Chapter 9

38 7 4
                                    

Vui's Pov

As the days passed by mas nakilala ko si Hyux. We're chatting always cause we want to know each other more. Wala naman akong ginawa nung summer. Minsan umaalis kami para mag staycation and mag bond ng family. Then I tutor my siblings para ready sila mag bukas klase.

Bumili kami ng mga kailangan namin sa school ng mga kapatid ko. Habang tumitingin ako ng mga notebooks ay may nahagip ang aking mga mata at nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na makikita ko dito si Hyux sa National Bookstore. Ang dami daming mall bat dito pa siya pumunta?! Ang layo nito sa kanila!!

Alam ko namang magkachat kami araw araw pero as a friend lng kasi maibibigay ko sa kanya. Nahihiya ako kasi puro siya banat sakin tas palagi niya ko lng pinapakilig at ang reply ko lang "ah okay", "aw sge" like anong connect dun sa sinabi niya?! Nakakahiya!

"Hi pretty!" sabi ni Hyux sabay kindat.

"Ay palaka" aniya ko dahil nagulat ako sa biglang pag salita niya kasi huli ko siyang nakita sa may pintuan tas andito na siya.

Galing, magic!

"Ouch ang sakit palaka na ba tingin mo sa'kin? Ang gwapo ko namang palaka." umaakto pa siyang nasaktan sa may puso.

"Ewan ko sayo. Ang corny mo." sabi ko sabay alis at hinanap ko na ang mga kapatid ko para makabayad at makaalis na kami.

Nakabayad na kami sa counter at naglalakad na kami ngayon palabas ng National Bookstore para hindi na ko kulitin ni Hyux nang bigla akong nadulas. Hinintay ko na tumama ang ulo ko sa sahig pero hindi.

Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang nag aalalang mukha ni Hyux.

"Are you okay?" sabi niya.

Nasalo niya pala ako kaya di tumama ulo ko sa sahig. Nabagok na sana ulo ko ngayon. Ang bilis naman gumalaw ni Hyux kasi hindi ko siya nakita kanina tas ngayon nandito na siya.

"Uh-hm yes." sabi ko habang nakangiti.

Tumayo na ako at ngayon ko lng nakita na may signage pala na bawal dumaan kasi madulas. Bat hindi ko yun nakita kanina? Kung saan na naman kasi lumilipad yung isip ko yan tuloy napahiya pa. P*ta ang tanga ko dun. Nakakahiya.

Mabuti na lang mga kapatid ko pinadala ko ng mga paper bags kung hindi baka nag kalat na yun dito at magpulot pa ko. Pero saan na pala ang mga kapatid ko? Linibot ko ang aking mga mata at ngayon ko lng narealize na ang daming tao at nakita ko ang mga kinikilig kong kapatid sa tabi.

Tumayo na agad ako at humiwalay kay Hyux.

"Thank you" nagmamadaling sabi ko at tsaka hinila na yong mga kapatid ko palayo doon.

"Ate bakit nagmamadali ka?" natatawang sabi ni Viv.

"Baka kasi yun yung nagbigay sa kanya ng bulaklak o baka may something." dagdag din ni Vienna.

"Ha? Anong pinagsasabi niyo ang bata bata niyo pa ganyan na iniisip niyo." aniya ko.

Tinawanan lang nila ako at inaya ko na silang kumain at pinili pa talaga nila sa instgramable place para daw mawala yung badtrip ko umoo nalang din ako at masaya sila dahil libre ko daw.

Habang kumakain kami ay kinukulit pa rin nila ako tungkol sa kanina.

"Kaibigan ko lang yun at focus lng ako sa pag aaral ko at bawal din ako mag jowa no." sabi ko sa kanila at nag nod lng din na parang sumasang ayon.

Napaisip nga ako dun. Ano nga ba kami? Friends? Special friends? Alam ko naman na umaamin siya sakin pero wala naman yung malisya. Ang caring niya lang talaga tas iba yung impact ng mga sinasabi niya sakin eh at iba niya ko tratuhin kesa sa mga magkaibigan lang. Pero baka normal lang talaga sa kanya yun, baka ganun lang talaga siya.

Umiling iling ako para ipaalala sa sarili ko na bawal ako magkajowa. Hindi magugustuhan nila mama at papa yun baka mapalayas lang nila ako. At magjojowa nalang ako kapag naging nurse na ko no.

Tawa ng tawa yung kapatid ko at huli ko na narealize na nasa mall pa rin pala kami. Todo iling pa naman ako kanina to the point na parang matatanggal na ulo ko para lng ipaniwala sa sarili ko na baka ganun lng talaga siya.

"Ate anong ginagawa mo? Para kang tanga." sabi ni Viv at tinatawanan lang naman ako ni Vienna.

Taksil talagang utak toh eh. Napapahiya tuloy ako. Huwag kasi palaging isipin si Hyux. Hindi ko naman siya inisip nag iisip lang kasi ako ng mga bagay-bagay.

Nagulat ako ng biglang may humigit ng upuan sa tabi ko. Tinignan ko kung sino ito and guess who? Si Hyux na naman. Sinusundan ba ako nito? Oo magkaibigan kami pero ayaw ko naman na maissuehan at first time ko kaya magkaroon ng lalakeng kaibigan baka kung ano pa sabihin nila.

"Can I seat here?" he said while looking at me and he was holding a tray with a cup of coffee and cake with it.

"There's no available seat na kasi. So if it's okay to join you?" tumingin pa siya sa mga kapatid ko.

Tinignan ko naman ang paligid at totoo nga yung sinabi niya na wala na ngang maupuan.

"Ah sure po kuya." sagot ni Viv at pinipigilan ni Vienna na tumawa.

Ay p*tcha di pa nga ako nakasalita eh. Nakatingin lang talaga ako sa mga kapatid ko at binigyan sila ng look na nagsasabi na "patay kayo sakin mamaya".

Pero nagtataka ako at wala pa ring umuupo sa tabi ko. Taka akong napatingin kay Hyux.

"Uhm bakit hindi ka pa umuupo?" tanong ko sa kanya.

"I need your answer if I can sit here." he said.

"Ah su-ure no problem." nautal pa ako kasi hindi ko inakala na hihintayin niya pa yung sagot ko.

Umupo na siya at habang kumakain siya ay bigla siyang nag salita.

"Baka akalain mo i'm following or stalking you ha? I'm not. This is my favorite place kasi and dito ako pumupunta every week." he said and continued eating. I nod in agreement with what he said.

I looked at my sisters and saw that they were laughing. Parang may pinag uusapan sila na hindi ako kasama dahil hindi kami magkakatabi. I saw they were done so I said goodbye to Hyux in respect of his presence.

"Hyux alis na kami." I said while smiling

"Oh okay. Ingat kayo." he said while waving his hand to us.

Nakaratating na kami sa may exit ng mall at naghihintay na may dumaan na taxi pero ibang sasakyan yung dumaan at huminto samin.

What the?! BMW kanino toh?! Baka naman may hinihintay lng toh dito. Nakita ko din ang mga gulat na mukha ng kapatid ko ng may huminto na bmw sa harapan namin parang numingning ang kanilang mga mata.

I turned around to look because maybe those inside were already waiting and it was forbidden to park in front of the mall but little by little the window went down and I saw who it was.

My jaw dropped when I see who was inside. The bmw is so expensive. That's how rich he is?!

"Get in. I'll take you guys home." he said while his one hand was on the steering wheel.

Deal With The Pain Of YesterdayWhere stories live. Discover now