Chapter 12

8 0 0
                                        

Sandra's POV

Ng matapos kaming mag usap ay nag aya siyang kumain. 

"Talaga? Luto mo ito?" Manghang tanong ko dahil sobrang sarap. 

"Oo,  baket mahilig ka ba sa Adobo?"

"Adobo is my favorite!  At heto,  sobrang sarap." sabi ko at pinag patuloy ang pagkain.  Habang siya naman ay naka titig lang saken. Kaya nag taas ako ng kilay at pinunasan ang bibig ko baka kasi may dumi kaya ganon siya maka tingin.  Lalo akong nag taka ng tumawa siya.

"Ang takaw mo pala e no kaya pala ganyan kalaki pisngi mo" Sabi niya. Kaya sumama ang tingin ko.

"Anong mataba?" naiinis kong tanong at hinawakan niya ang pisngi ko at kinurot na parang gigil na gigil.

Ng matapos na kami kumain ay niligpit na namin ang mga pinagkainan. 

"Ako na mag huhugas" sabi ko,  kahit di naman ako marunong ay nakaka hiya naman kung siya parin ang gagawa.

"Marunong ka ba?  E mukang di ka gumagawa ng mga ganyang bagay sa bahay niyo"

"Don't  underestimate me mister" Pag yayabang ko na sa totoo lang di ko alam ang sisimulan.

Naka titig lang siya saken habang sinisimulan ko na hugasan.  Inuna kong hugasan ang plato since yun ang pinaka malaki.

"Mali,  unahin mo ang mga kutsara sunod ang baso at plato at ang huli ay ang mga ginamit sa pag luto" Ginawa ko ang sinabi niya at medyo nastress ako sa kawaling puno ng cebo.  Sobrang diring diri ako kaya lalong tumatawa ang katabi ko. 

"Ako na"

"No,  I can.  Let me finish this" Seryoso kong sabi. Seryoso kong kinukuskos ang kawali ng maramdaman kong pag dampi ng panyo sa noo ko para  punasan ang pawis ko.  Bigla akong napatigil at tumingin sa kanya.

Nagka titigan kami at unti unting lumapit muka niya sa akin,  unti unti akong napapikit.

"Pinatay ko lang yung tubig.  Masyado kasing magastos kung nag sasabon ka patayin mo" Sabi niya.  Sobrang napahiya ako kaya sa inis ko ay di ko na tinapos ang pag huhugas at sinabihan siya na siya nalang tutal mahilig siyang mang inis.

Habang tinatapos niya ang hugasin ay nag isip at nag search ako kung saan ba puwede mag apply. Pero wala akong mahanap.

"hays"

"Baket? Anong problema?" Tanong niya pag tapos mag hugas.

"Nag iisip ako kung saan ba puwede mag apply"

"Tara sama ka saken,  may naisip ako na puwede mong pasukan"

"Don't tell me dun ulit... "

" Hindi. Alam kong nagkamali ako na dun kita dinala noon"

"Then where?"

"Basta tara na"

"Wait,  now?  Wala pa akong ayos baka di nila ako magustuhan" sabi ko dahil naka tshirt at short ako and worst panlalaki pa dahil sa nangyari kagabi.

"Kahit naman anong suot mo,  sobrang ganda mo padin kaya wag kang mag alala magugustuhan ka nila"

"But im wearing boxers" Napa smirk siya at tinignan ang boxers na suot ko.  Kaya naningkit ang mata ko. Pumasok siya sa kuwarto at may kinuha.

"oh heto nalang suotin mo" may inabot siyang maong short na panlalaki.  Agad naman akong nag palit.

"Ano, ok ba? " tanong ko.

" Di ko alam na lahat pala babagay sayo kasi kung iba mag susuot mag mumukang jologs"

"Well,  iba talaga ang ganda ko.  Unique"

Fight for herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon