[67] Home Sweet Home

383K 8.4K 4.8K
                                    

[67] HOME SWEET HOME

GAIL'S POV

Hawak-hawak ko ang kamay ni Kurt habang papunta sa unit ko. Yeah finally, nadischarge na rin siya sa hospital tatlong araw matapos siyang magising. I'm glad we're going home now. Nakakamiss din yung ilang weeks na hindi kami nakauwi sa unit ko. Napagpasyahan na rin ng mga parents namin na sa unit ko nalang uuwi si Kurt. Tutal naman daw ay mukhang maayos na ang condition niya. Oh well, kahit naman na hindi payagan si Kurt na sa unit ko siya mag-stay ay hindi ako papayag. Paano maalala ni Kurt ang lahat kung hindi ko siya kasama diba?

Huminto kami sa harapan ng unit ko. Naramdaman ko naman na nakatingin sa akin si Kurt na ngayon ay may benda pa rin sa ulo niya.

"Ito na ba ang unit mo?"

Ngumiti ako, "Oo. Yung sa kaliwa naman-" tinuro ko ang kaliwang unit na katabi ng akin,"-ang unit mo. Pero dito ka na talaga umuuwi sa akin noon simula nang ma-engage tayo nung July."

Hindi na siya kumibo pa pero alam kong naintindihan naman niya ang sinabi ko kaya binuksan ko na ang pinto ng unit. Pinauna ko muna si butler Homer na ipasok ang ilang gamit ni Kurt saka kami sumunod na pumasok. Napansin ko kaagad na nilibot ng paningin ni Kurt ang buong unit. Yung para bang first time lang niya nakarating sa lugar na ito.

"Miss Gail, may kailangan pa ba kayo?"

Umiling lang ako kay Butler at matipid na ngumiti, "Wala na po. Sige po, Butler, pwede na po kayong magpahinga. Tatawagin nalang namin po kayo kapag may kailangan po kami."

"Okay," humarap siya kay Kurt at tinapik ang kaliwang balikat nito. "Sir Kurt, nasa unit niyo lang po ako nag-i-stay. Tawagin niyo nalang ako dun kapag kailangan niyo ako."

"Sure, thanks..."

Napangiti naman si Butler sabay tingin niya sa akin na para bang amused siya, "Hindi ako sanay kay Sir Kurt. Parang ang bait yata?"

I chuckled heartily, "Butler naman... Mas nasanay tayo sa dating Kurt diba? Kaya ayun dapat ang kailangan nating ibalik kasi yun talaga ang pagkatao niya."

Tumango-tango naman siya sa akin, "Tama po. Sige ho, una na ako. Goodnight po."

Pagkaalis ni Butler Homer ay hinayaan ko lang si Kurt na magmasid-masid sa paligid. Kung hindi ko lang alam na may amnesia siya, malamang tinawanan ko na siya. Mukha kasi siyang taong-gubat na ngayon lang napadpad sa city.

"Baby love," tawag ko sa kanya at agad naman siya lumingon. "Akyat na tayo sa kwarto natin para makapagpahinga na tayo. Napagod rin kasi ako eh."

Hindi ko na siya hinayaan na makasagot pa. Hinila ko na siya agad sa kaliwa niyang kamay paakyat sa kwarto namin. Pagpasok namin sa kwarto namin, medyo natigilan si Kurt. Kumunot pa nga ang noo niya.

"Kurt, may problema ba?" I paused for some seconds. "May naalala ka ba?"

Huminga siya ng malalim saka siya tumingin sa akin. "Dito rin ako natutulog? Tabi tayo?"

"Uhmm, oo..."

"Pambabae itong kwartong ito. All-pink." Lumapit siya sa kama ko at kumuha ng pink din na unan. "Ayos lang ba sa'kin noon na pinapalibutan ako ng pink kahit lalaki ako?"

I smiled cleverly, "Hindi big deal sayo ang color pink noon. Kahit na gangster ka, at ang favorite color mo ay black, you didn't mind at all."

Bigla ko tuloy naalala yung phone namin ni Kurt, kaya naman agad-agad ko yung inilabas mula sa shoulder bag ko. Malamang kapag nakita niya ang accessory ng phone niya, magulat din siya.

"Here's your phone," lumapit ako sa kanya at inabot ang phone niya na may nakasabit pang accessory doon. As expected, mas lalong nangunot ang noo niya. "Crysty ang pangalan niyang key chain na yan." Pinakita ko naman sa kanya ang phone ko na may nakasabit na accessory gaya ng kanya, "Mine is Tristy. Alam kong korny pero you still have been using that for almost 3 years."

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon