Chapter 11

29 3 0
                                    

Vui's Pov

Kumakain na kami ni Cole ngayon sa cafeteria. Habang kumakain kami ay nag kwekwentuhan na din kung anong mangyayari samin ngayong senior high na kami.

"Pero alam mo Vui hindi ko inaasahan na magiging classmate natin si Hyux." parang kinikilig na sabi ni Cole.

"Ah expected ko na yun palagi nalang yun sumusulpot kung saan-saan eh." aniya ko at natawa nalang din siya.

Pabalik na kami sa room ng bigla kaming hinarangan ni Hyux sa daan. Oh di ba palagi nalang sumusulpot?

"Umaalis ka nga malapit na magstart ang klase." naiinis na sabi ko sa kanya.

"Wait lang kasi the teacher told me na we'll go to the auditoriom daw because may program dun and there will be an attendance also." he said at sabay kaming pumunta dun.

Pagdating namin dun ay madami ng tao halos puno na ang mga upuan. Naghahanap kami ng mauupuan kaso wala kaming mahanap kaya nakatayo lang kami sa likod.

Nag umpisa na ang program at may attendance nga per grade and strand. Pagkatapos kong mag attendance ay binigay ko na din kay Hyux.

Habang nakikinig ako ay nakikita ko sa sulok ng aking mga mata na nakatingin sakin si Hyux. Bigla nalang niya kinausap ang katabi niyang lalake na nakaupo sa upuan.

"Can I borrow it? Baka napapagod na kasi itong kasama ko." aniya niya sa lalake at tumango naman yung lalake.

"Sit here." "Baka napapagod ka na kanina ka pa nakatayo diyan." he said.

Umupo naman ako kasi kanina pa ako napapagod kakatayo.

"Ay wow so ikaw may upuan paano naman ako?" pang aasar ni Cole at inirapan ko nalang siya kaya natawa siya sa reaksyon ko.

Wala namang malisya yun ah. Caring lang kaya yung tao.

Tapos na ang program at umuwi na din kami ni Cole. Pagdating ko sa bahay ay umaakyat muna ako sa kwarto ko at nagpalit at tumulong na kay mama.

"Ay naku anak nandito ka na pala. Kamusta naman ang araw mo?" tanong ni mama sakin.

"Okay naman ma masaya." aniya ko kay mama ng nakangiti.

"Mabuti yan anak mag aral ka ng mabuti at wag mong pababayaan ang pag-aaral mo." paalala ni mama sakin.

"Opo mama at tutulong pa din po ako sa inyo para extra income. Dapat malaki kita ko dito mama ha?" pangungulit ko kay mama at natawa nalang din siya.

Tapos na kaming kumain at ngayon ay liligpitin ko ang aming mga pinagkainan kanina. Habang papaakyat na ako sa aking kwarto ay bigla akong tinawag ni Viv.

"Ate tulungan niyo po ko sa math ko please." pagmamakaawa ni Viv sakin. Paano ko naman siya tatanggihan eh ang cute cute niya?

Pagkatapos ko tulungan si Viv ay pumunta naman ako sa kwarto ko para mag aral. Kinuha ko muna ang phone ko at chineck baka may binigay na requirements ang aming teachers.

Pero iba ang nakita ko at hindi gc namin kundi chat na naman ni Hyux. Ang kulit talaga nitong lalake na toh? Hindi ba toh nag sasawa sakin? Makahanap na sana siya ng babae na para sa kanya ako kinukulit eh.

I open his chat.

Hyux: Hi, how's ur day?

Me: It's okay naman pero ang kulit mo at pasulpot-sulpot ka nalang.

Hyux: Haha i'm sorry it's my hobby na yata.

Natawa ako sa chat niya kasi inamin niya din naman na palagi siyang pasulpot-sulpot.

Me: And thank you.

Hyux: Huh? Why?

Me: Nung binigyan mo ako ng upuan, thank you ulit!

Hyux: No worries. I'll do everything for you😉.

Me: Ang harot. Sige na mag stustudy na ko. Goodnight!

Hyux: Haha sayo lang po maharot. Don't stress yourself and sleep early. Take care and goodnight.

I smiled at his response. And I've noticed that we have been very close to each other. I didn't expect it, I don't like boys. I don't know but pinanganak na yata akong may sama ng loob sa mga lalaki. Hyux is just a friend, and kahit na nagconfess siya saakin, I didn't feel the awkwardness.

I like him naman as a friend or more than na, siguro? Ayaw ko lang talaga siguro aminin kasi strict yung parents ko and I don't have time for that.

Napailing na lang ako sa naisip ko at ngumiti cause everything now is perfect. I'm happy and we're all happy.

Araw-araw ay sabay na kaming tatlong kumakain sa cafeteria. Sabay sabay din kaming nag aaral at nag rereview. Ang bilis naman ng panahon at ngayon ay 1st quarter exam na namin.

Nagreview ako ng mabuti kagabi. Rineview ko lahat na kahit wala sa reviewers ay inaral ko pa rin kasi minsan nag dadagdag sila ng mga exam na wala sa reviewers.

Pagkatapos ng aming exam ay dumiretso na kami sa cafeteria. I know that I did my best and I'm happy kasi lahat ng review ko andun. Finally tapos na din. Worth it lahat ng pagod at walang tulog ko.

Nag uusap na kami ngayon tungkol sa exam namin kanina.

"Perfect na ni Vui yan." aniya ni Cole kay Hyux.

"Yeah I saw how she studied hard for that." Hyux said while smiling.

I smiled at he said. I'm glad na nakikita nila yung paghihirap at hardwork ko sa pag aaral. Pero minsan mapapaisip ka nalang na porket matalino ka o achiever ka dapat perfect mo na din exam mo.

Paano naman if hindi mo maperfect? Ipagmamalaki ka pa din ba nila? Magiging proud pa din ba sila sayo?

Napabalik nalang ako sa sarili ko ng inaya kami ni Hyux na pumunta sa isang cafeteria para daw makapagrelax din kami. Nag order lang kami at nag usap-usap para mas maging close pa kami tatlo sa isa't isa.

After that we went home. I sleep muna kasi this day is so tiring but happy also. Nagising na lang ako ng kumatok ang kapatid ko.

"Ate kain na daw tayo sabi ni mama." aniya ni Vienna. I nod at her and smile.

Habang nasa hapagkainan kami ay nag kwekwentuhan lang kami tungkol sa araw namin ngayon.

"Kamusta yung exam mo ngayon Vui?" tanong ni papa.

"Okay naman pa." sagot ko

"Umaasa akong mataas o kaya perfect mo ang exam niyo. Huwag mo kong bibiguin." sabi ni papa and I nod.

"Huwag mo namang ipressure ang bata. I know that you did your best." sabi ni mama sakin.

Bumalik na ako sa kwarto dahil si Vienna na daw ang magliligpit. Naapektuhan na naman ako sa sinabi ni papa.

"Pressure" isang salita lang pero malaki yung impact sakin.
Every day is a pressure for me because of my papa and family also. I don't want to disappoint him or them.

:>

Deal With The Pain Of YesterdayWhere stories live. Discover now