Averie's PoV
Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hinila kaya napahiga nalang ulit ako.
"Dito ka na matulog." Sabi niya at niyakap ako.
"Akala ko ba may ipapanood ka saakin?" Inaantok na tanong ko.
"Bukas nalang, wala namang pasok eh." Sabi niya.
"Oo nga pala." Sabi ko.
"Di kaba sasama kay Dad." Tanong ko.
"Hapon nalang ako pupunta." Sabi niya at mas hinigpitan ang yakap saakin.
Kaya niyakap ko din siya pabalik. Bakit parang ang lakas ng tibok ng puso ko.
Siniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya feeling ko tuloy ang init ng pisnge ko di ko tuloy maiwasang ngumiti.
"Good night Vhonn." Sabi ko sakanya.
"Good night my Angel." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.
Di ko nalang siya pinansin at ipinikit ko nalang ang beautiful eyes ko.
First time na naman ulit naman mag katabi.
"Averie, gising na." Sabi ni Vhonn.
"Hysst, antok pa ako." Inaantok na sabi ko.
"Wala na sina mommy at daddy, kaya ako nagluto baka magustuhan mo." Sabi niya.
"Sige na nga." Sabi ko at bumangon sa kama niya.
"Kunyari napipilitan no." Sabi niya.
"Oo na." Masungit na sabi ko.
"Dahil sa sinabi mo ako mag-aayos ng pinagtulugan mo." Nakangiting sabi niya.
"Pinagtulugan natin, may payakap yakap kapa saakin. Yawa ka." Inaantok parin ako.
Nang matapos na siya sa pag-aayos ng hinigaan namin, agad niya akong inakbayan..
Bahala siya jan, inaantok pa ako pinipilit ko lang bumaba.
Nakahawak naman siya sa baywang ko.
Parang inaalalayan niya ako.
"Gusto mo ng coffe?" Tanong niya.
"Oo, pleaseee." Sabi ko.
"Wait ka lang dito, wag kang matutulog kukuha lang ako ng kakainin natin at magtimpla lang ako ng coffe." Sabi niya.
"Okay." Sabi ko.
Feeling ko napuyat ata ako kagabi. Antagal niya kasi eh at isa pa amoy alak siya kagabi pero mabango parin.
Pumunta kasi sila Keiren dito, doon daw sila sa labas uminom. Broken daw si kuya Calvin eh. Buti nalang di sinama si Xyron. Nag-aalala kaya ako sakanya.
Karma niya yan. Basted daw eh.
Gusto ko sana siyang asarin kaso pinag hugas agad ako ni Kuya.
Tsk.
"Ito na coffe mo." Sabi niya.
"Salamat, sino nag basted kay Kuya Calvin?" Tumatawang tanong ko.
"Si Delainy." Sabi niya.
"What? Kakatransfer niya lang ah." Tanong ko
"Matagal na silang magkakilala, nag tra-trabaho si Delainy kay Calvin." Sabi niya.
"Anong Delainy ka jan mas matanda siya sayo." Sabi ko.
"Oo na, kumain na tayo." Sabi niya at pinagsandok niya ako.
•
"Masarap." Natatawang sabi ko.
"Alam ko." Sabi niya sabsy kindat.
"Mayabang ka, mas masarap parin luto ko. Natamad lang ako." Sabi ko.
"Oo na." Napipilitan na sabi niya.
"Alam mo talaga favorite ko no?" Tanong ko.
"Syempre naman." Sabi niya.
"Ako na maghuhugas." Sabi ko.
"Okay, pupunta pala sila Xyron at Calider at ni Zyrix dito.
"Talaga, mag chichikahan kami ng Little Brother ko." Nakangiting sabi ko.
"Tsk." Sabi niya at inirapan ako.
"Ang cute kaya ni Xyron, dalawang dimple niya kapag ngumiti." Natutuwang sabi ko.
"Ewan ko sayo kapag pinatulan mo yun kakasuhan kita ng Child abuse, dapat akin kalang." Sabi niya.
"Akin sarili ko bro, at isa pa naniniwala kaba sa Past life?" Tanong ko.
"Hindi, di naman yun totoo eh." Sabi niya.
Napailing iling nalang ako, naalala ko pa noon yung past life ko pero hindi lahat.
"Totoo yun, alam mo ba na kapatid ko noon sa kabilang buhay ay si Xyron." Sabi ko.
"Tsk! Kaya pala favorite mo siya kaysa sa lima." Sabi niya.
"Syempre, mas mabait siya eh. yung lima ewan ko kung anong trip sa buhay." Sabi ko.
"Pero ikaw Vhonn mahal kita." Sabi ko.
Agad naman siyang nag-iwas ng tingin tapos namula ang dalawang pisnge niya.
Ang cute, bat kaya kapag sinasabi ko yun namumula siya. Maulit pa nga.
"Vhonn, saranghaeyo, mahal kita, i love you, ay ayaten ka." Nakangiting sabi ko habang siya hindi makatingin saakin ng maayos mas lalong namula ang mukha niya, pati na ang tenga namumula hehe. Inggit tuloy ako.
"Timothy, may lagnat kaba bat namumula face mo?" Tanong ko sakanya.
"Ah wala nakakakilig kasi sinabi mo eh." Sabi niya.
"Mas mahal naman kita kaysa kay Xyron eh, mas cute ka kaya sakanya kapag namumula ka." Sabi ko.
"Hindi na pala ako matutuloy mamaya sa office, nag text si Dad secretary niya nalang daw muna bahala." Sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya.
"Talaga, yiee samahan mo ako mamaya pipili tayo ng doll sa kwarto ko bibigyan ko sila, para mabawasan naman yung doll ko." Sabi ko.
"Ayaw nila ng doll di naman sila babae." Sabi niya.
"Idi kapag ayaw nila, hindi sila makakapasok sa mansion na to." Sabi ko.
"Kahit si Xyron pa?" Tanong niya.
"Syempre." Sabi ko.
"Eh paano kapag ako?" Tanong niya.
"Sainyo itong mansion syempre papasukin kita, pero wala kang Morning kiss sa umaga, wala ka ding hug, at di rin kita papansinin." Sabi ko.
"Para sa doll lang ganon na agad, nasaan ang hustisya." Mahinang bulong niya.
Baliw na ata siya, kinakausap niya sarili niya.
#Creepy ni Vhonn.
#KrazyVhonn____
Don't forget to vote, comment, and share.
YOU ARE READING
The Long Lost Daughter Of Mafia queen
Ngẫu nhiênAverie Celene Meller the long lost dauther of Samantha Icey Marindoque and Brayden Ivan Meller. Noong kakaanak palang siya ay kinuha na agad siya siya ni Veronica ang ex ng kanyang amang si Ivan. Nasaktan si Samantha pero kailangan niyang sabihin na...