[57] Active Baby

484K 9.3K 2.5K
                                    

[57] ACTIVE BABY

GAIL'S POV

"Bye, Princess..."

Nginitian ko lang sila bago sila lumabas. Naiwan kasama ko sina Chloe, Dustin, Wayne at si Alex. Kagabi, nalibang ako kasi buo ang X10 at idagdag na rin sina Sandy, Lovely, Misty at Megan. Although, wala si Kaye Anne dahil birthday daw ng boyfriend niya which is Austin, napasaya naman nila ako kahit papaano. They stayed with me here all night. Kwento lang sila ng kwento to ease my boredom. May dala pa nga si Dustin na gitara kaya nag-jamming session sila dito. Good thing, sound proof ang ward na ito... And to think, presidential ward pa ito kaya wala kaming mabubulabog na ibang pasyente.

I was staring at Kurt the whole time. Same routine lang naman ako eh. Matutulog, kakain, tingin kay Kurt then kakain na naman. Ganun lang ako. Good thing, may bathroom dito sa ward na ito kaya hindi ko na kailangan pang umuwi para maligo. May dala na rin naman akong damit dito kaya wala ng problema. Mom bought me a lot of fruits also para may sufficient nutrients naman ako. They would also convince me para umuwi muna sa bahay at magpahinga pero ayoko talaga. I want to be with Kurt all the time... Alam ko... At nararamdaman ko na malapit na siyang gumising.

"Princess, pancakes pa, gusto mo?" I just looked at Wayne on the couch. Kumakain silang apat nila Alex, Dustin at Chloe ng breakfast.

"Nah thanks, I'm full." I smiled. "Hindi pa ba kayo aalis? May pasok kayo diba?"

Chloe raised her right hand. "11AM pa class ko. Si Dustin naman, 9AM pa. 7:30AM pa lang eh..." She then eyed Wayne. "Ikaw, Wayne?"

"Wala ang prof namin ngayon. May appointment... Mamaya pang 2PM class ko." He replied.

I'm very thankful that I got friends like them. Sa lahat ng problema na pinagdaanan ko, nandyan sila. Minsan nga nagiguilty na ako eh. Kasi, nadadamay sila. Na dapat ako lang ang namomroblema pero andyan sila para damayan ako...

"Guys, thank you..." My voice was hoarse. Siguro, dahil sa puyat na rin. Gusto ko mang matulog nang sapat pero may insomnia yata ako.

"For what?" Alex asked in wonderment.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa monobloc chair katabi ni Kurt at lumipat sa tabi ni Chloe sa cornered sofa. "Eh kasi, nandito kayo para sa akin... Dapat nga, huwag niyo na akong intindihin eh. Kasi, problemado ko 'to... Lagi nalang akong nagkakaproblema..." Ayan na naman ang luha ko. I immediately wipe it off with my palm.

"Sissy, ano ka ba~~ Sino-sino pa ba ang nagdadamayan diba? We're super friends 'ya know~!" Sabay akbay sa akin ni Chloe.

"Dati nga, pinapabantayan at pinapaalagaan ka sa amin ni Master," kumagat si Wayne sa hawak niyang red apple. "-Ngayon pa kaya diba?"

I giggled as I wiped every tear that fall from my eyes, "Ewan ko ba kung anong pinakain sa inyo ni Kurt para alagaan niyo ako ng ganyan. But I'm really thankful... Ang swerte ko sa inyo~"

Alex tapped my head like I'm a kid. "You know what? When we were in our highschool years, Kurt always played with girls... Minsan nga, pagkatapos niyang pagsawaan ay iniiwan nalang niya basta," He cleared his throat. "Sorry for the term pero jerk talaga yan si Kurt noon. Well, ayun nga, lagi ko siyang sinasabihan na huwag paglaruan ang mga babae... Kaso, wala eh... Womanizer talaga... Kaya ayun, we made an oath na kapag nakahanap siya ng babaeng seseryosohin at mamahalin niya-" He smiled to me. "---Ay aalagaan din namin..."

Nakakaflatter naman. So, that girl is me...

"Thank you..."

Ilang oras din kaming nag-usap nila Wayne, Dustin, Chloe at Alex. With Wayne around, puro tawanan at asaran lang ang nangyari. Somehow, I felt relieved. Relieved kasi marami akong kasangga.... Marami ang nagmamahal kay Kurt despite of his attitude. Napakaswerte ni Kurt sa X10... Hindi sila yung tipong magkakaibigan lang... Parang magkakapamilya na rin ang turingan nila.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon