Chapter 10

28 6 0
                                    

"Ah eh ano wag na Hyux." nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Bilis na ang dami ng tao na naghihintay ng taxi oh." he said kaya tinignan ko if totoo nga ang sinasabi niya.

And it's true nga nakakahiya pa naman sa kanila. Nakakaistorbo kami dito. May pa hatid-hatid pa kasing nalalaman si Hyux.

"Miss sumakay ka na bilisan mo nakakasagabal na kayo sa daan." inis na sabi ng isang manong.

Kaya kahit labag man sa kalooban ko dahil baka mapagalitan kami ni mama at papa pinasakay ko pa rin ang mga kapatid ko sa likod at sasakay na sana ako sa likod ng biglang mag salita si Hyux.

"Sit here in front. The seat is available here, I'm also available and it's already crowded there." he said while hiding his smile.

Ha? Bat may pa ganun? Akala niya siguro hindi ko narinig. Alam ko namang available siya di na niya kailangan sabihin yun. Available din ako eh.

"A-ah sige." at umupo na nga ako sa tabi niya.

Habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa daanan. Hindi ko naman iniiwasan yung tingin ni Hyux pero ramdam ko lng talaga yung mga titig niya sakin. O baka assuming lang ako?

Kanina pa siya nag papamusic ng bigla kong marinig kung ano na yung music na tumutugtog. BMW na nga yung sasakyan pati ba naman music?! Mas ikakagwapo niya pa yun pwede na nga maging sugar daddy charot. Ang harot ko baka wala na kong mauwian na bahay nito.

I looked at him and he was looking down the road. I saw him simply bite his lip and smile and his one hand was on the steering wheel. Omg, why your so handsome? Can you stop being handsome for a while? Hindi ko kasi kinakaya eh baka mahimatay nalang ako bigla dito.

Iniwas ko na ang aking paningin sa kaniya dahil baka mahuli niya pa ako na nakatitig sa kanya. Tinitignan ko lang naman kasi kung bagay sa kanya yung sasakyan na ito at oo nga bagay na bagay sa kanya este okay naman.

"Uhm this car isn't mine. Kay daddy ito pinagamit niya lang sa akin." he said then I nod as a response.

After a while he asked if saan niya kami ihahatid. Sinabi ko na sa kanto nalang at baka mapalayas ako sa bahay ng wala sa oras. Hindi pa naman ako prepared para dun. Siyempre joke lang yun na sinabi ko sa kanya nakakahiya naman if sinabi ko nga. Sinabi ko nalang para hindi na siya mahirapan pa.

"Thank you sa paghatid samin. Baka nakaabala pa kami sayo." nahihiyang sabi ko.

"No worries and you're not a disturbance." he said then winked.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa bahay at kinukulit na naman nila ako. Sinabihan ko na din sila na huwag nila sabihin kina mama at papa na may guy friend ako dahil grabe pa naman sila magalit. Sinabi ko din na if sasabihin nila kay mama at papa hindi ko na sila ililibre.

Hindi naman na sila mama nagtanong at binilhan din namin sila kanina ng pagkain. Nakadating na ako sa kwarto ko at  nagpahinga lng ako.

Pagkagising ko ay tinatawag na nila ako para kumain sa ibaba.

"Kamusta naman inyong lakad kanina?" tanong ni mama samin.

"Okay naman ma. Masaya nga po linibre po kasi kami ni ate kanina." sabi ni Viv.

Bakit parang iba yung nais niyang ipahiwatig? O ako lang nag iisip nun? Nakita kong nagpipigil sila dalawa ng tawa dahil siguro sa naging reaction ko.

"Ah that's good pero wag kayo masyado magpalibre at baka maubusan ng pera yang ate niyo at walang mapaipangdate." biro at natatawang sabi ni mama.

Alam ko namang biro iyon pero nabilaukan pa rin ako. Inabutan agad ako ni Vienna ng tubig at hindi na nakapagpigil tumawa na din sila.

"Bawal ka pa mag jowa Vui di ba? Mag focus ka muna sa pag aaral mo at huwag ka din mag tago ng sikreto samin." sabi naman ni papa.

"Opo pa wala pa din naman po akong balak." sabi ko agad sakanya.

"Di naman mabiro tong asawa ko." malambing na sabi ni mama kay papa.

Tapos na kaming kumain at umaakyat na
ako para maayos yung mga gamit ko.

________

Ngayon naman ay pupunta kami sa school kung saan kami mag aaral ng senior high. Kasama ko nga pala si Cole na mag enroll ngayon.

Pumipila na kami ni Cole ngayon para makapag lista. Nang biglang may bumunggo sakin.

"Sorry Miss nagmamadali lang ako." sabi niya.

"It's okay tumingin ka lng sa dinadaanan mo sa susunod." sabi ko at tinignan ko siya.

"Oh so you will study here? I didn't know na dito ka din pala mag aaral." sabi ni Hyux sakin at siya pala nakabunggo sakin.

Nagtaka ako kung bakit nandito din siya pero hindi ko nalang din yun insip.

"Ah yeah." sabi ko at nagpaalam din siya kasi nagmamadali nga talaga siya.

"Vui! Ang daming pogi dito!" sabi ni Cole.

Wala na atang magagawa dito si Cole at manghunting lang ng lalaki. Inaya ko na umuwi si Cole dahil tapos na din naman kami mag-enroll.

_________

Ngayon na nga ang first day of class namin. Sabay kaming pumasok ni Cole ngayon dahil hindi namin alam kung saan yung room namin at baka maligaw pa kami. At oo same strand din kinuha ni Cole bale stem kami dalawa, wala din naman siyang pakelam sa course niya.

"Magtanong nga tayo kung saan banda yung room ng stem." sabi ko kay Cole.

Bago pa man kami makapagtanong kahit kanino ay may sumagot na sa tanong ko.

"Yung room ng stem ay diretso lng kayo tas lumiko kayo sa may left at makikita niyo rin yan. Samahan ko na kayo." aniya niya.

Huli ko na nalaman na si Hyux pala yun. Pero bakit nandito din siya? Dito din ba siya mag aaral? Nakita niya siguro sa mukha ko yung pagtataka kaya nag salita siya.

"Yes dito din ako nag aaral and i'm from stem also." sabi niya at naglakad na.

"Tara na Vui baka malate pa tayo." sabi ni Cole sakin.

Sumunod na kami kay Hyux at nakarating na din kami sa room namin. Ang tahimik naman dito pero may nakikipag usap pa rin naman.

Nagulat ako ng may biglang umupo sa tabi ko.

"We're classmates." Hyux said while smiling.

Nag umpisa na ang klase namin at wala din namang maraming nangyari nag introduce yourself lang at sinabi yung mga kailangan naming gawin.

Noong ako na ang magpapakilala ay kinabahan ako. Hindi ko alam if dahil maraming tao or dahil sa presence ni Hyux pero sa pagkakaalam ko hindi ako kinakabahan sa maraming tao dahil sanay na akong sumabak sa mga contest.

I went in front and I introduce myself to everyone.

"Hi i'm Vui Louisiana Gastrell but you can call me Vui. I'm a transferee and achiever also." I smiled at them.

Hindi naman kasi ako prepared para dito pero gusto ko lng malaman nila na palaban ako. Nung tapos na ako magpakilala yung katabi ko naman yung nagpakilala.

"Hello everyone i'm Hyux Quervo. I'm hoping that you know me na since i'm not a transferre." sabi niya at nagpakawala ng nakakalokong tawa at nagsigawan ang mga kaklase ko.

"How old are you Mr.Quervo?" tanong ng professor namin.

"Hindi naman tinanong yan kanina mam ah? Pero i'm one." takang tanong ng professor namin.

"Cause mam i'm the one for her." sabi niya habang nakaturo sa akin.

:>

Deal With The Pain Of YesterdayWhere stories live. Discover now