[65] Anything Or Everything?

328K 8.2K 4.1K
                                    

[65] ANYTHING OR EVERYTHING?

STEPHANIE'S POV

Naitawag ko na kahapon sa parents ni Kurt ang paggising niya. Masaya ako dahil nagising na siya after more than two weeks of being in coma. I'm really glad that his eyes flew open while I was beside him. Ako ang unang nakita niya nang magising siya.

Kung hindi lang sana ako pinauwi kagabi ni Tito Lucas para raw magpahinga ako, malamang nandun pa rin ako sa hospital para asikasuhin si Kurt.

Kahit na masaya ako sa pagkarecover ni Kurt, hindi pa rin mawala sa isip ko ang pag-aalala. He was awake the whole time. Nakatulala lang raw siya sa ceiling sabi ni Emily sa akin. Ipinikit lang raw nito ang mga mata niya nang magmadaling araw na. He didn't even spoke a word when his parents talked to him. Ito raw ang cause ng pagkabagok ng ulo niya. He's still in trauma.

"Where do you think you're going?"

Napahinto ako sa paglalakad sa pathway ng bahay namin nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. I took in a deep breath when I heard his footsteps coming near me and I flinched when I felt his hand on my shoulder.

"Mariz, you're not going anywhere, are you?"

I turned around to face him. "Kuya Morris, I need to go back to the hospital. Gising na si Kurt. He needs me!"

He shot me his infamous sarcastic smile. "That's so sweet of you, Mariz. Matagal akong nawala pero hindi mo man lang ako kinamusta. Yang Kurt pa na yan ang uunahin mo."

Mataman ko siyang tinignan sa mga mata. "You look fine to me. Why would I bother to ask that?" Umiwas ako ng tingin at iniling ang ulo ko. "Nagpapasalamat nalang ako dahil nakarecover na si Kurt. Siya ngayon ang concern ko."

"Fine, papabayaan kitang puntahan 'yang ama ng anak mo," he paused that made me look back at him. "Ikaw na ang bahala kung tatanggapin ka ng mga magulang niya. You see, you seemed to be acting as the third wheel." He smiled sheepishly to me, "Go on, Mariz. Ipaglaban mo ang dapat ipaglaban. I'll be right behind you..."

***

I felt relieve on my way back to hospital. Una, dahil magaling na si Kurt at pangalawa, suportado ako ng kapatid ko. Sana naman magtuloy-tuloy na. Excited na kasi akong lumabas ang baby ko. Kahit naman na i-DNA test pa nila ang anak ko, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan na anak talaga ito ni Kurt. Bunga ito ng pagmamahalan namin eh.

Hindi pa man ako nakakarating sa tapat ng hospital room ni Kurt, nakita ko na agad sina Tita Elizabeth at Tito Lucas na nakikipag-usap sa doctor. I don't know what has gotten in me but I found myself hiding behind this wall and listening to their conversation. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila dahil sa mga expression na nakabakas sa mga mukha nila.


"Ayon sa pasyente, hindi niya matandaan kung ano ang pangalan niya. Maging kayo, hindi niya kayo natatandaan. Hindi imposible na mawala ang mga alala niya dahil sa matinding pagkabagok ng ulo niya."

"So you mean, may amnesia siya, doc?"

"I'm afraid to say yes. Kailangan ko pang suruin kung anong type ng amnesia ang meron siya. By the looks of him, he seemed to have a post-traumatic amnesia. Mukhang wala talaga kasi siyang maalala sa mga nangyari. Kahit nga kayong mga magulang niya hindi niya natandaan."

I heard Tito Lucas' voice, "Post-traumatic amnesia? Is it permanent or temporary?"

"Sana naman makarecover siya, 'doc."

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon