[1] Gwapo Sa Party

1.1M 22.3K 9.4K
                                    

[1] GWAPO SA PARTY

GAIL'S POV

Unti-unting tumutulo ang mga luha ko,

Kasabay ng tila dahan-dahang pagdurog ng puso ko.

Bakit ganun? Kung kelan binigay mo ang buong tiwala mo sa kanya, saka kanya gagawan ng masama.

Ang sakit.... Ang sakit...

Parang pinipiga ang puso ko.

"Hey, Crystal! Why the hell are you crying?"

Pinunasan ko gamit ng palad ko ang mga luha sa pisngi ko. Pagkatapos ay lumingon ako kay Kurt, umupo naman siya katabi ko sa kama. "Ano ba yang pinapanuod mo?"

Hindi ko mapigilan ang tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko. Nasasaktan ako eh, huhuhu.

Yumakap ako kay Kurt ng mahigpit. Niyakap niya rin ako at bahagyang hinahagod ang likod ko. "Kurt,  bakit ganun siya? Bakit niya pinaamo yung gorilla tapos kung kelan nagtiwala na sa kanya, saka niya pinatay? Ang sakit eh! Huhuhu!" T3T

"Crystal, ano ba naman kasi yang pinapanuod mo. Akala ko, kung ano na ang nangyari sayo. Yun pala, nakatutok ka dyan sa National Geographic lang. Tss." May halong inis na sabi niya. Kumawala ako sa yakap at humalukipkip.

"Kurt, nakakaawa yung gorilla! Napaka-adorable pa naman niya tapos pinatay lang! T-tapos.... The zoologists used their body for dissecting! Hindi ba nila alam na may damdamin din ang mga hayop! Napaka-cute pa naman niya!"

Nanlaki yung mga mata ni Kurt.

"Bakit?" Tanong ko.

Imbes na sagutin niya ako, isinarado nalang niya ang laptop ko. Tumayo siya at inalagay sa study table ko. "Kurt, what do you think you're doing?!?" 

Tumingin siya sa akin at kinamot ang batok niya. Pumikit pa siya saglit at bumuntong hininga. "Baby love, stop watching that kind of crap! Or rather, stop watching unpleasant creatures. It may affect our baby!"

Lumapit siya sa akin at hinila ako patayo. He kissed my forehead and embraced me tight. "Baby love, do you want our child get the gorilla's appearance?" He asked using his sweet tone. Parang hindi gangster si baby love ko. 

Pero teka! 

I pulled away from the hug and punched his left arm. "Hindi unpleasant creature ang gorilla! Ang cute cute kaya!!!! So adorable."

Umupo siya sa may bed side tapos tinignan niya ako ng seryoso. "Seriously, Crystal? You find the gorilla cute? Ang pangit ah! Simula ngayon, wag ka ng manuod ng ganun ah."

I bit my lower lip, frowned and wrinkled my nose. "UGH! HINDI PANGIT ANG GORILLA! IKAW ANG PANGIT!! PANGIT KA, KURT!!!!!!!!"

I won't let him insult the cutie gorilla! Never!

Kurt stood up and took steps towards the door. "Hey, where are you going?" I asked.

He looked back at me and he seems annoy. "Maligo ka na, Crystal. We're gonna be late for school." Then he turned back again.

"TEKA, KURT! Angry?" I asked consciously. Eehh! Parang ung isang gabi lang siya nag-propose sa akin tapos inaway ko na? Ang bad ko naman.

"No."

"Then?"

"I want you to stop watching those fvcking youtube videos for the sake of our baby," he answered without looking back at me.

I exhaled. Fine! But infairness, kinilig ako dun sa 'for the sake of our baby' Hahaha. Feel na feel ni Daddy, baby oh.

"Fine! But in one condition, baby love." I said. Lumingon naman siya at lumapit sa akin. He touched my chin and made my eyes met his. Waaaah!!!!! Ang ganda ng mga mata niya kaso ang pangit niyaaaaaa!

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon