Sandra's POV
Ilang araw na naka lipas mag mula ng pumasok ako sa isdaan ni Nayla. Unti unti na akong natututo at sobrang nakaka tuwa dahil sobrang friendly nila.
"Grabe di parin ba gumagaling sugat mo? Ilang araw na yan ah ano ba kasi nangyari sayo non" Pangungulit ko kay Nick habang ginagamot ang mga sugat. Ilang araw ko na to ginagawa pano ba naman sobrang daming sugat sa muka at katawan kaya every time na sinusundo niya ako ay ginagamot ko muna mga sugat niya sa bahay nila ninang.
"Nasemplang nga ako, paulit ulit" sabi niya.
"Kung semplang e bat walang gasgas ang motor" Pinag cross ko ang mga braso ko at tinaasan siya ng kilay waiting for his response.
"Kasi di naman malala"
"Hindi malala pero ang dami mong sugat na hanggang ngayon sariwa pa"
"Sobra ka naman kung mag alala, kinikilig tuloy ako" Namula ako sa sinabi niya at siya naman ay naka ngiti habang naka tingin sakin. Hanggang ngayon pala isipan parin saken kung ano ba kami. Maha ko siya at nararamdaman ko din naman na mahal niya din ako kahit pa lasing siya nung mga oras na nasabi niya yon.
Pag tapos linisan ang sugat ay nag punta na kami sa palengke at iniwan na niya ako don para pumasok sa trabaho niya.
"San mamaya invite sana kita sa bahay" Sabi ni Yumi habang ako naman ay nag lilinis at nag tatanggal ng kaiskis.
"Bakit, ano meron?"
"Birthday ko ngayon, magpapakain ako sa lalaki este sa inyo" Natawa ako sa sinabi ni Yumi.
"Bastos ka, anyway happy birthday. Hindi ko pa sure kung papayagan ba ako ni Ni—"
"Di naman kayo mag jowa, so di mo kailangan magpaalam sa kanya, tsaka para rin makilala mo mga kaibigan ko para rin marami kang makilala dito at baka isa na sa kanila ang magiging boyfriend mo" Dahil sa pangungulit ni Yumi ay napapayag niya ako. Nag text ako kay Nick at sinabi na baka gabihin ako dahil pumunta ako kaila Yumi. Di ko na hinantay ang text back niya at nag punta na kami sa bahay niya matapos ang trabaho namin.
Simple lang ang bahay ni Yumi at tahimik lang sa loob dahil narin sa walang tao bukod sa amin.
"Asan magulang mo?" Biglang lumungkot ang awra niya. "Im sorry for asking you that. You don't have to answer"
"Namatay na sila 8 years ago na, ngayon ang kasama ko nalang ay ang kuya ko na nag tatrabaho sa ibang lugar at umuuwi lang dito pag weekends" Sagot niya.
"Wow, hanga ako sayo dahil you can live by yourself"
"Mahirap. Pero wala naman akong magagawa. Tsaka kahit ganon, yung kuya ko sobrang maalaga at lahat ng pangangailangan ko ay tinutugunan pero ayaw ko umasa lang sa kanya kaya kahit nag aaral pa ako ay pinag sasabay ko yun at ang pag pasok sa tindahan at alam mo ba last summer ay graduate na ako sa 2 year college course" Masayang sabi niya. Napangiti ako at bigla ko ulit naalala ang pag aaral ko. Tinigil ko nalang bigla. Sobrang nakakapang hinayang pero ayaw ko mag stay sa set up na gusto nina mommy and daddy. Hindi ko afford ang ganong klase ng lalaki at baka maaga akong mamatay pag pinilit pa nila.
"Then what are your plans now?"
"Nag aapply ako sa iba't ibang company at sasabak na rin ako sa interview next week pero pinaka gusto ko ay ang makapag abroad para rin matulungan ko si kuya magpatayo ng business"
"Sobrang sipag mo at nakaka tuwa, it's such an inspirstion"
"Baket ikaw San, ano bang gusto mo at plano mo?"

BINABASA MO ANG
Fight for her
Romans"I will fight for you, kahit ikamamatay ko pa" -Nick A story about love and sacrifice A story about Rich girl and Poor boy, Isang babaeng suplada, maldita, mata pobre at maarte at isang lalaking simple, gangster, mahilig sa gulo at dukha. Kumplik...