon din naman yung gusto ko. Kaya nga sana hindi ako sasali sa provincial meet pero wala akong choice eh.

Kinabukasan ay wala kaming pasok dahil pahinga namin na mga players na sumali. Kaya't tumulong na lang ako kay mama sa gawaing bahay at sa trabaho niya.

Pagkatapos ko tumulong sa kanya ay naligo na ako at nagbihis. Naisipan kong tingnan muna ang social media account ko at puro congrats lang naman ang natanggap ko.

Naisipan kong mag advance study nalang para sa lesson namin sa susunod na araw. Nung inaantok na ako ay naisipan ko ng matulog para makapasok ako ng maaga sa klase kinabukasan.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok at di na ako nag abala na isabay yung kapatid ko dahil hinahatid naman sila ni papa at masyado pang maaga.

Pagkadating ko sa classroom ay puro papuri ang natanggap ko. Dumating na ang aming teacher kaya tumahimik na sila at nag focus sa lesson namin. Binigyan kami ng aming teacher ng quiz at laking papasalamat ko na nag advance study ako.

Noong lunch time na ay inaya ko ulit si Cole na kumain na kami at pumuntang cafeteria. Habang nasa pila kami ay hindi ko maiwasang mailang dahil parang pinag uusapan at tinitignan nila ako o baka assuming lang ako.

"Uy Vui congrats sayo ha? Ang galing mo talaga i'm so proud of you kaya idol kita eh" pabiro at emosyonal na sabi ni Cole. "Pero totoo ang galing galing mo ang dami ngang humahanga sa galing mo kasi parang wala lang sayo kung lumaro ka ng walang practice."

Well I played tennis kasi ever since I was a kid. Nung tumagal na ay naging favorite sport ko na siya at parang wala lang sakin ang pag laro nito pero ngayon gusto ko ng huminto at mag focus sa pag aaral.

Ngumiti nalang ako sa kanya at nagkwentuhan kung anong nangyari sa provincial meet. Bigla kong naalala yung lalake na nakatama sakin bigla tuloy akong humagikhik kaya napatingin sakin si Cole.

'Hyux' the name of the guy who hit me in my forehead pero parang sa puso ako tinamaan.

Ay jusko wala walang tinamaan sa puso focus lng tayo sa pag aaral. Binalingan ko nalang si Cole at kwinento yung lalake at kinikilig pa siya habang kwinekwento ko yung lalake.

"Paano mo nalaman na yun yung lalake at paano mo nalaman pangalan niya?" "Malamang nakita at narinig ko sa kaibigan niya na dito nag aaral. Hindi ko lng napansin agad yung mukha niya kasi hello masakit kaya tamaan ng bola pero naalala ko pagmumukha nun" sabi ko sa kanya at narealize din naman niya.

Pabalik na sana kami ng classroom pero bigla akong natisod dahil sa bato. Handa na sana akong indahin yung sakit dahil sa katangahan ko na hindi agad nakita yung bato pero may nakasalo pala sakin.

Buti na lang at may nakasalo sakin kundi masakit na talaga katawan ko ngayon. "Thankyou" kaswal na sabi ko at tumayo na pero nanglaki yung mata ko nung nakita ko kung sino sumalo sakin.

Omg! As in wahh! Sinalo nga pala ako ni Hyux. At hindi ko inaasahan na sa daming tao dito ay siya pa talaga ang makakasalo sakin and ang pagkakaalam ko ay bawal magpapasok basta hindi estudyante dito.

Tinignan ko ang kaibigan ko na kinikilig at gulat na gulat sa nangyari. Binalingan ko din si Hyux na nakatayo na ng tuwid.

"Ah uhm ano thankyou pala sa pagsalo sakin uhm kasi kung hindi mo ko nasalo siguradong sakit ng katawan aabutin ko ngayon" nahihiyang tugon ko.

"No worries. Baka sakaling mahulog ka din sakin, sasaluhin kita at hindi ka pa masasaktan" sabi niya pero hininaan niya yung sinabi niya sa dulo kaya hindi ko masyado naintindihan. Tumango nalang ako at nginitian siya.

Aalis na sana ako kaso bigla siyang nagsalita. "What's your name?" "Vui. Vui Louisiana Gastrell" tinignan ko siya "Hyux. Hyux Quervo" sabay lahad ng kamay sakin para makipagshakehands at tinanggap ko naman yun at nginitian siya.

:>

Deal With The Pain Of YesterdayWhere stories live. Discover now