Chapter 14

24 4 1
                                    

Vui's Pov

"Good morning class, please bring out one whole sheet of paper, and we will have our quiz," our teacher said and the whole class sighed. Well I don't care naman if our teacher will have a surprise quiz everyday, expected na 'yun.

Tapos na ang aming klase, puro tanong at pagsisisi ng mga classmate ko ang naririnig at nakikita ko. I've learn that we need to be ready everyday kasi hindi mo naman alam if may biglaan quiz bukas o recitation.

"Vui, tara na sa cafeteria," aya saakin ni Cole, I nodded. I'm looking for Hyux. While looking for him may bigla nalang umaakbay saakin at sabay sabing "Let's go to the cafeteria na. Baka hinahanap na tayo ni Cole," he said while grinning.

While walking I asked Hyux about his day. Nakarating na kami sa cafeteria at umupo na din kami, as usual inalalayan ako ni Hyux sa pag-upo.

"Ay, ano yan? May sakit ba yan para tulungan mo sa pag upo?" eksaharada na sabi ni Cole at natawa nalang kami ni Hyux sa pagkabitter niya.

"Hanapan mo nga toh ng jowa," sabi ko kay Hyux habang sinisiko.

"Tseh! Mag-order na nga tayo. Nagugutom na ako, ang tagal niyo!" inis na sabi ni Cole at napailing nalang kami sa kanya.

Sa tagal ng pagsasama namin ni Cole at Hyux, mas naging komportable kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung wala 'tong dalawang toh. Hindi ko kakayanin kapag nawala pa sila saakin. Alam ko namang hindi ako iiwanan ni Cole, pero sana hindi din ako iwanan ni Hyux.

Kumakain na kami ngayon habang nagkwekwentuhan kung ano ang gagawin namin after graduation. Napaisip ako bigla kasi balak kong sagutin si Hyux. Gusto kong akin na siya kahit kami lang munang tatlo ang makakaalam. Gusto ko muna maging masaya kahit ngayon lang. Sa kanya ko lang kasi naranasan 'yung kakaibang saya na hindi ko pa naramdaman.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na agad kami sa room. Sabay kaming tatlo umuwi at sinigurado muna ni Hyux na nakasakay ako ng maayos at makakauwi ng ligtas.

Nakapasok na ako ng bahay at hinanap ko agad si mama. Pagkatapos ay umaakyat na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit at para ayusin ang mga gamit ko. Bumaba muna ako para tulungan si mama sa pag-post ng mga products online.

"Ate, pwede pong paturo dito? Ang hirap po kasi ng Math at Science eh," aniya ni Viv at sinabi ko namang umaakyat kami sa kwarto nila.

"Vienna, tulungan mo muna doon si mama at baka maghahain na 'yun ng hapunan," tumangon naman si Vienna at ngumiti.

Inumpisahan ko nang turuan si Viv at ipinaliwanag sa kanya ang lahat para hindi naman siya umaasa samin ng mga sagot sa aralin. Gusto kong may matutunan siya pag dating ng araw.

"Ate?" mahinang tanong ni Viv
"Yes love?" malambing na tanong ko. Saglit lang ay bumukas na ang pinto pumasok si Vienna rito "Ate, kakain na po," sabi niya.
"Kayo na po ba ni Kuya Hyux? Nanliligaw po ba siya?" tanong ni Viv at nagulat kaming dalawa ni Vienna dahil hindi ko inaasahan ang tanong niya.

"Ah eh ano Viv kain na muna tayo." aniya ko "Oo nga Viv kain muna tayo kasi baka mapressure si Ate sa tanong mo." sabi ni Vienna na halatang ng aasar.

"Basta Ate tandaan mo, pag sinaktan ka niya kami bahala ni Ate Vienna sa kanya. Alam ko namang aalagaan ka ni Kuya Hyux eh. Kitang-kita naman namin na ang saya mo sa kanya at hindi ka niya pababayaan. Huwag kang mag-aalala hindi namin sasabihin kina Mama at Papa." sabi ni Viv sabay ngiti sakin.

"Halika nga kayo rito. Group hugg!! Love kayo ni Ate." sabi ko sabay yakap sa kanila. "Tara na kain na tayo" aniya ni Vienna.

Pag dating namin sa baba ay kumain na agad kami. Tinanong lang kami ni Mama at Papa kung kamusta ang araw namin at kung kamusta na ang pag-aaral.

Umaakyat na ako pagkatapos ng pag-uusap namin nina Mama at Papa. Nag-aral muna ako nang  may tumatawag mula sa aking cellphone. Napatigil ako sa ginagawa ko at sinagot ito.

"Hmm?" tanong ko
"Hi. What are you doing?" he asked
"Studying. How about you?" I asked back
"Thinking of you. Joke. Of course nag-aaral din at nag-papahinga ng konti."
"Hmm okay. Are u okay? How was your day?"
"Yeah. Why would I not be okay? My day is amazing everyday because of you." he said. I grinned, knowing that he's smiling on the other line.

We talked, until he asked me.
"Gusto ka mameet ng parents ko. Okay lang ba? Or I'll just show your picture to them?" he asked
"I want to meet them too, but i'm not ready." I said.
"It's okay. I understand. Whenever you're ready." Hyux said.

Natapos na ang tawag namin at napahiga nalang ako. Nakita ko pa na nagchat siya ng goodnight and have a good sleep. He's so sweet, genuine, kind, caring, and loving. He knows how to respect and wait for me. Hindi ko pa nararanasan na maging espesyal na ganito. Siya lang ang taong nagparamdam saakin na deserve ko ang mundo. Pero sasagutin ko ba siya magiging deserving ba ako sa kanya? Am I enough for him? He's so good to me and I don't know if I would be enough for him.

Mahal ko siya at hindi ko na siya kaya pang pakawalan. Alam kong bata palang kami at marami pang mangyayari pero kahit gano'n at least naging masaya ako at naranasan kong pahalagahan ng sobra. Ayos lang saakin kahit ito ang sakit ng kahapon na kailangan kong harapin.

Pagkatapos kong mag isip ng kung ano ay nag aral ulit ako at natulog na. Kinaumagahan ay maaga akong nagising para makatulong kay Mama sa paghain ng pagkain namin.

"Oh anak ang aga mo naman yata magising ngayon." sabi ni Mama

"Opo ma tutulungan po muna kita bago ako maligo." sabi ko at ngumiti siya.

Pagkatapos kong tulungan si Mama ay umaakyat na ako sa kwarto ko para maligo. Nung tawagin na ako ni Vienna para kumain ay bumaba na din agad ako.

"Oh mga anak mag ingat kayo ha?" sabi ni Mama sabay halik sa pisngi namin pagkatapos nun ay nag hiwa-hiwalay na kami ng mga kapatid ko dahil iba iba ang aming paaralan.

"Good morning pretty. How's your sleep?" Hyux greeted me while smiling and winking.

I'm so lucky with my suitor. He always makes my day. I cannot imagine a day without him, because I can see that he will be with me to deal with the pain of yesterday.

:>

Deal With The Pain Of YesterdayWhere stories live. Discover now