Akisha Pain's Meller's PoV
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko.
Minilat ko ang mata ko at nakita ko si Spencer at si Sara na naglalaro ng ml.
Agad akong bumangon kaya agad silang napatingin saakin.
"Hoy ate magpahinga ka pa daw muna sabi ng doctor. Bukas uuwi na tayo sa bahay." Sabi ni Spencer.
"Ate may chika ako sayo." Sabi ni Sara.
"Ano yun?" Tanong ko at bumalik sa pagkakahiga.
"Alam na ni mommy at daddy na buntis ka." Sabi ni Sara.
"Tsismosa ka talaga, malamang imamaritis din yun ni mama sa mga kaibigan niya." Sabi ko.
"Hindi ako ang nagsabi si Kuya." Sabi ni Sara.
"Sabi ni Daddy magpakasal daw kayo." Sabi ni Spencer.
"Okay." Bored na sabi ko, oo magpapakasal kami pero hindi ibig sabihin non papatawarin ko siya.
Iniisip ko lang ang anak ko, nasasaktan parin ako ngayon hindi ko muna siya kayang patawarin ngayon kasi masakit eh hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin yun.
"Pumunta dito kanina si Kuya Vhonn." Kwento ni Sara.
"Tsk! Anong ginawa mo?" Tanong ko.
"Dahil bad girl ako pinaalis ko." Nakangiting sabi niya.
"Si Ate Akinna pala magsusundo saatin bukas sa airport." Sabi na naman niya.
"Ah~~~."
"Sinong nag tanong lahat nalang kwene-kwento muna eh, ate matulog kana ulit." Sabi ni Spencer.
"Sabatero ka talaga alam mong nag uusap kami eh." Sabi naman ni Sara.
"Nagugutom kana ate?" Tanong ni Spencer.
"Bukas nalang kumain naman ako kanina pabili nalang ng mga prutas, isang supot ng presto at dalawang malaking royal." Sabi ko.
"Sige ate at ikaw naman Sara bantayan mo ang ate mo." Sabi ni Spencer.
"Opo." Sabi niya.
"Good." Sabi ni Spencer at naglakad palayo.
"Hysst salamat nakaalis narin yun." Sabi niya at nakitabi saakin at humiga.
"May problema ba?" Tanong ko.
"Ate bakit ganito?" Tanong niya.
"Huh?" Takang tanong ko.
"Bakit kahit lagi akong niluluko ni Jyrus mahal ko parin siya." Sabi ni Sara.
"Sara." Sabi ko at inaayos ang buhok niyang nakaharang sa isang mata niya.
"Kung talagang mahal ka niya, hindi ka niya lulukohin. Malay mo may lalaking nakatadhana pala sayo." Sabi ko.
"Sara, bata ka palang 14 ka palang at isa pa bata ka pa. Oo hindi mahigpit sina mama at papa pero alam mo bang laging may nagbabantay sayo kaya kahit anong galaw niyo ligtas kayo mahal tayo nina mama." Nakangiting sabi ko.
"At isa pa Sara. Malay mo sa 16 mo makikilala ang trolab mo." Sabi ko.
´
"Ate naman eh." Nakangusong sabi niya."Si Skyla may jowa na ba yun 12 years palang yun haha." Natatawang sabi ko.
"Never na atang magkakajowa yun." Sabi niya.
"Kaya nga." Pag sang ayon ko.
"Si Ate Saphira kamusta kaya siya?" Sabi niya.
"Ewan ko." Sabi ko.
YOU ARE READING
The Long Lost Daughter Of Mafia queen
De TodoAverie Celene Meller the long lost dauther of Samantha Icey Marindoque and Brayden Ivan Meller. Noong kakaanak palang siya ay kinuha na agad siya siya ni Veronica ang ex ng kanyang amang si Ivan. Nasaktan si Samantha pero kailangan niyang sabihin na...