[5] De' Javu

760K 15.5K 4.1K
                                    

[5] DE'JAVU

GAIL'S POV

 

 Ang agang umalis ni Kurt ngayong araw. Nakakainis, biro niyo ala-sais pa lang ng umaga, nagmamadali ng bumangon ng kama.

By the way, dito na siya lagi-laging matutulog. Hindi gabi-gabi ah, pag weekends, dun siya sa unit niya. Baka naman kasi magkaroon na ng cob webs yung unit niya or worse baka maging haunted na kung di man lang niya titirahan. Ayoko naman matulog dun kasi hindi ko feel ang amoy. Ewan ko, nahihilo ako sa scent ng kwarto niya.

Kakatapos ko lang kumain ng breakfast at ngayon ay handa na akong gumora sa E.H.U. 

*BZZZTTTTTT* *BZZZTTTTTT* *BZZZTTTTTT*

 

Agad akong tumakbo sa harap ng pintuan at sumilip sa peep hole. Hmm, si Chloe pala. Agad ko namang binuksan ang pinto.

"Good morning preggy sissy, let's go?" Bungad sa akin Chloe.

Nagkasalubong tuloy yung kilay ko, "Bakit? Saan tayo pupunta?"

"Edi saan pa? Sa E.H.U malamang," she rolled her eyes. "Pinapasundo ka sa akin ni mhine eh."

"Huh? bakit?"

"Aba! Ewan ko. Yun lang ang sinabi sa akin eh," sagot niya. "Tapos ka ng kumain?"

Tumango naman ako at pumasok ulit para kunin ang gamit ko. "Tara na, Chloe."

Nang makarating kami sa basement ay tinungo agad namin ang pink Porsche ni Chloe. Nagulat ako kasi nandito pala sa loob si Kaye Anne na naghihintay.

"Uy, Kaye Anne. Morning," bati ko habang pumapasok sa back seat. Syempre si Chloe, dun umupo sa driver's seat at si Kaye Anne ay nasa passenger's seat.

"Good morning din," Kaye Anne greeted back.

Nagsimula nang paandarin ni Chloe ang kotse niya. Lumingon sa akin si Kaye Anne at ngumiti ng wagas.

"Don't smile like that Kaye Anne. You're creepy," sumimangot naman siya bigla. "Sige, smile ka nalang ulit."

"Hahahaha! May kukuwento ako sissies!" Excited na sabi Chloe. Tumitingin siya sa akin sa rear mirror.

"Spill it, Chloe." Kaye Anne said.

Wala namang traffic kaya tuloy-tuloy lang kami.

"Next month na ang kasal namin ni Dustin," she giggled. Kami naman ni Kaye Anne napatawa lang. Buti pa si Chloe, ikakasal na agad. "But..."

"But??" Kaye Anne and I asked in synchronize. Paano kasi biglang naging sad yung tone pagdating sa 'but'.

"But, we're not going to live together. I mean, after the wedding and the honeymoon, back to normal lives na naman kami. We're not going to live together until we graduate," she said while focusing her eyes on the road.

Napa-'aww' tuloy kami ni Kaye Anne.

"Bakit daw? Sinong may idea niyan, Chloe?" Kaye Anne asked. Inalapit ko ang mukha ko sa harapan.

"Parents ko. Ayaw pa kasi nilang may ma-buong baby kaya ganun." She said sadly. "Sayang, sana ginaya nalang kita, Gail."

Kinurot ko nga sa braso. Masarap nga dibang mangurot? Hohoho.

"Aray naman buntis! Pag ako nabuntis, gaganti ako sayo!" Reklamo ni Chloe. I just stuck out my tongue. Bleh! :P

"Hindi ko sinasabi na bad influence ako pero wag na wag mo akong gagayahin kasi bad yun," sabi ko. Teka nga, ang gulo ko ata? Hindi bad influence pero bad? 

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon