[26] MUTUAL UNDERSTANDING
KAYE ANNE'S POV
"I'm fine. Namiss rin kita, Nat-nat..."
Teka, teka nga. Ano 'tong nakikita ko? Bakit magkakilala sila?
Medyo winave ko ang kaliwang kamay ko sa kanila saka ako ngumiti na halatang nagtataka. "Hey, guys. Ano 'to? Magkakilala kayo?" Tumingin ako kay Chelsea. "How come, Chelsea?"
Bigla namang tumawa ng mahina si Nathan. "Kaye Anne, si Chelsea nga pala, highschool classmate ko. Salutotarian namin yan!" Proud na sabi niya habang nakatingin kay Chelsea.
"Grabe ka naman... Ikaw naman ang class valedictorian eh." Mahinhing sabi ni Chelsea.
"Sus! Lumamang lang ako ng .5 points eh." Humarap naman siya sa akin. "Kulet, dapat siya talaga yung valedictorian eh kundi lang siya nagvolunteer na turuan ako nun sa Statistics eh."
Hinampas naman ng mahina ni Chelsea si Nathan sa braso pero natatawa pa rin. "Hindi ah! Ikaw rin kaya, tinuruan mo rin naman ako nun sa Physics. Fair enough, Nat-nat!" saka sila nagtawanan.
Spell Out-Of-Place?
Capital K-A-Y-E A-N-N-E
"Wow, ang galing naman! Small world he-he-he..." I faked a laugh.
"Oo nga eh!" Sagot naman ni Nathan saka siya tumingin kay Chelsea na hindi pa rin inaalis ang ngiti. "Chels, pa'no ka napunta dito? Diba sabi mo sa State University ka? Kelan ka pa dito?" Wow, sunod-sunod ang tanong ah. Masyado naman siyang sabik kay Chelsea.
Inayos muna ni Chelsea ang bangs niya. "First sem, last year pa. Masyado kasi magulo dun sa State University eh. Laging may rally kaya pinatransfer ako dito." Tumingin muna siya sa akin saglit saka niya binalik kay Nathan. "Balita ko, isa ka sa mga pinili ng E.H.U na pinadala sa Germany."
"Ah oo eh... Nitong April lang kami nakabalik."
"Oohh~ Akala ko nga hindi mo na ako matandaan kasi sikat ka na dito."
"Ano ka ba... Ikaw makakalimutan ko, Chels? There's no way..." Tumawa naman ng mahina si Nathan. "Pasensya na Chels, nasanay umingles. Hahaha!"
Wushing~~ Hangin lang po ako dito, halaman, display, or extra. Pansinin niyo ako!
Bigla ko nalang naalala na may klase pa pala ako. Geez! Oo nga pala. "Excuse me..." Naputol naman yung conversation nila saka sila sabay na tumingin sa akin. "Una na pala ako sa inyo. May klase pa ako. See ya' around guys."
"Sige, kulet. Goodluck sa exams mo."
Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti. Magsasalita sana ako kaso naunahan na ako ni Chelsea. "Wow, kulet? Tawagan niyo? Wait..." She paused for awhile then looked at us meaningfully. "Girlfriend mo ba si Kaye Anne, Nat-nat?"
"Pffftt..." Napatingin ako sa gilid ko at pinigilan ang pagtawa. Si Nathan naman narinig ko lang na tumawa ng mahina.
"No, bestfriend ko lang siya."
Shoot. Yan na naman yang magic word na yan. Ewan ko ba basta tuwing naririnig ko yan ay naiirita ako. Tumingin naman ako kay Nathan saka ngumiti. "Yeah, pandak. So, talagang aalis na ako! Babush!"
Tumalikod na ako sa kanila at nagsimula ng maglakad palayo, kaso rinig na rinig ko pa rin ang kwentuhan nila
"Pandak, kulet? Wow, cute niyo naman!"
"Nakasanayan na namin eh. So, Chels, miryenda tayo mamaya. Libre kita!"
Hayyy. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam talaga ako ng inis. Nakakairita. Tsk!
BINABASA MO ANG
AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]
Fiksi RemajaIt seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado sila ng barkada at pamilya nila, and they're very much in love, with Kurt promising Gail that he will never leave her side. Pero hindi gano...