chapter 5

4 0 0
                                    

Nick POV

"oh apo napa dalaw ka" naka ngiting salubong saken ni nay habang nag titinda ng isda

"wala akong pasok ngayon nay, kaya naisipan kong dumalaw dito" 

"kamusta na kuya?" Tanong ni Kim saken, ang isa pang ampon ni nanay. Mabait at close kami ni Kim. Mas bata siya saken ng 4 na taon. Ni isa sa kanila walang nakaka alam sa kung anong pinasok ko.

"ok naman, kayo ba?"

"nako apo tong si Kim puro pambababae ang inaatupag" pang aasar ni nanay kay Kim. Habang nag hahasang ng isda.

"Nay naman! Nag aaral naman ako ng maayos at di lang puro babae inaatupag ko" depensa naman ni Kim. Napangiti lang ako sa kanila.

"Hoy Kim mag aral ka ng maayos at wag puro babae ang isipin mo ng maka ahon tayo sa hirap" sagot ko at tumango si Kim bilang pag sangayon.

Mga isang oras din akong tumambay doon at nakipag usap kayla nanay bago ako umalis

"Nay heto pang dagdag sa gastos niyo ni Kim at pang baon niya din sa school" sabi ko at tuluyan nang umalis. Di ko na inantay ang sagot ni nanay kasi alam ko na di niya yon tatanggapin.

"Hello Nick" May isang boses akong narinig sa di kalayuan at pag tingin ko sa likod ay si Fiona pala. Ang ex ko.

"oh hello"

"tagal na natin di nag kita, nakaka gulat at napadaan ka dito"

" oo dinalaw ko kasi si nanay"

"ah kaya pala. Ano naman pinagkaka abalahan mo ngayon. Parang di na ren kita nakikita dito e"

"malayo na kasi yung pinapasukan ko na construction site kaya bihira nalang din ako maka dalaw dito, ikaw ba?"

" ganon ba, dito paren ako sa tindahan ni tita. Mahirap kase malayo at ok naman pasahod nila saken dito"

"ahh sige Fiona una nako may lakad pa kase ako"

"Sige Nick, pag gusto mo ng kausap andito lang ako sa tindahan. At kung wala ka naman magawa baka puwede tayong kumain sa labas tulad ng dati"

"Fiona, tapos na tayo, kung ano man ang ginagawa naten dati, dati nalang yon. Sige na mag iingat ka palagi"

Mag high school jowa kami ni Fiona. Nag tagal ang relasyon namen at tulad ng ibang teen ager ay ganon din kami. Mabait si Fiona at masipag pero yung namagitan samen dati ay puppy love lang. Oo minahal ko naman siya pero tapos na yon at dati pa yon, bago pa ako pumasok sa karumal dumal na trabaho. Kaya kami nag hiwalay ay tulad din ng sa iba masyado nang toxic.

"ah ok fine, but we can still be friends, right?"

"Ok sige, mauuna nako" Sabi ko at umalis na. 

Di ko alam kung san ako pupunta pero napadpad nalang ako sa harap ng simbahan. Matagal na din ng di ako nakakapasok sa simbahan sana naman di ako masunog. Naniniwala ako na may Panginoon at naniniwala ako sa kaniya. Pero naniniwala rin ako na ang isang tao na masama at di naman nakatutulong sa kapwa ay dapat umalis na sa mundong ito.

Lumuhod ako at nag sorry sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan lalo na ang pananakit ng ibang tao, na kung minsan ay nauuwi sa  patayan. Nakokonsensya ako pero wala naman nakong magagawa kundi sumunod nalang sakung anong pinasok ko dahil may batas kami na "once na sumali ka, ay bawal ka ng umalis" kasi pag umalis ang isa sa mga myembro ay maaari silang patayin ng mga taong nag papa suweldo samen dahil marami na silang nalalaman.

Ng matapos ako mag dasal ay nagulat nalang ako at may katabi na pala ako.

Umiiyak siya habang naka luhod.

Fight for herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon