[36] Open-Relationship

495K 10.1K 3.4K
                                    

[36] OPEN-RELATIONSHIP

 

KAYE ANNE'S POV


Ano na bang gagawin ko kay Austin? Should I still give him a second chance? Kanina pa ako nakatulala dito kakaisip sa kanya. Nagi-guilty kasi ako eh. Nagtaka na nga sa akin kanina sina Chloe at Gail nang mahalata nilang absent-minded ako. Sa sobrang pagka-absent-minded ko, hindi ko na nabalik yung bag sa kanilang dalawa. Nadala ko pa dito sa stall namin. Foods and beverages nga pala yung binebenta namin. Yun ang na-assign sa amin eh. 

"Mag-close na tayo, guys. 4:30 na eh..." Narinig kong sabi ng isa kong groupmate, si Mia.

"Oo, magclose na tayo. Wala na rin namang bumibili at saka manunuod pa ako ng opening ng basketball tournament. Papanuorin ko si Austin na maglaro! Yieeeeeeeee!"

"Luuuuh? Crush mo yun si Austin? Crush ko rin yun eh. Hihihi! Ang hoooooot kaseee!"

"Eeeeeh! Tara na nga at magclose na para makahabol tayo."

I looked at them absent-mindedly. Binanggit ba nila ang pangalan ni Austin?

"Mia, Juna Joy... Are you two talking about Kyle Austin Willard?" 

"Yup!" 

"What about him?" 

"Opening tournament ngayon ng basketball sa East Coliseum. Kalaban yata nila yung Western University."

"Ahhh..." Agad akong tumayo saka ko niligpit ang gamit ko. Ngayon pala ang laban nila Austin. Sana manalo ang team nila. Balita ko kasi ay puspusan sila sa pagpapractice these past two weeks.

Dumating naman sina Raffy at Lemuel sa stall namin, groupmates din namin. Nagpaalam kasi sila na pupunta sila ng C.R.

"Uy, bakit ngayon lang kayo? Grabe namang pagpunta sa C.R yan. 20 minutes? Saan ba ang C.R na pinuntahan niyo?" Salubong sa kanila ni Mia.

"Nakinuod lang kami sa cafeteria ng laban ng Basketball. Grabe, tambak ang E.H.U sa first quarter. Tsk! Putek!" Sagot naman ni Lemuel.

"Tambak? Eh ang galing kaya nila. Pa'no nangyari yun? Mas magaling ba ang kabilang koponan?" Tanong naman ni Juna Joy. Tahimik lang ako na nagwawalis ng pwesto namin. Hanggang ngayon wala pa rin ako sa mood.

"Eh na-injured ang captain ball eh! Tapos ito naman si Willard, kung sino pa ang sumunod sa pinakamagaling, siya pa ang walang gana. Lalamya-lamya ampota!"

"Oh, opening na sa Monday next week. Free ka ba nun? 4PM sa East Coliseum..."

"Sure... I'll be there..."

"Thanks... Mas mapapabuti ang laro ko dahil nandun ka."

"Loko! Hahahaha..."

Napahinto ako sa pagwawalis nang maalala ko yung sinabi sa akin ni Austin last week. Ininvite niya ako sa laro nila. Pupunta ba ako?

"Laging sablay 'pag tumitira si Willard eh..."

"Oo, may problema yata yun. Ang init ng ulo sa hardcourt eh."

"Kahit na! He should be professional. Dapat hindi niya dinadala ang problema niya sa hardcourt."

Binitawan ko na ang walis saka ko kinuha ang bag ko. Lumapit ako sa kanilang apat habang nag-uusap sila. "Guys, can I go now? Bawi ako bukas. Kailangan ko lang talagang umalis."

 "Uh, sige... Ayos lang. Tapos na rin naman tayo eh." Juna Joy replied.

I beamed at them in gratitude. "Thanks! Wait, saan ba yung East Coliseum?"

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon