Chapter 2

64 9 5
                                    

 Vui's Pov

"Vui pumunta ka sa hall may announcement dun", sigaw sa akin ng kalaro ko sa tennis. Agad agad naman akong pumunta doon at sinabi ngang bukas na nga kami mag uumpisa mag practice.

Pagkatapos ng aming klase ay sinabi ko agad kay mama ang sinabi kanina. "Ma may practice nga po pala kami bukas ng tennis para sa provincial meet" "Sige Vui gamitin mo yung palagi mong ginagamit na tennis racket jan", sabi sakin ni mama at simpleng tango at ngiti nalang ako nagawa ko.

Noong umaga na at papunta na ako sa aming paaralan dala dala ang aking racket ay parang gusto kong umatras sa pag practice. Nag umpisa na ang aming klase ngunit ang aking isip ay sa paparating na practice mamayang hapon.

At dumating na nga ang aming practice. Nag palit muna ako ng damit at nag stretching tapos inaayos ko na ang aking raketa.

Pagkatapos ng aming practice ay pinunasan ko agad ang mga tumatagaktak na pawis sa aking noo at nag palit na ng damit tsaka uminom na ng tubig.

Umuwi na agad ako pagkatapos ng aming practice at ginawa ang aking assignment. Maya maya ay pumasok ang aking kapatid na si Viv. "Ate pwede po bang magpaturo nito?"

Tinulungan ko naman agad siya at ipinaliwanag kung bakit ganun yung sagot. Bumaba na agad ako para makatulong kay mama sa pag handa ng hapunan.

After namin kumain ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Napatingala nalang ako sa mga glow in the dark na star sa aking kwarto. Napaisip ulit ako kung bakit ako sumali sa provincial meet.

Ayaw na ayaw ko na sumasali ako sa mga sports sa aming paaralan dahil dagdag gastos lang yun at ang importante sa akin ay ang makapag tapos ako pero sabi nila mahusay daw ako kaya palagi nila akong kinukuha.

Practical ako sa mga bagay bagay kasi gusto ko agad makatulong sa aking mga kapatid at siyempre sa aking pamilya. Ayaw ko palagi na umaasa nalang ako kina mama at papa. At sa susunod na taon ay senior highschool na ako pero hindi ko pa rin alam ang kukunin ko.

Hindi ko na pala namalayan na natulogan ako.

Araw araw ay pagod ako dahil sa klase at sa pag practice sa tennis. Minsan ay kulang ako sa tulog kasi ginagawa ko pa ang aking mga projects at tumutulong pa kay mama kasi sayang yung makukuha ko mula dun.

Pagkatapos ng ilang linggong pag eensayo ay dumating na yung araw kung kailan kami lalaban sa iba't ibang paaralan.

"Galingan mo anak ha? Sana manalo ka gamitin mo yung racket mo na palaging nanalo. Kaya mo yan Vui, magdasal ka muna bago maglaro love ka namin" sabi ni mama at yinakap niya ako pati ng mga kapatid ko.

"Dapat manalo ka sayang yung pagod mo at sayang yung oras Vui kung hindi ka mananalo" aniya ni papa at tango nalang ang nasagot ko.

Pagkatapos ko magpaalam ay pumunta na agad kami nina coach at iba pang kasali sa paaralan kung saan kami maglalaban.

"Kaya niyo yan always remember that do your best in every game, fighting guys!" paalala sa amin ni coach.

"Vui ikaw yung unang maglalaro ngayon" sabi  sakin ni coach. Kaya naman nag stretching agad ako at hinanda ang gagamitin na racket at equipments. Nag dasal din ako katulad ng sinabi ni mama.

Kaya mo yan Vui laro lang yan ipanalo mo ito maraming umaasa sayo na kaya mo tong ipanalo.

Nag umpisa na ang aming laro. Noong first game ay nanalo ako kasi grabe naman yung ginawa naming paghahanda para dito. Dumating na ang last game at sa hindi inaasahan ay may tumama na bola sa ulo ko. Napaupo ako ng wala sa oras dahil sa nangyari.

"Shi-it miss sor-ry it's not my inte-e-ntion to throw a ball to you" nag aalangang sabi niya. "Okay lang paupuin niyo nalang muna ako" sabi ko. Natulala pa ang lalake sa nangyari o sakin hehe hindi ko kasi alam chos.

"I'm sorry for wha-a-t happ-e-ened, sana walang masamang nangyari sa noo mo. I'm really sorry" nahihiyang sabi niya sabay dampi ng ice bag sa noo ko.

       :>

Deal With The Pain Of YesterdayWhere stories live. Discover now